10. Sweet Revenge

2.6K 28 0
                                    

A/N: I'm back! HAHAHA.

I dedicate this chapter to author loveorhatethisgurl. Sa 300 Days ko kasi nakuha 'yung idea ng isang part ng chapter na 'to. 'Yung evil plan ni Kurt nun. HAHAHA. Pero iba naman 'yung setting. Keep up the great work author! :-bd

---

Chapter Ten: Sweet Revenge

[Kyaaaah!! So officially friends na kayo ni Chester?!]

Excited na sabi ni Mich over the phone. Kinuwento ko na kasi ‘yung nangyari mula dun sa pagbuhat niya sa akin hanggang sa paggamot niya ng pilay ko.

“Ay oo nga! Talagang tuwang-tuwa?”

[Eh kasi… Akalain mo yun?! Iiiihh!! HAHA. Sabi na eh. Magiging friends din kayo eh. So ano na?...]

“Anong ano na?” Kunot noong tanong ko

[Crush mo na nga siya dahil sa pagiging SUPERMAN niya?]

>/////<

Pinaalala na naman niya ‘yung superman na yan! Sa totoo lang hindi ko rin kasi maintindihan kung bakit ko tinawag si Chester ng ganun. Siguro masyado lang ako natuwa sa pagligtas niya sa akin. Sino ba namang hindi matutuwa diba kung ilang beses kang niligtas ng isang gwapong katulad niya? Para siyang knight in shining armor at superhero eh.

“U--uhm… Oo. >///<” Nahihiya kong sabi

[KYAAAAHHH!!!!]

Inilayo ko sa tenga ko ‘yung phone. Makasigaw naman kasi wagas. =____=

“Oh pwede nang ilapit sa tenga ko ‘yung phone?” Sigaw ko habang nakalayo pa rin sa ‘kin ‘yung phone

[Oo na oo na!! KYAAAAH!]

At inilapit ko na nga uli sa tenga ko ‘yung phone, “Grabe ka namang makasigaw. Ano ka may hawak na megaphone?!”

[Sorry! Naexcite eh. Oh my goooshh! At last nakarealize ka rin! At talagang gwapo pa ah? Bagay talaga kayooo! Iiiih. Ikaw na, ikaw na binuhat!]

Siguro kung nakikita ko ang mukha ni Mich ngayon. Malamang at sa malamang nangangasim na itsura nun sa kilig. Kulang na lang magtatalon pa sa tuwa.

“Hindi naman dahil dun kaya ko siya hinangaan eh. Syempre lagi niya akong tinutulungan kapag in danger ako. Kahit hindi ko naman hinihingi ang tulong niya. Akala ko naman kasi suplado siya eh. Mabait naman din pala siya.”

[Hay naku girl! Hindi mo ba alam maraming naiinlove sa maling akala?]

“Ha? Diba namamatay dapat ‘yun?”

[Yun na ang bagong kasabihan para sa ‘kin noh! Pero ikaw ba? Tingin mo posible kayang mainlove ka?]

© My Heartthrobbing Stalker? [Short Story] ~ CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon