20. The Truth

2.4K 34 0
                                    

A/N: Halina't magdiwang!! Last chapteeerrr. Epilogue na ang next. *cries* Achievement sa 'kin to. =))

Dedicated to AegyoDayDreamer ↑ dahil super pinasaya niya 'ko nung nagvote siya sa chapter 19.5 ko. :"""") KEEP UP THE GOOD WORK AUTHOR! ♥

---

Chester’s POV

 

“Uy pare anong meron at naisipan mong sayawin ‘to? Decided ka na ba?” Tanong sa akin ni Josh

“I guess.” Sagot ko at nagmotion ako na iplay na yung music

Nagsimula na nga kaming magsayaw hanggang sa dumami na yung tao. Pero hindi naman sila ang hinahanap ko. Si Courtney.

After 30 minutes, nagulat ako nang biglang lumitaw si Courtney kaya naghand sign ako na i-stop yung music. Tinitigan ko lang siya. Ang dami kong gustong sabihin sa kanya pero hindi ko magawa. Ngayong nandito na siya, siguro idadaan ko na lang sa sayaw yung mga gusto kong sabihin.

Kahit papaano masaya ako dahil nandito siya sa harapan ko. Pero I can’t deny the fact na mas nangingibabaw ang lungkot dahil hindi ko man lang nagawang maipagtapat yung nararamdaman ko. Siguro nga hindi talaga siya para sa akin. Siguro nga kailangan ko nang tanggapin na talo na ako. Na si Stanley talaga ang gusto niya.

Pero sana sa kantang ‘to, maisip niya na lagi lang akong nandito para sa kanya. Na kahit may iba na siya, patuloy ko pa rin siyang mamahalin.

Gusto ko mang saktan si Stanley dahil pakiramdam ko parang inagawan niya ko, hindi ko magawa. Ano pa bang laban ko kung siya ang pinili ni Courtney? Wala na diba?

Natapos na yung kanta at kasabay nun ay ang pagtakbo ni Courtney.

“Courtney!”

Pilit ko siyang hinabol kahit nararamdaman ko na nanghihina na ako. Pero dahil hindi ko na talaga kaya, bigla na lang dumilim ang paligid ko at naramdaman kong bumagsak ako.

Nagising ako at napatingin sa paligid ko. Ang liwanag at nakakasilaw. Nasa clinic ba ‘ko?

Bigla namang may lumapit sa ‘king nakaputing coat. Tama. Nasa clinic nga ako ng St. Thompson.

“Oh, Mr. Feliciano. Gising ka na pala.” Sabi sa akin ni Dra. Ignacio at unti-unti siyang lumapit sa akin

“Ah Doc… Ano pong nangyari? Bakit ako nandito?” Tanong ko

“Nahimatay ka sa sobrang pagod. Sinamahan ka pala… Ay nevermind. Uhm, magfafive pm na pala. Magcloclose na kami. Gusto mo ipaassist kita sa nurse para makatayo ka nang maayos?” Hinawakan niya yung braso ko para makaupo ako nang maayos

“Ah… Hindi na po Doc. Ayos na ‘ko. Sige po thank you.” Tumayo na ako at kinuha ko yung mga gamit ko na nasa kabilang kama

Habang papunta ko sa parking lot parang may narealize ako. Nananaginip ba ‘ko kanina? Parang totoo yung panaginip ko pero. Arghh!

“Si Suzy…”

“Alam ko Chester. Alam kong siya ang mahal mo kaya pinapakawalan na kita.”

“Si Suzy… Hindi siya ang mahal ko. Si Courtney. Siya. Siya ang mahal ko. Siya ang mahal na mahal ko.”

Shit! Bakit parang totoo yun? At may boses pa ng babae. At boses ni Courtney yun! Sinamahan ba niya ko kanina?

Courtney’s POV

 

© My Heartthrobbing Stalker? [Short Story] ~ CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon