Crush 8

19 3 0
                                    

Margaux.

Epal ka courtney epal! Argh sarap mong gawing karne! Hmp kainis!

Hindi na nga pala ako bumalik sa court, nawala yung gana kong manoud. Panira kasi yang si courtney, moment na namin yun tapos biglang eepal?! Argh.

"Hoy."

"Ay palaka!"

"OA mo naman. Palaka agad?"

"Nanggugulat ka e." Sagot ko kay aria, gagang to! Nanggugulat.

"Anong ginagawa mo dito? Nandun crush mo ayaw mo bang suportahan?" Napairap nalang ako sa tanong ni aria.

"I don't want to talk about it."

"Nako, mag kwento ka nga."

Humarap ako kay aria at nakasimangot na kwinento yung sa clinic.
Nakakabanas lang talaga!

"Ay nako! Diyan na magsisimula lahat."

"Ang alin?"

"Ang gulo. May umepal na kasi kaya nako marg! Watch out ka nalang,"

"Di mo man lang ako tutulungan if ever magkagulo?" Lumingon sakin si aria na parang naiiyak.

"Alam mo na kung anong sagot niyan."

"Edi Oo?"

"Hindi eh. Sorr-- aray naman!" Ayan nga binatukan ko. Bwisit kanina pa ako binibwisit ng mga tao ngayon.

"Grabe ha! Umalis nga si ingrid pero ikaw naman yung nananakit." Nakasimangot niyang sabi.

"Tse. Ikaw naman kasi! Hays, walang ya yun, hindi tumatawag matapos umalis." Sabi pa naman ni ingrid tatawagin niya kami pero hindi eh.

"Oo nga no? Kamusta na kaya yun, i miss her."

"Ako rin." Nakatunganga lang kaming dalawa ni aria dito sa tambayan namin. Anong oras na ba? Nakakabagot na dito mabuti pang umuwi.

Tumayo ako saka inayang umuwi si aria, pumayag naman siya kasi ba naman anong gagawin namin dito? Tutunganga? Hays.

Saktong pagkalabas sa gate may isang sasakyan na huminto sa tapat namin.

"Uuwi na kayo?" Napangiti nalang ako nang makita kong si Ivan pala yun pero itong kasama ko napairap.

"Oo eh." Sinabi ko kay manong driver na hindi ako magpapasundo kasi trip kong mag commute kaya lang feeling ko aalokin kami ng ride pauwi ni ivan kaya okay na haha.

"Ah sabay nalang kayo sakin, may sadya ako sa kuya mo zoey e." Sabi ko sa inyo eh.

Tumango ako sa kanya kaya lang nakikita ko sa mukha ni ivan na parang nagugulohan siya.

"Uy, ano? Sasakay ba kayo?"

"Kanina pa ako tumatango dito." Sabi ko habang naka pameywang sa kanya.

"Siya kase." Nang tignan ko yung tinuro niya na si Aria, siniko ko siya agad, kaya naman pala nagugulohan ito e. Ako tumatango habang itong katabi ko todo iling. Tsk

Hinila ko na papasok sa sasakyan si aria, dahil alam kong hindi yan makakapalag sakin. /evil smile;

Unang hinatid si aria nag bye nga ako dun pero gaga yun inisnob lang ako. Kaya nagpatuloy nalang sa pagdadrive si ivan malapit lang naman kasi yung amin kina aria eh.

"LQ ba kayo?" Tanong ko kay ivan sakto na pagkarating namin sa bahay. Pansin ko kasi everytime na nakikita ni aria si ivan naiinis bigla kala mo naman regla sign itong mukha ni ivan.

"Andito na tayo, tara." Seryoso, uso ata snob ngayon. Kainis nagtatanong ng maayos yung tao eh. Famous kayo famous?! Hays.

Nakasimangot akong pumasok sa bahay, paakyat na ako nang makasalubong ko si kuya.

"Problema mo?" Hindi ko sinagot si kuya, tinuro ko nalang si ivan saka umakyat na nang tuluyan.

Pagkapasok ko sa kwarto ko agad akong humiga. Gusto ko nang matulog!

Nag half bath lang ako saka nagbihis ng pjs ko saka pilit matulog pero nakakabanas ayaw akong patulugin ng utak ko!

Kinalikot ko nalang yung phone baka sakaling antukin ako. Napunta ako sa camera para mag selfie. Titignan tapos delete yan trip ko eh.

"Matignan nalang nga yung mga pictures," pumunta ako sa gallery saka tinitignan lahat ng pictures ko. Grabe! Ang adik ko sa selfie haha bat ngayon ko lang to narealize?

Scroll lang ako ng scroll ng may napansin akong iba, clinick ko yung picture na yun at halos maitapon ko na yung phone palabas sa bahay sa sobrang gulat.

BA'T MAY PIC AKO NI YOHAN?! Ay peste. What i mean is marami akong pics na sinave mula sa fb at ig niya pero itong isang toh parang kinunan ko siya teka...

OH MY GOODNESS! NA CLICK KO BA YUNG BUTTON NUNG MAGSESELFIE SANA AKO TAPOS YUNG CAMERA HINDI PALA NAKA HARAP SAKIN TAPOS SIYA BIGLA YUNG BUMUNGAD SA SCREEN?!

ay tangina. HOW THE HE--- ANG SAYA KO.

Pagulong-gulong ako sa bed ko hanggang sa--

"AAAAAAAAH!" nasobraan ata ako sa tuwa kaya ayun nalaglag. Tss! Kudos for my kaengotan. =_=

"My butt! Huhu-- hahaha don't worry may pic pala ako kay yohan! Emegesh i wawallpaper ko to!" Sabi ko na para bang hindi sumasakit yung pwet ko. XD

*toktoktok*

Napatayo ako kaagad nang may kumatok sa pintuan ko.

"Okay ka lang ba jan?"

"Ah, eh, okay lang ako kuya!"

Wala akong narinig na okay basta tanging footsteps lang ni kuya na paalis na yung narinig ko. Snob rin si kuya eh noh. >_>

So, back to my landian session. Haaaaay! Ampogi pogi mo talaga yohan! Kahit naka stolen ampogi pogi parin oh! Maganda naman ako eh! Beauty and brain pa. Ewan ko lang dito kay yohan kung bakit hindi ako mapansin-pansin nito noon.

Titig na titig ako sa cellphone ko dahil sa wallpaper kong si yohan nang biglang may tumawag sakin dahilan para bumilis yung tibok ng puso ko.

Yohan calling...

Almost 12 na ah? Hays. Teka! Sasagutin ko ba o sasagutin ko?! Bobo ko. Eh! Ang awkward ko pa naman pag call huhu. Kaya lang baka importante eh, kaya pipindutin ko na yung accept.

You missed a call from yohan..

Ayun, talk about timing diba? Kung kailan ready na saka pa nawala. Bwisit! Ang bagal ko kasi kabanas.

Yohan calling...

Pangatlong ring palang pinindot ko na yung accept baka mawala pa ulit noh.

"Ah hello?" Kalma marg kalma.

(Margaux..)

Ay tangina-- sheeeet. Ang hot niya pag tinatawag yung name ko!

(Hello?)

Ay bwisit. Di ko pala siya nasagot.

"N-nako! S-sorry." Utal pa!!!

(Okay lang.. Haha)

Baka magwawala na talaga ako! Bwisit yung konting tawa niya hays.

*kroooooo* okay ang awkward. Kailangang may mag salita ba't natameme kaming dalawa. Wah

"Ah yohan, may sasabihin kaba?"

(Ah! Oo nga. Ano, ba't wala ka sa game kanina?)

A moment of silence please. Waaaaah i'm gonna free fall from our house! Huhuhu, anong isasagot ko? Sasabihin ko ba ang totoo?!

"A-an-- toot toot toot,"

Huh? Ba't toot toot? Tinignan ko yung phone ko.

WAAAAAAH PAKSHT. Ang baliw ko! Ang gaga ko! Ang sarap sampalin yung sarili ko! Na call ended ko huhu. Baka isipin nun galit ako or whatsoever baka hindi na ako pansinin nun huhu.

Naghintay ako ng ilang minuto na nagbabakasakaling tumawag siya ulit pero wala e! Puro gm lang natatanggap ko sa mga friends ko huhu.

At dahil sobrang late na, nag text ako kay yohan syempre as usual umabot ng ilang minuto bago ko masend. Nag sorry ako dahil na end ko yung tawag niya saka na ako natulog.

sana maniwala siya sa sinabi ko. SANA.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Super Ultimate CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon