Prologue

12.9K 87 16
                                    

PROLOGUE

"Stalker is someone who prowls or sneaks about; usually with unlawful intentions."

Marami sa atin kapag narinig ang salitang stalker ay iniisip nilang nakakatakot ito, obsessed, delusional o kahit ano pang pwedeng idugtong na adjective sa salitang STALKER.

Just like me. Ganun na din ang tingin ko sa mga stalker.

Bakit? Dahil may ganun din ako...

Akala ko dati, ang mga artista lang ang nagkakaroon ng stalker.

Pati rin pala ang ordinaryong taong kagaya ko magkakaroon din ng ganun.

Hindi ako sikat sa telebisyon pero sikat ako sa school namin, isa akong star player at Architecture student.

Pero bakit sa lahat-lahat pa ng pwedeng i-stalk, ako pa? Maraming higit na mas maganda at sikat sa akin.

"Eh siguro ikaw kasi ang mahal niya." Sabi ng bestfriend ko

Mahal? Kung mahal niya ako, bakit sa ganitong paraan niya dapat ipakita na mahal niya ako? Dahil natatakot siya?  Natatakot siya na i-reject ko siya?

Pero kung iisipin, takot din ako. Takot akong magmahal. Siguro dahil marami akong narerealize sa love.

Para sa akin, iilan na lang ang nagmamahal nang totoo.

Parehas kaming takot. Takot siya na magpakita sa akin habang ako naman ay takot na buksan ang puso ko.

"Third year ka na, Courtney. Minsan na lang ang ganyang pagkakataon. Paano pala kung heartthrob at mabait pala siya anong gagawin mo? Palalagpasin mo ba ang chance?"

Yan ang isa sa mga tumatak sa akin na sinabi ng bestfriend ko.

Minsan na nga lang ang ganyang pagkakataon. Hindi ko habol ang physical characteristics niya pero ang intensyon niya sa akin ang gusto kong malaman. Pero kung papalarin, okay na rin diba?

Ano na nga bang gagawin ko?

Isasaalang-alang ko ba ang kaligtasan ko para sa isang taong hindi naman ako sigurado kung anong tunay na intensyon sa akin

O

Palalagpasin ko ang isang pagkakataon na bigyan ang sarili ko ng moment na makaramdam ng tunay na pagmamahal?

Ako si Courtney Fortes...

Isang babaeng naghahangad ng simpleng college life at nangangarap na makasama ang taong tunay kong mamahalin.

Ang taong magbibigay sa akin ng lakas ng loob para buksan ang puso ko.

*******************************************♥******************************************

"Love is also said to be a virtue representing all of human kindness, compassion, and affection —"the unselfish loyal and benevolent concern for the good of another."

I'm a heartthrob and star dancer. As my schoolmates say.

At dahil dun, kilala ko at sikat ako.

Pero ang hindi nila alam, pinaghirapan kong maging ganito dahil sa taong mahal ko.

Oo heartthrob ako at kilala pero nakatago pa rin ako sa sariling maskara ko.

Palihim ko siyang sinusundan, sinusulatan at binabantayan.

Hindi dahil sa obsessed o desperado ako sa kanya...

Kung hindi dahil mahal ko siya

Alam kong sa mga ganoong paraan ko lang maipapakita kung gaano ko siya kamahal at kung bakit ko siya mahal

Perpekto nga ako pero hindi ang puso ko dahil hanggang ngayon hindi ko siya maabot

At hindi niya ako tinatanaw...

Natatakot akong magtapat hindi dahil sa ayokong i-reject niya ako pero dahil...

Mas natatakot akong mawala siya kahit hanggang sulyap lang ang kaya kong gawin sa kanya...

Ano nga ba ang gagawin ko?

Magtatapat ako sa taong mahal ko kahit hindi ko alam kung anong mangyayari

O

Pipiliin kong itago itong nararamdaman ko pero ang kapalit nun ay nandyan naman siya sa tabi ko?

Ako si Chester Feliciano...

Isang simpleng lalaking naging heartthrob para mapansin ng taong mahal ko...

Ng taong lagi kong sinusundan

Si Courtney Fortes.

---

A/N: Revised Prologue. Sana basahin niyo uleeee. Thank youuu. :)

© My Heartthrobbing Stalker? [Short Story] ~ CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon