"Uuwi ka na, San?!" tanong ni Jamie paglabas namin ng classroom.
Tumingin ako sa kanila. "Baket?"
"Kain tayo!" si Jamie.
Natawa ako. "Wala akong pera."
"Tsk tsk." biro ni Jamie. "Libre ko, hehe."
Napangisi ako. "Talaga lang ha?"
Dumeresto agad kami sa bukohan na malapit lang sa school. Marami kasi silang tinitinda dito.
"Oh, anong sa inyo?" tanong ni Jamie pag-upo namin.
Tinuro agad ni Antonette ang pizza. "Pizza,"
Ngumiwi si Jamie at bumaling sa'kin. "Sa'yo?"
"Okay na ang pizza, marami namang laman 'yan." sagot ko.
Tumango si Jamie at pumunta na sa counter. Tumingin naman ako sa table kung nasa'n ang mga Grade 9 students na babae. Ewan ko ba pero nako-curious ako sa kanila.
Kilala ko ang ilan sa kanila. Dun din kasi sila nag-aral sa TCES, kung saan ako nag elementary. Aaaand, kapitbahay ko ang isa sa kanila.
"Anong tinitingin-tingin mo dyan?" biglang tanong ni Antonette.
Lumingon ako sa kanya. "Nako-curious lang ako sa kanila."
"Ang gaganda 'no?"
Sumang-ayon ako. "Sobra,"
"Maganda ka din naman 'te!" biglang singit ni Jamie.
Natawa ako at napailing. "Katamtaman lang."
"May assignment nga pala tayo sa Math 'no?" si Antonette.
Tumango kami.
"Ang hirap nga eh, tsk." si Jamie.
Tumango-tango ako. "Pasalamat na lang tayo na pina-assignment ni Ma'am Joyce."
"Excuse me, ma'am." Napalingon kami sa babae na dala-dala ang pizza na inorder namin. "Here's your order."
Tumango si Jamie. "Salamat. Ah, nasa'n ang mga drinks?"
"Kukunin ko pa lang po."
"Ah, sige. Salamat."
"Kainan naaaaa!" si Antonette.
"Mainit 'yan." sabi ko sa kanya.
"Thank you." sabi ni Jamie dun sa waitress.
Binuksan na namin ang box ng pizza at kumain. Habang kumakain kami, napag-usapan namin ang mga crush namin. Kahit walang akin. Hehe.
"Anong pangalan?" tanong ko kay Antonette.
Ngumiti siya. "Kilala mo si Ate Aubrey, 'no?"
Tumango ako. "Garcia?"
"Yeees, bunso niya si Mikael."
Napanganga ako. "Tekaaa! Kilala ko 'yan eh!"
Natawa si Jamie, sumeryoso naman si Antonette. "Hoy! Akin si Mikael 'no!"
Nagtaka ako. "Sa'yo naman talaga eh. Sabi ko, kilala ko lang! Hindi ko sinabing aagawin ko!"
Tumawa siya at tumango-tango. "Okay. Pa'no mo siya nakilala?"
"Madalas siyang mag-laro dun sa basketball court na katapat lang ng bahay namin."
"Ang gwapo diba?"
YOU ARE READING
Rewrite The Stars (ON-GOING)
Teen FictionNasabi mo na ba sa sarili mo na "Parang may kulang, eh." pero hindi mo alam kung ano? 'Yung tipong naiiyak ka na lang kasi wala kang magagawa? Every birthday mo, hindi ka gaanong masaya kasi nga may kulang. Alam mo 'yun? Meet Rose Anne Vasquez, isan...