Tips para sa mga sawi sa Pag-ibig

2.4K 0 0
                                    

Prologue:

Di man natin sabihin o aminin marami talagang taong nagpapaka tanga sa pag-ibig. Binubuhos yung buong pagkatao para lang sa isang taong wala namang pakielam sayo. Siguro dahil doon lang siya nagiging masaya. Kaya narito ang ilang hakbang o tips para sa mga taong lagi nalang nasasaktan

Move-ON Tips (Para Sa Mga Sawi)
Goal: Itong move on tips ay ginawa para sa mga lalaki/babae na nasa estado ng pagmomove on. Karamihan satin ay medjo magulo ang relasyon, yung tipong feeling natin ay palagi nalang tayo nagkakamali. Ipinapakita dito kung ano ang mga pinakamabisang paraan para makamove-on sa taong nakakabit pa rin sa emosyon mo.

Move-on tips #1.
Lumayo ka sa pang linis ng silver at Blade. Di masusolusyonan ng pag papatiwakal at panananakit sa sarili ang sakit na nararamdaman mo sa kasalukuyan. Mainam na tignan ang hinaharap kaysa sa nakaraan. Sa ngayon masakit yan, pero pag nakita mong me bagong gf/bf ang ex mo na mas pangit sa iyo.. MAS MASAKIT KASI NADAIGAN KA NG PANGIT, PERO PWEDE KA HUMALAKHAK KE EX KASI UNGGOY PALA MGA KURSUNADA NYA.

Move-on tips #2.
Kapag magmomove on, hayaan mo lang lumipas ang sakit. Iiyak mo kung kinakailangan. Hindi pa naman katapusan ng mundo para sayo eh. Mas magiging matatag kasi ang tao kapag natuto itong umiyak sa problema at pag nalampasan nya ang stage na to, masasabi mo sa sarili mo na kaya mo pala.

Move-on tips #3.
Iwasan Makinig sa mga Senti/Malulungkot at Memorable na music dahil Kahit anong Mangyari Makakarelate at makakarelate ka ung tipong para sayo ginawa ung kanta at lalo mo lang siya maiisip, at siyempre mararamdaman mo nanaman ung sakit. kaya iwasan ito.

Move-on tips #4.
Ma-in love kapag ready na, hindi kapag malungkot ka. Iwasan ang magkaroon ng rebound girl/guy, unfair yun sa kanila, although may mga panahon na kailangan mo ng hingahan ng sama ng loob, pero pilitin mong huwag kayo magka feelings sa isa't-isa. There were posibilities na merong mag cocomfort sayo pero mag tetake advantage of your situation para maging pa-fall sayo. MALI YUN! Nasa proseso ka pa rin ng pagmomove-on at ikaw din ang mahihirapan at pwedeng masaktan ulit, pag nang yari yun. Hayaan mo lang na gumaling muna ang sakit na nararamdaman mo bago ka magbukas ng puso mo sa iba.

Move-on tips #5.
Magpakabusy ka sa mga bagay na alam mong hindi mo siya maiisip. For example magpakasubsob ka sa pagaaral or sa trabaho. Oo mahirap talaga yan sa simula. Pero ang tanging paraan lang is acceptance at maging open ka sa ibang mga bagay na mangyayari pa sayo. Tandaan mo na mas magiging matatag ka kung malalampasan mo yang mga pagsubok na yan

Move-on tips #6.
Ung Excess feelings mo. sa family mo iparamdam ung sakanila mo Ibuhos un Love na nararamdaman ,mo nag bonding na kayo, goodshot ka na nabawasan pa ung dala-dala mo na feelings.

Move-on tips #7.
LESS EXPECTATION, or shall I say DON'T EXPECT anymore.. Kung gusto mo maka get over talaga, wag ka na umasa! Una sa lahat yan ang dahilan kung bakit ka pa nag papaka ampalaya (bitter) ngayon dahil umaasa ka na baka me pag-asa pa. Kung kayo talaga, tadhana ang gagawa ng paraan para magkabalikan kayo. Kusang mangyayari yun, AT YUN ANG TRUE LOVE. Sya ang mag eeffort. Pero tandaan LESS EXPECTATION, LESS HURTFUL FEELINGS. Love your self more than anybody else.

Move-on tips #8.
Magpatawad ka sa sarili mo at sa taong naging biktima din ng masakit na break up, minsan hindi natin nakikita ang mga bagay na to dahil nagiging mapride tayo pagdating sa ganyan. Kung iisipin, masakit talaga pero isa sa mga paraan ay ang magpatawad at kalimutan ang lahat. Oras lang ang kailangan jan at pagiintindi sa sarili.

Move-on tips #9.
Lumabas-Labas ka wag mag kukulong sa kwarto makipag Bonding ka kasama ang mga kaibigan mo, kung kasama sa tropa mo ung dahilan ng pagka heartbreak mo dun ka sa Secongd group of friends mo, kasi pag mag isa ka mas magiisip ka ng kung ano-anong bagay pag kasama mo mga kaibigan mo at least may nag ooccupy ng utak mo hindi puro problema.

Move-on tips #10.
Love your self more than anybody else. Hindi mag paka self-centered na mag iiyak at popoblemahin ung ex mo. Subukan mong mahalin yung sarili mo, isipin yung halaga mo at imotivate ang sarili. Kapag natutuhan mo kung paano mas pahalagahan ang sarili mo, malalaman mong hindi kawalan ang isang tao. Dahil hindi ka na magiging dependent sa iba, lalong lalo na sa pag aattain ng happiness mo.

Move-on tips #11.
Dumistansya ka na sa taong nagiging rason kaya ka malungkot. Bigyan mo ng oras ang sarili mo para makaget over sa mga malulungkot na nangyari sayo. Sa simula pagusapan mo siya sa mga friends or family mo para makakuha ng iba't ibang advice. Tapos pag lumipas na ang mga isang linggo o mas higit pa don, saka mo siya wag na isipin. Hayaan mo na ang sarili mo na makapagpahinga muna

Move-on tips #12.
Itapon (Mas Better) ung mga letters at items na bigay niya sayo dahil eto ay magpapaalala lang sayo ng pinagsamahan niyo, masakit man pero kailangan to gawin. pero pag lagpas 1,000 ang halaga, itago mo nalang.

Move-on tips #13.
Know your worth. Kung alam mong pahalagahan sarili mo, alam mong may halaga ka kahit wala kang karelasyon. Pwede mong gawing mind set ung kung paano mo pahalagahan ung sarili mo, nxt time na makipag relasyon ka dapat mas higitan nila un. At next time na umibig ka e, bigyan mo ng restriction ung sarili mo. Hindi yung naaapakan na buong pag katao mo at wala ng halaga ang sarili mo.

Move-on tips #14.
Isipin mo un mga Bad traits niya at ung mga pangit na ugali niya, maliban sa ma tuturnoff ka matatawa ka pa, example isipin na habang nagbabawas siya eh nakaapak siya sa rim ng toilet.. basta lahat ng negative traits isipin mo rin.

Move-on tips #15.
Alalahanin na hindi Sa Love Umiikot ang Mundo sabi na ni ramon "There's more to life than Love." Di porke bigo ka sa pag-ibig damay na lahat, pwede ka pa maging successful at magpayaman at i-enjoy ang buhay.

Move-on tips #16.
Ang pagka bigo ay isang porma ng pag ka tuto, tandaan "To be OLD & WISE, YOU MUST FIRST HAVE TO BE YOUNG & STUPID".. So normal yan kasama yan sa paglaki. Hindi porket nakakilala tayo ng tao at naattached tayo dun e ibig sabihin na forever na natintong kasama. "KONTINENTE NGA NAGHIHIWALAY KAYO PA KAYA?" .. Accept the fact na me mga taong dadating sa buhay natin na dadaan lang para, pa-asahin, paluhain at saktan ka.

Move-on tips #17.
Mag Exercise malaki ang tulong nito para ma release ang anxiety at depression, at nakakatulong talaga ito base on scientific studies, at sa experience ko na rin dito ibuhos ang galit, at sama ng loob kesa uminom, isipin mo nalang pag naka pag move on ka na Macho/Sexy ka na Laking Panghihinayang ni ex mo.

Move-on tips #18.
Hindi solusyon ang paginom ng alak o paninigarilyo ng todo sa pagmomove on dahil wala naman talagang mangyayari pagkatapos mo gawin yon. Gumawa ka ng mga bagay na kung saan ay magiging productive ka gaya nalang ng paglilinis ng bahay o kaya naman magipon ka para may mabili ka sa future na gustong gusto mo talaga makuha. Dapat hindi nakikita ang kalungkutan sayo, oo di maiiwasan yan pero nalalabanan yan.

Move-on tips #19.
Ang pagmomove on, hindi basta basta yan. Dahil ang pinaguusapan dito ay emosyon. Nagkakilala kayo, nagkainlaban kayo, tapos naghiwalay na kayo. Masakit pero kailangan mong tumayo at matuto dahil nagkamali ka sa akala mong tama ang ginawa mo. Pag nagkakamali ka, uulitin mo sa simula di ba? Pero para maulit mo sa simula kailangan alamin mo ang pagkakamali mo at iwasan na ito mangyari ulit. At doon ka may matututunang bago. Pag hindi ka natututo, hindi ka nagmomove-on. Nakastay ka parin sa isang posisyon na kung saan ikaw ay nakakulong sa sarili mong kulungan.

Move-on tips #20.
Sa huli, ang parents mo parin ikaw makikipagusap. If hindi alam ng parents mo or wala sila sa bahay nyo, yung pinakaclose friend or bestfriend mo ikaw lumapit. Alamin mo ang suggestion nila at opinion sa sitwasyon mo. Sila ang pinakamalalapitan mo sa oras ng pagmomove on.

I hope na sa mga yun ay may napulot ka.

To be Continued....

TAO lang naman ako NAGMAMAHALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon