Lahat Sisinghutin

22 1 0
                                    

Jillian's PoV

"Dae, gising ka nga muna." Nakaramdam ako ng mahinang pagtapik sa aking pisngi. "Dae, lunch time na hoy."

"Hmm...Veron?" Oh, God. Na alaala ko tuloy yung Didi na tumawag sa phone ni Veron. Super chismosang roommate na ata ako nito.

"Hala ka yawa!" napalingon ako kay Veron nang hawak niya ang cellphone niya at tila nakatingin sa notifications. "Napaano na kaya itong lalaking 'to? Baka na saksak na to ni Zia. Rest in Peace nalang talaga sa suki numbah wan ng Ocean Twelve."

"Ocean Twelve diba movie yan?" diba yan yung action movie? Di ako sigurado kasi tatlong beses lang ako nakapagsine sa buhay ko at sobrang hina ng signal sa San Isidro para makakuha ng HBO or Star Movies.

"Hay naku, babygirl! Virgin ka jd talaga 'no?" napatawa siya sa isang joke na siya lang ang nakakaalam. "Soon, dadalhin kita doon. But behave ka lang talaga, siztmars kasi ids kaya ng matres ko ang magbantay ng babygirl."

"Nga pala, lunch time na. Magluluto muna ako sa labas. Anong gusto mo, Veron?" kinuha ko ang maliit na frying pan na binili ni Mamang sa Molave noong isang linggo. "Libre na naman ang rice natin dito di ba?"

"Jilly-jill, since it's your first day with me, ililibre nalang kita sa Sunburst. Malaki rin kasi nagging kita ko kagabi." Naka hoodie lang si Veron at shorts sa ilalim, pero sobrang sexy niya talaga. Ang ganda ng katawan niya, para talaga siyang may dugong foreigner.

"Sunburst? Gaya ba rin yan ng Jollibee?" nagbihis na lang din ako kasi sabi ng Mamang, pag may nag alok ng biyaya, dapat sunggaban mo na agad!

Tyaka, gusto ko rin makapaglibot-libot sa Pagadian na may kasama. At para na rin makatikim ako ng pagkain dyan sa Sunburst na yan.

"Hay, jusko. Akala ko magmamanang skirt ka diney sa city of Pagadian." AMEN! Mabuti nalang talaga at hindi ako nakinig kay Auntie Hilda na dalhin yung floral na long skirt, para daw may pang Buwan ng Wika attire ako. Jusko.

"Hindi naman masyadong bukid ang San-Isidro, no," naalala ko bigla ang ganda ng bukid at palayan doon tuwing umaga. Sobrang nakakabighani ang maisan, maraming mga tutubi at amorseko.

"Nga pala, dae. Pasukan na sa Lunes. Wag kang magpapabola sa mga taga dito ah? Gusto lang ng mga 'non na maka jugjug. Wag kang sumali sa groupchat naming wasak ang jukeke." MANG, JUSKO ANO PO PINAGSASABI NG BABAENG 'TO? "Pero do not worry bells ka, girl. Ako na bahala sayo dito."

Dumiretso na kami sa Sunburst, well, maganda ang lugar pero di naman gaano kalaki. Maraming ilaw at tingin ko, medyo mahal ang mga pagkain. Okay naman sa akin ang ilibre, kaso baka sobrang mahal.

"Veron, parang ang mahal ng mga pagkain dito. Two hundred pesos lang dala ko ngayon," tinawanan niya lang ako at umiling-iling.

"Jilly-jill, effort na effort ang matres ko para may pangkain dito 'no. Kaya I deserve this treat, bahala ka kung ayaw mong kumain." Nag-order siya para sa amin na parang maraming sobra, dalawa lang naman kami. "Nga pala, baby g, may papable ako na sasali sa atin dito. Don't worry, hindi ka tutuklawin ng ahas niya."

Hay nako, hindi naman bago sa akin ang mga ahas-ahas na ibig sabihin ni Veron. Okay, aamin na ako. Siguro noong nasa high school ako, super curious naming magkaibigan tungkol sa mga makasalanang karanasan kaya naman, oo na, nanunuod kami. Pero please, wag kayong maingay sa pamilya ko. Baka magpatawag ng espiritista sina Mamang at Auntie Hilda o baka ipatawag pa si Father John para ipatingin ako. Jusko naman.

"So, Veron, foreigner ka ba?" biglang tanong ko. Curious naman talaga ako.

"Actually, dae, pinaglihi ako kay Mama Mary dati. Araw-araw na nagdadasal mama ko ky Virgin Mary. Kaya ito, kamukha ko siya pero di na nga lang ako virgin." Parang huminga lang siya at sobrang kaswal lang sa kanya ang pakikipag-usap niya sa akin. Kanina lang kami nagkakilala pero parang ready na siyang ibunyag ang sikreto niya ah. "Girl, German si father dear ko."

"AHHH! Okay, kaya pala mukha kang foreigner."

"Gosh, alam ko naman na nakakatibo talaga ako. Sorry, girl, straight ako pero g ako kahit 350 lang tayo ngayong gabi. Fingy fingy lang naman yan eh." Agad akong napaubo.

HAIL MARY FULL OF GRACE THE LORD IS WITH YOU, BLESSED ARE YOU AMONG WOMEN AND BLESSED IS THE FRUIT OF THY WOMB JESUS.

"Veron, what are you even doing to her?" shutangina, siya ba si Didi? MAMA MIA, ANG TANGKAD NIYA AT MORENO PA! Tumabi siya kay Veron at nginitian ako. "You didn't tell me na may magandang kaibigan ka pala, Veron."

Agad tinakpan ni Veron ang mukha niya at mahina siyang tinulak.

"Gago! Kasama ko yan sa kwartong inuupahan ko. Off limits yang si Jilly-Jill." Okay na rin pala at protective si Veron sa akin. Tinanguan ko siya bilang pasasalamat.

"Oh, my bad. Akala ko workmate ka ni Veron." Wow, naiintriga na talaga ako sa trabaho ni Veron ah. "Ako nga pala si Pompeii. Pompeii Trinidad on Facebook, search mo na agad ah, i-add mo na rin ako?"

City Starter Pack #2: Maging Amfee. Yes, ito ang napansin ko sa kanilang dalawa. Amfee na may itsura at sobrang confident. Wow ha.

"Jillian Nievas." Mukhang basketball player ang pangangatawan ni Pompeii. Mas matangkad pa siya kay Veron at mukhang playboy gaya ng mga sinabi ni Veron.

"Nga pala, Pom, nasaan si Didi? Tumawag siya sa akin kanina." Uminom ng tubig ang lalaki at nagkibit-balikat.

"Ewan ko doon sa lalaking 'yon, kung sinu-sino nalang talaga ang dala na mga babae." Hmm. Parang birds with the same feather flock together talaga 'no? "Ganon rin naman si Zia, nakakatakot silang dalawa. Magjowa sila pero pa iba-iba ng flings. Kung ako si Di, boang, iiwanan ko yang Zia na yan."

"Alam mo naman ang sitwasyon niya, diba? Nakakainis talaga yang bitch na yon." Humithit si Veron mula sa vape niya. "Huy, parang ang gwapo mo ngayon, Pom. May five hundred ka jan?"

"Tangina, huthutan ba 'to, Veron?" kinuha ni Pompeii ang vape ni Veron at ibinulsa. "Wag ka ngang vape ng vape, ayoko ng usok."

"ANG ARTE AH! Lakas maka reklamo sa amoy ng usok ng vape pero amoy ng kepkep, sinisinghot pa!" MAMANG, TABANG! Wala talagang filter ang bunganga nitong babaeng 'to. "Nga pala, Pom, nag order na ako. Ikaw na rin magbayad 'nun ah."

"Putris naman, Veron." Mahinang mura ni Pompeii na napaorder na lang ng malamig na San Mig. "Kadiri ka talaga, ewan ko sa'yo."

"Sus, wag kang denial oie!" lumingon si Veron sa akin at kumindat. "Itong si Pompeii, Jilly-jill, ay isa sa mga financer ng barkada. Kaya umorder ka pa ng umorder, my dear! We have the bank with us. NYAHAHAH!" 

"Piste, dos mil lang dala ko ngayon." reklamo niya at agad na napainom sa bote ng San Mig. "Itong si Jill lang ililibre ko, wag ka ng umepal jan."

"Naku, gutom na gutom yan si Veronica pagdating sa dorm. Si Veron talaga ang dapat na nililibre," sagot ko. Natawa ako ng sobra nang hinawakan ni Veron si Pompeii sa braso.

"Baby boy naman, oh! Papasinghutin kita mamaya, libre mo nalang ako." JUSKO! Agad na umatras si Pompeii at sinimangutan si Veron.

"Alam mo, babae, ang bantot ng bibig mo."

"Oo, dito kasi nila pinapasok huhu. Sige na, ilibre mo na ako." tumango na lamang si Pompeii at walang nagawa, parang nanunuod ako ng kwento nila ah. "Thank you baby boy!"

Dumating ang pagkain at nagsimula na kaming kumain, nang biglang kumanta si Veron na hindi ko inaasahan. 

"Lahat sisinghutin, pati .... lover ng clover... "

MAMANG, TABANG!!! 

Yellow Butterflies (Hue Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon