Hue Series #1
"Ma, naman oh. I'm already nineteen, hindi naman gaano kalayo ang Pagadian mula dito," hayy unang beses naming magkakalayo ni Mama, pero ewan ko ba kung bakit hindi ako masyadong naaapektohan. Sila lang talaga nila ng mga Aunties ko ang sobrang OA!
"Yanyan, alam mo naman si Mamang mo. Nag-aalala lang yan para sayo. Alagang-alaga ka kaya dito sa San Isidro, tapos baka malalaman lang namin na hindi ka pala nag-aalmusal doon. Nakuuu!! Papauwiin ka talaga namin!" si Auntie Hilda talaga, napaka ingay. Sobrang baliktad sila ni Mamang na tahimik lang ngunit sobra kung magmahal.
"Auntie, paano nalang kung di ako mag-aral doon? Wala namang magandang paaralan sa baryo natin, ano ba kayo." Matapos kong itali ang laces ng shoes ko, tumayo na ako at kinuha ang mga kagamitan ko. "Bilib po ako dahil naitaguyod niyo ako at kaming magpipinsan kahit puro tayo babae na namamahala sa palayan at maisan. Gusto ko namang magkaroon ng kaalaman na pwede kong dalhin dito, Auntie."
"Basta, nak, wag na wag mong kalilimutan na ingatan ang sarili mo. Tawagan mo kami palagi dahil mami-miss ka talaga ng mga pinsan mo." Oo nga, mamimiss ko rin sila. Tama si Auntie Kakay. Hindi pa naman ako sanay na mag-isa.
"Yanyan, naibigay ko na lahat ng payo ko sayo kagabi. Alam mo na ang gagawin, ha? Dadalaw kami sayo pag may ani na tayo, para naman ay makakain ng Jollibee sila Riza at mga bata."
Naiiyak tuloy ako, si Mamang talaga. Siya talaga ang sandigan ko sa lahat. Siya lang ang kinagisnan kong magulang dahil iniwan daw ako ng tatay noong buntis pa si mamang. Ganoon din ang nangyari sa mga tatay ng mga pinsan ko, parang sumpa ata ito sa pamilya namin.
"Salamat, mamang. Tatawag ako palagi," mahigpit ko siyang niyakap. Kabado man, pero nakangiting nagpaalam ako sa kanila at sumakay sa lumang truck nang isa sa mga kapitbahay naming dito sa San Isidro.
"Mukhang lisensyado ka na pala, Carlos ah! Pwede na kita maging driver pagka graduate ko."
"Pagka graduate mo, Yan, papakasalan na kita para kahit sa kwarto sa akin ka pa rin sasakay." Agad ko siyang sinapok sa ulo at tumawa.
Gagong bata 'toh!
"WAG MO AKONG IDAMAY DYAN SA KAHALAYAN MO, CARLOS! BATA KA PA! ALAGANG BRAZZERS KA PA!"
"Oh, bakit ikaw pala? Hindi na Brazzers?" di ko namalayan na nakalabas na pala kami sa bukid, nasa highway na. Limang minuto na lamang, sasakay na ako ng van papuntang Pagadian.
"Carlos, magco-college ka na rin sa susunod na taon. Tigil tigilan mo na yang kadumihan ng utak mo." Kinuha ko ang pitaka ko at naglabas ng isang daan. "Pagkahatid mo sa akin, bilhan mo ng Del-C sina Riza kasi paborito nila yon."
Si Carlos ang pinakamatalik kong kaibigan sa San Isidro dahil magkasama kaming lumaki, kaming dalawa kasi ang pareho ng edad at magkaklase kami noon sa elementarya. Medyo bobo nga lang itong si Carlos at parang buang, lage akong inaasar na ligawan.
"Paano ba yan, madam? Maraming gwapo doon, baka maging ninong ako ng wala sa oras ah." Aba, sumosobra- "Pero sana naman ay di ka muna magka boyfriend."
"Talagang hindi noh, pupunta ako doon para mag-aral at hindi para magpaduding sa mga manipulative sadboys na gaya mo," napahawak siya sa kanyang dibdib at nagkunwari na naiiyak.
"That are so ouch ha."
"Gaga, ayan resulta ng pamimingwit mo ng babae sa high school. Di ka na marunong mag-English." Napahinto ang truck, nasa terminal na pala kami. "College na ako."
Kinuha ko na ang mga gamit ko at inabot sa kanya ang isang daang piso na pambili ng snacks para kina Riza. Nagulat ako nang hindi niya binitawan ang kamay ko kaya agad akong napatingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Yellow Butterflies (Hue Series #1)
Teen FictionI always loved butterflies, siguro dahil kinalakihan ko ng maglaro kasama ang mga paru-paro at tutubi sa umaga at alitaptap naman sa gabi. My life was quite simple, mahal ng pamilya at mga kaibigan. But life changed when I met you, Liv. You gave me...