"Ano?!"
Mas kinabahan ako sa reaksyon ni Antonette. Tila hindi niya inaasa-
"Anong sabi mo?! Hindi kita narinig."
'Anak ng..'
Napahilamos ako sa mukha ko. "May gusto ako sa kanya,okay?!"
"Huh? Nino?"
'Sa'yo! Piste!'
"K-Kay Hanz.." mahina kong sagot. "S-Sorry, hindi ko mapigilan eh."
Pero nagitla ako ng bigla siyang ngumisi. "Don't worry, my friend. Marami akong reserba."
'What the?'
Natawa siya sa reaksyon ko. "You're pretty obvious, Rose Anne."
"I'm..what?!"
Tumango siya. "Yep!"
Magsasalita pa sana ako ng nag salita na ng Grade 9 student na si Ate Fionna. Siya ang magli-lead ngayon sa morning assembly.
Natapos ang morning assembly pero nakatulala pa rin ako sa nangyari kanina. Kinuwento naman ni Antonette kay Jamie ang nangyari kaya ayon, pinagtatawanan na nila ako.
"Obvious ka pa sa obvious, besh." si Antonette.
Umirap ako. "Psh."
"Kaya pala hindi mapakali kanina." si Jamie.
Ngumisi ako nang maalala ko ang naging usapan namin ni Justice at Jamie. "Mukhang nalimutan mo ata ang naging usapan natin kagabi, Jamie."
Biglang namula ang mga pisngi ni Jamie. "A-Anong pinagusapan natin?"
"Ay, nakalimutan mo na?" pang-aasar ko pa.
"Ano ba 'yon, 'te?" nagtatakang tanong ni Antonette.
Umiling si Jamie. "W-Wala.."
"Tsk." singhal ni Antonette. "Knowing Rose Anne, hindi siya nang-aasar kapag walang kaasar-asar."
Mas lalo akong natawa sa sinabi ni Antonette.
"Nakalimutan mo ba talaga, Jamie?"Hindi siya sumagot.
"Okay," tumayo ako. "Si Justice na lang ang papapuntahin ko dito."
Biglang nanlaki ang mga mata niya at tumayo para pigilan ako. "Okay okay!"
Tumawa ako at umupo na, hinihintay ang sasabihin ni Jamie.
"Ano ba talaga-"
"Kami na ni Justice." mahinahon 'yon pero may diin. Para bang pinagsisisihan pa niya na naging sila.
"What!?" As expected, naging gano'n talaga ang reaksyon ni Antonette.
Tumango si Jamie, hindi makatingin kay Antonette. "H-Hindi ko nasabi sa inyo dahil-"
"Kailan pa!?"
Hindi ako sumali sa usapan nila. Nakikinig lang ako ng taimtim. Hahahaha!
"Nung October 14."
Napatingin sa'kin si Antonette. "At alam mo!?"
Nagkibit-balikat ako. "Nalaman ko lang kagabi."
"Pa'no mo nalaman?" si Jamie.
Ngumisi ako. "Nag chat lang naman kasi kami ni Justice."
YOU ARE READING
Rewrite The Stars (ON-GOING)
Teen FictionNasabi mo na ba sa sarili mo na "Parang may kulang, eh." pero hindi mo alam kung ano? 'Yung tipong naiiyak ka na lang kasi wala kang magagawa? Every birthday mo, hindi ka gaanong masaya kasi nga may kulang. Alam mo 'yun? Meet Rose Anne Vasquez, isan...