Last Chapter

567 4 0
                                    

At last matatapos na din harhar.... salamat sa lahat ng nagbasa LOVE

YOU ALL

.

.

.

.

.

Pinunasan ni Andrea ang mga luhang bumabasa sa magkabila niyang pisngi

habang nakaharap siya sa isang lapida sa loob ng sementeryong kinaroroonan

niya ng umagang iyon.

Tapos na ang taimtim na panalanging iniukol niya sa kaluluwa ng lalaking

nakalibing roon kaya sa isip ay nagpaalam na siya rito..

Pagkatapos ng isang buntong hininga ay isinuot na niyang muli ang hawak

na sunglasses na hinubad niya kanina. Pagkatapos ay ipinihit na niya ang

katawan niya at sinimulan ng ihakbang ang mga paa.

Nilisan niya ang lugar na iyon na maluwag ang dibdib.

Payapa ang isip.

Nagawa na niya ang mga bagay na kagabi pa ay nais na niyang gawin.

May bagong pag-asa na siya sa haharaping bagong buhay.

May ngiti sa labi niya habang nagmamaneho ng kotse ni Efraim.

Naghuhumiyaw sa galak ang kanyang puso habang patungo siya sa

ospital.

" Lord, Thank you, " sambit niya. " Alam ko pong ikaw ang may

kagustuhan ng lahat ng ito. Salamat! "

Nang maiparada na niya ang kotse sa parking lot ng ospital ay masigla

siyang lumabas bitbit ang isang basket ng fresh flowers ay nagtungo siya

sa pribadong silid na kinaroroonan ng lalaking mahal niya-- at handa

niyang pakasalan.

" Hi " masaya niyang bati sa nakaratay na boyfriend matapos niyang buksan

ang pinto. " Nainip ka ba? "

" Andrea, " nakangiting sambit ni Efraim.

" Mabuti't dumating ka na. Miss na miss na kasi kita eh. "

" Ito naman, " nakangiti niyang sagot dito.

" Flowers for you. "

" How sweet! " Natatawang sabi nito.

" Thank's. Ako pa tuloy ang nabigyan ng bulaklak. "

" Dapat lang. Ikaw naman kasi itong nakaratay diyan. Ano? Masakit pa

ba ang sugat mo? "

" Kumikirot paminsan-minsan. "

" Pasalamat tayo at hindi sa puso mo tumagos ang bala ng baril.

Kung sakali eh., di pa ko nakakasal biyuda na ko agad. "

" Kaya nga nilakasan ko ang loob ko eh. Gusto ko talagang mabuhay

para sayo. ayoko ko din kasing di ko matupad ang ipingako ko sayo na

as soon as possible ay maikasal tayo. Iyon ay dahil sa birhtday gift mo.."

Yumuko siya at hinalikan ito sa noo.

" Salamat sa diyos at hindi ka niya kinuha agad sa akin. Salamat at

hindi na naulit uli yung kabiguan ko noon Efraim, Salamat at nagpakatatag

ka at hindi mo ako iniwang mag-isa. "

" Mabait ka kasi. Minahal mo kasi ako ng totoo at wagas. Kaya

nga sobra kong pinahahalagahan ang ginawa mong pagreregalo

sakin nung last birthday ko eh. Imagine, ipinagkaloob mo sa akin

ang pinakaiingatan mong yaman. . . na hindi mo nagawa noon sa

namayapa mong fiance kahit isang linggo na lang at ikakasal na kayo. "

Bumuntung hininga siya at inihimlay ang pisngi sa pisngi ni Efraim.

" Noon kasi ay desidido talaga akong kasal muna bago honeymoon eh..

Pero salamat sa paninindigan kong iyon dahil kung pumayag ako sa

gusto ni Herbert ay hindi na sana ako virgin nang magalaw mo. "

" Ang lakas ko naman pala talaga sayo. Biruin mong birthday ko lang ay

ini-regalo mo na yon sa akin. Kaya pinilit ko talagang mabuhay, para 

pakasalan ka. "

" I'm ready to marry you, Efraim. Dinalaw ko na ang puntod ni Herbert at

nagpaalam na ko sa kanya. Ikakasal na ako. Sayo. Na hindi ako iniwan

dahil nagawa mong labanan ang bingit ng kamatayan. "

" Andrea, sorry. "

" Sorry? For wahta? "

" Si . . . si Glenda! "

" Patay na siya, Efraim. Tapos na ang kabanata ng buhay mo sa kanya.

Hinayaan ng Diyos na mawala siya dahil yun ang gusto niya. Tinapos niya

ang buhay niya kaya siya nagbaril sa sintido pagkatapos ka niyang barilin.

Ang pagkakalam niya kasi napuruhan ka niya, akala niya napatay ka niya.

Forget it! Para sakin ay wala na iyon. Ang mahalaga ngayon ay narito ka. . .

sa piling ko. "

" Tuloy ang kasal natin! "

" Oo naman, " sabay tawa ng mahina.

Tiningnan niya ito ___ tuwid sa mga mata. " Kaya magpalakas ka

na diyan para makalabas ka na dito sa ospital at maayos mo na ang dapat

mong ayusin. "

I love you. "

" I love you too, "

WAKAS> ..........

Thank's to all hope you like it... 

S

A

L

A

M

A

=D

My Girlfriend's Birthday GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon