Crush 7

40 3 0
                                    

Margaux.

Tama nga yung hinala ko, mugto nga yung mga mata ko. Nga pala sino pala yung text ng text sakin kagabi? Grabe siya ha, hindi ata uso respeto dun. Respeto sa natutulog tsk.

Inabot ko yung phone ko, hala malapit na pala mag seven?! Shomay late na ako, late na ako sa game ni yohan! Half day lang kami ngayon, may game kasing magaganap.

Hindi ko na natignan kung sino yung text ng text, nagmamadali na kasi ako. Potek na alarm clock di gumana! Ay, sinet ko ba yung alarm? Aish.

Nagpahatid na ako kay kuya dustin sa school at napansin kong kokonti lang yung mga studyante, nako start na siguro ng game.

Tumakbo ako papuntang gymnasium kung saan gaganapin ang game ng may nakabunggo akong lalaki kaya napaupo ako sa sahig, pwet ko!

"Hala miss, sorry," sabi niya saka tinulungan akong tumayo.

"Okay lang," pero masakit talaga pwet ko.

"Sigurado ka?"

"Ah oo," sabi ko at tumingala para tignan tong lalaking to, wait, parang bagong mukha to sa school ah? Transferee ba? Ganun? Umalis si ingrid pero may bagong dumating, coincidence.

"Where are you going?" Tanong ko, syempre transferee e, you know baka nalilito pa sa mga lugar dito, malaki rin tong school namin eh.

"Gymnasium." Wow, pareho lang naman pala kaming pupuntahan e.

"Ako rin, sama ka nalang sakin." Sabi ko at hinigit siya papuntang gymnasium, late na talaga ako nako! Baka magalit si yohan sakin e, first time pa naman to. Huhu T_T

Hawak ko parin yung kamay niya hanggang sa makarating kami sa gym pero nung nakahanap na kami ng upuan binitawan ko na siya, nasan kaya si aria? Sigurado naman kasing nanonoud yun, halos lahat naman kasi ng students dito, nandito.

"Hay, buti nalang talaga at kakastart pa ng first quarter," buti nalang talaga! Nasan ba si yohan? Ayun! Ay shet, ba't magkasama sila ni courtney? Alam ko namang cheerleader si courtney eh pero ah ewan! Di naman ako panget saka kaya ko rin maging cheerleader noh, di ko lang trip yang ganyan.

Naputol naman yung pagsasalvage ko sa utak kay courtney ng may biglang kumalabit sakin, simula talaga nung naging parang malapit na kami, naiinis na ako kay courtney.

"Hoy,"

"Bakit?" Nilingon ko si unknown boy, kinalabit niya kasi ako ulit, anong kailangan nito?

"Name." Ha? Baliw ata to.

"Name what?"

"Pangalan mo?"

"Ah, I'm zoey. Ikaw?" Sabi ko habang inabot yung kamay ko para makipag shakehands kahit na siya yung nagtanong ng name ko, atleast diba friendly.

"Maroon." Sabi niya saka tinanggap yung kamay ko, bumitaw na kami at napag isipan kong itanong kung transferee siya, ayaw ko kasing mag conclude, baka kasi bisita lang siya edi mapahiya pa beauty ko.

"Nga pala, i've been wondering, transferee kaba?"

"Yes." Tama nga ako, aba pwede na pala ako maging manghuhula pero syempre joke lang yun, sa ganda kong to? Manghuhula? Peace. Haha

"Anong year kana?" Tanong ko ulit, nacucurious ako e.

"4th year," sabi niya saka ngumiti sakin, hala gandang ngiti oh! Haha pero mas maganda kay yohan, and speaking of yohan nagsimula na yung game, kasama siya sa first five kaya todo todo ang mga cheering ng mga fangirls at ehem syempre magpapatalo paba ako? Inangat ko yung cardboard na ginawa ko kagabi habang sinisigaw yung pangalan ni yohan.

Super Ultimate CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon