Crush 6

47 3 0
                                    

Margaux.

"Margaux!" Pagkarinig ko nun bigla nalang akong hinigit ni yohan kaya napayakap ako sa kanya.

"Okay ka lang?" Tanong niya. Tumingala ako para tignan siya, at wrong move pala yun dahil pakshet ang lapit-lapit ng mukha niya! Naku po, pigilan niyo po ako na wag halikan ang mukha ng lalaking ito dahil parang ayaw nang mag pa control ng katawan ko.

"Margaux, okay ka lang?"

"Okay lang ako," sabi ko pagkatapos ay lumayo na sa kanya, nakakahiya e! Ang lapit lapit niya, nahihiya ako pano kung mabaho hininga ko? Kundi may morning star ako? Saka syempre joke yun! Sa ganda kong to? Tsk.

"May lumipad kasi na sapatos baka matamaan ka,"

"Ah... Thankyou ha?" Wow grabi, mall na mall tapos may flying shoes? San naman kaya galing yun?! Tsk pero at the same time salamat sa lumipad na sapatos dahil nagkaroon ako ng unexpected hug kay yohan!

Naalala ko noon, pinapangarap ko lang na makayakap siya at makaharap siya na ganito kalapit and guess what? Natupad! Ang susunod kaya nito ay magiging kami na? Hahahahah libre mangarap diba? K.

"Your welcome," sabi niya habang dinidisplay yung maganda niyang ngiti, lalaking to!

"Bibilhin mo parin ba yun?"

"Ah! Oo, ano kung gusto mo dito ka nalang," sabi ko baka kasi mapatagal ako dun sa store, madami kasi akong bibilhin e.

"No, i'll come with you."

"Ok."

--

Pagkatapos kong bumili, nakakahiya man pero siya yung nagdala ng pinamili ko, apat na paperbags saka puro lang gumball things yung laman, kahit na kinikilig ako may something sa sarili ko nahihiya, shy type nga ako diba? Hahahaha k.

"Ah, yohan it's getting late. Uuwi na ako," Sabi ko at kukunin ko na sana yung mga dala kaya lang nagsalita itong anghel na kaharap ko nasa labas kami ng mall ngayon.

"Ako na dito saka hatid na kita, no buts," di na ako naka angal pa at nagpahatid nalang ako kay yohan, hard to believe but 16 lang siya pero nakakapag drive na siya. Cool lang!

On our way home, antahimik ko pero deep inside kasi kinikilig ako at ayaw kong magsalita baka kasi mapa utal-utal nanaman ako.

"Margaux, tomorrow we'll be having our game pwede ka bang manoud?" Muntik ko nang mailuwa yung puso ko sa narinig ko, ako?! As in ako talaga?! Nga pala, He's a varsity, captain ball pa nga e. Nasa kanya na kasi ang lahat! Hay buhay.

"Totoo ba yan?! Omg sorry, i mean talaga?" Di ko makapaniwalang tanong sa kanya kasi naman sa lahat ng laro niya ngayon lang to nangyari ano nabang nangyari sa mundo? Bumaliktad na ba ang earth?

"Yep. Ayaw mo?"

"Di ah! Sige i'll go." Nginitian niya ako, nginitian ko rin siya pabalik.

Nakarating na kami sa bahay kaya nagpaalam na ako sa kanya, pagkatalikod ko feeling ko mahihimatay na ako, parang ang sudden ng lahat ng pangyayari pano kasi simula nung freshmen palang ako hanggang junior di niya ako pinapansin, ni isang tingin hindi! Tapos ngayon? Ganito? Dapat nga maging masaya ako kaya lang there's really something.

Napaka nega ko! Huhu papasok na nga lang ako.

"Oh? Ngayon ka lang?" Pagkapasok ko sinalubong kaagad ako ni kuya.

"OA mo kuya, para kang nasa teleserye," Sabi ko at umakyat na, i need my room right now.

Nang makarating na ako sa kwarto agad kong kinuha yung diary ko at nag sulat, napatingin ako sa calendar dito sa kwarto ko, next week na pala yung sports fest sino nanaman kaya yung kukuning Mr. And Ms. Intramurals?

Super Ultimate CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon