okay bibitinin ko muna kayo... aheheh
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sina Andrea at Efraim ay nagkakilala sa isang simple
ngunit nakakatuwang sitwasyon. Ang totoo'y tila
pinagtagpo talaga sila ng pagkakataon dahil iyon talaga
ang tadhana nila.
Kapag kasi destiny ang dalawang nilalang ay kusang
gumagawa ng paraan ang kapalaran para maganap
ang simula ng isang magandang relasyon.
Umaga noon at walang kamalay-malay si Andrea
na pag-upo niya sa may two seater na upuan ng
bus pauwi sa kanilang probinsya ay aagawin na niya
ng pansin ang isang lalaking nakaupo naman sa
3 seater na upuan sa bus.
Dahil nakasananayan na niya ang laging pagre-retouch
ng kanyang make up saan man siya abutin ay kinuha
agad niya mula sa maliit na hand bag ang kanyang make
up kit. Walang pakialam sa paligid na nagpaganda siya
sa maliit na handy mirror.
Hanggang sa biglang niyang maramdamang tila may
mata na nakatitig sa kanya kaya bigla siyang tumigil
at lumingon sa kaliwa. Bahagya siyang nagulat ng makita
ang isang guwapong lalaki na nakatitig sa kanya.
Ngumiti ito sa kanya.
Muntik nang mahulog ang puso niya dahil sa
pagtambad ng malalim nitong dimples sa
magkabilang pisngi. Idagdag mu pa ang killer
smile nito na lalong nagpatingkad sa kaguwapuhan
nito.
BINABASA MO ANG
My Girlfriend's Birthday Gift
RomanceHello reader's... What kind of gift nga ba yan?? READ READ na lang po kayo guys Alamin natin kung ano ang magiging takbo ng buhay nina Efraim, Andrea at Glenda sa Story na to.. Happy Reading.. =D