CHAPTER 2 (Carmella)

2 0 0
                                    

*1 unread message from reynaldo*

Reynaldo:

Olivia, change your name into eve, that's an important matter.

nag lagay ako ng farmer wear sa luggage mo, use it if you have to.

Also, The grand daughters will come at the plantasyon later at lunch

1 pm to be exact. do your thing, don't make me disappoint.

"ugh! I know my moves, you really proves me how greedy you are, huh? tss."

I said sabay hagis ng phone ko pabalik sa side table.

i really do believe that money can make anyone evil, so as my parents.

"SHOOTTT!!!!! I HATE MY LIFE" sigaw ko bago tumayo at nag simulang mag ayos.

sumilip muna ako sa orasan bago ako kumilos at mag handa.

-------

"Bagong pasok mo lang ba dito? sa kutis mo hija hindi bagay sayo ang may ani ng palay sa ilalim ng mainit na araw"

inangat ko ang ulo ko mula sa pag kaka upo at nag takip ng mata gamit ang sumbrero.

"ah opo, mula po ako sa libungan kalapit na bayan po. matumal ang trabaho dahil sa dami narin po ng tao kaya

na pag desisyunan ko narin pong lumipat" sambit ko sabay dagdag ng ngiti.

"nako hija, itong plantasyon na kinatatayuan natin ay pinag aagawan ng malalaking kumpanya,

hindi malabong sa susunod na taon ay mabili narin ito. yun nga lang, medyo hirap ang mga apo ng may ari

dahil narin sa dami ng nag aagawan. kaya ang payo ko sayo, mag patuloy ka na lamang sa ibang baryo, bata ka pa

at may malakas na pangangatawan."

sambit nya, saka muling binitbit ang dala dalang mga palay.

"ah, tatang kilala nyo po ba yung may ari nito noon?"

hindi ko na pina lipas pa ang pag kakataon at nag tanong tanong na para sa iilang impormasyon.

"oo naman, halos kasing tandaan ko lang si carding. inatake sa puso dahil sa sobrang tabraho, sa pag kakaalam ko

may iniinda na syang sakit noon pero, ayaw nyang maging pabigat kaya ayun, nabawian agad ng buhay. sa lahat ng apo nya

si carmella ang pinaka paborito nya, madalas nyang kasama sa kubo at umiikot tuwing ala sais ng umaga dito sa plantasyon upang

mangamusta sa mang mang gagawa. sya ang gumigiit na wag munang ibenta ang lupain dahil sa palagay nya labag ito para sa lolo nya.

sa totoo lang, nitong nakaraang linggo lang, pinu puntirya ng mga businessman si carmella pero ito ay walang interest

sa kahit isa sas kanila, dahil alam nya kung anong habol nito sa kaniya. mautak ang batang iyon, sapat lang upang mas pag igihan ng

mga kumpanya ang panunuyo dito. sya nga pala, pupunta dito ang mga apo ng matanda mamayang ala una.

mabuti pang makipag ugnayan ka sa kanila, patungkol sa serbisyo mo dito. oh sya, masyado nakong maraming nasasabi, mauuna na ako sayo."

nag iwan ako ng isang ngiti sa magsasaka at tumango sabay sabing...

"Sige tatang ingat po kayo" ngumiti nalang din sya at nag patuloy sa paglalakad.

-------

"tao po" sambit ko saka kumatok sa kubo.

minuto ang lumipas at agad na bumukas ang pintuan ng kubo.

"sino po sila?" sambit ng isang dalaga.

sa palagay ko sya si carmella, mahaba ang buhok maputi at mapungay ang mata.

"ah, bagong tauhan po kasi ako dito, mula po ako sa libungan kalapit na baryo.

gusto ko lang po sanang itanog kung naghahanap pa po kayo ng mag sasaka, matumal po kasi ang trabaho namin

sa kabila, dahilan ng lumalagong populasyon" pagpapaliwanag ko.

bakas sa mga mata nya ang pagod pero ngumiti sya sa akin at pinatuloy ako sa loob.

"pumasok ka muna, ipakakausap kita sa ate ko" hindi nawawala ang ngiti sa kanya kahit muka syang pagod at stress.

pag pasok ko sa loob, maraming papeles ang naka kalat sa sala, na agad nilikpit ng isa sa mga kasama nyang babae.

"pasensya na at makalat dito ha, mga papeles yan ng iba't ibang kumpanya na nag aagawan dito

kumbaga iba't ibang alok o pang palakas para mabenta sa kanila ang plantasyon. sya nga pala, ako si carmella."

tumango naman ako at kunwaring walang alam sa mga sinasabi nya, tama ang hinala ko, sya nga si carmella.

"eve pala" sambit ko saka ngumiti.

"napaka init ng panahon" pumasok ang isang babae sa pintuan, may katangkaran kumpara kay carmella.

"ate, nanjan kana pala. ate ko nga pala, si clara" tingin nya sakin bago pumunta ng pinto at alalayan ang kapatid nya.

"oh, may bisita ka pala. anong sadya mo hija?" sabay baling ng tingin sakin.

"ah--

agad na sumingit si carmella at sinabing...

"balak nyang pumasok bilang isa sa mga mag sasaka ate, sa palagay ko ok naman sya, muka rin naman syang mapagkakatiwalaan"

"mababa lang ang sahod dito, hindi gaanong kalakihan kumpara sa ibang baryo, ayos lang ba sa iyo yon?"

agad naman akong tumango na mukang kumbinsadong kumbinsado.

"ayos lang po yun ate, sa katunayan po, sapat na ang gulay sakin pang sa araw araw. sadyang kailangan ko lang po

mag serbisyo para sa pamilya ko sa kabilang bayan"

mukang naniniwala sila sa mga palabas kong salita, lalo na si carmella.

"oh sya sige, magkita tayo bukas para sa unang araw mo." sambit nito saka pumasok sa kusina.

ngumiti naman ng malaki si carmella sa akin na tila bang mas masaya sya na natanggap ako bilang isa sa mga trabahador nila.

"mauuna na ako, maraming salamat" sambit ko saka agad na dumeretso sa pintuan at akmang lalabas.

"sige, mag iingat ka. pasensya kana kung mukang sobrang saya ko ha, muka kasing ka edad mo lang din ako,

palagay ko magiging kaibigan kita. goodluck bukas!!"

nag iwan nalang din ako ng ngiti at patuloy na nag lakad.

mukang malalasap ko ang tagumpay, wala pang isang linggo.

Mission ImpossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon