Ash POV.
Tuesday February 9, 2021.
Ito yung second day natin, ito yung araw na sobrang sweet natin sa isa‘t-isa.
Ito din yung araw na muntik na tayong mag hiwalay. Dahil sa pag seselos mo.
Ito yung araw na akala ko hanggang dulo tayo.
Pero "akala" lang pala yon, dahil in the end wala rin.
Minsan sa buhay nang tao may aalis, at may mga tao naman na babalik ng hindi mo inaasahan.
Isinulat ko ito upang madagdagan ang kaalaman niyo, kapag may mga kapartner na kayo.
Yung relationship na meron kami 'nuon' ni kib, gawin niyong aral. Dahil kahit sa mundo ng rp pwedeng pwede kang masaktan kung sineryoso mo ang dapat na laro laro lang na pakiramdam.
Ang sabi nila wala daw true love sa rp. Pero meron naman talaga kung yung right person mo na talaga ang dumating.
Imagine 16 years old ka lang and yung partner mo is 17,18,19.
16 years old lang ako na nahulog sa 17 years old na iniwan din ako sa huli.
Sa pag pasok mo sa mundo ng RPW. Dapat marunong kang makipag sabayan lalo na kung kasali ka sa mga sbh, sh, wh, mh.
Kung mag mamahal ka wag sumobra. Mag tira ka din para sa sarili mo dahil hindi lahat ng nasa tabi mo nag tatagal sayo.
Katulad ko, di ba? Iniwan din ako.
Don't expect too much, para di ka masaktan.
Nung araw na yan second day, masayang masaya ako. Dahil yung araw na iyan ang araw na pinaka masaya para sa akin.
Dahil nga first time mag mahal, masyado akong nag expect na hanggang sa dulo kami. Pero in the end pareho kaming sumuko.
Ang ganda ng pag sasama namin ni kib. Masaya may halong tampo lahat na andun ata.
Pero sa kabila ng lahat ng iyon, yung mga ala ala namin hawak hawak ko kahit saan. Hindi mapapalitan si kib sa puso ko.
Marupok na kung marupok. Dahil mahirap kasi kalimutan lalo na kung minahal mo ng sobra.
Ansakit sakit palayain ang taong mahal mo.
Sobrang sakit, dahil yung taong nag pasaya, nag mahal, kaibigan mo na lang ngayon.
Masakit na makita ko na masaya na siya sa iba. Pero wala eh di ba nga? "Pag mahal mo palayain muna kahit ikadurog mo pa kapalit nito". walang araw at oras na hindi ako naiyak kapag na aalala ko siya. Tanggap ko na eh pero nasasaktan pa din ako kapag naaalala ko ang memories namin.
Sayang, hindi mo manlang pinaabot ng 1st anniversary natin sa march 8.
Mahal na mahal ko yon, kahit dinurog ako nun.
Those memories that we had of each other, Hindi ko babalewalain to. Dala dala ko ito hanggang pag tanda ko.
Sana masaya ka sa bago mo ngayon.
Sana wag mo siyang saktan.
Hindi mo manlang ako nilaban. Sinukuan mo ako without knowing na may nasaktan akong tao para sa iyo.
Hanggang ngayon ok na ako. Pero kapag inaalala ko lahat bumabalik lahat ng sakit sa akin.
Hindi pa ako handang pakawalan ka mahal ko.
Hindi man tayo nagtagal atleast may nabuong relationship na kapupulutan ng aral.
Last message ko sayo, after our break up hindi muna ako nireplayan.
Alam niyo yung feeling na habang nag mamaka-awa kang h‘wag ka lamang nyang iwan?
Dahil nga ayoko pa siyang pakawalan.
Sa comment pa lang nila alam kong masaya na si kib sa kanya.
Masakit sobrang sakit mag paraya ng taong mahal na mahal mo.
Ganun pala, sa una lang masaya pero pag nag tagal wala na unti unti ka nang sasakupin ng lungkot.
Minahal ko yun si kib, kahit na ang dapat na pag mamahal na yun ay sa tamang tao.
Pero salamat dahil natuto akong, masaktan at ang kapalit no‘n ay pag katuto. Hindi rin pala madali ang pumasok sa isang relationship.
Marami kayong pag dadaanan.
Marami pang masasakit na salita ang inyong sasabihin.
Marami pang magaganap na mga pag seselos at pag dududa.
Hindi man kita nakita kib palagi mong tandaan na si scarlet ash gray montefalco ang nag mahal sayo.
May tao pang mag mamahal sa akin.
Napakasakit lang dahil alam kong hindi si kib iyon.
OVERTHINKING kills your happiness.
Kaya sa mga may relationship jan na lumalabo na, ilaban niyo para sa huli hindi kayo maiwan. Ngunit kapag hindi na talaga kaya, bitaw na.
Nilaban namin ni kib, kaso pareho kaming sumuko.
Hindi man kami para sa isat isa. Atleast pinag tagpo kami kahit sa sandaling oras at araw lang.
Lumilipas din ang lahat. Pero ang pag mamahal ko kay kib hindi mawawala.
Mag mamahal man ako, siguro makakalimutan ko si kib.
Pero hindi siya mapapalitan kahit kailan.
“Ang isang tunay na pag iibigan, ay makakapag hintay”
Isasara ko na ang pangalawang yugto ng kwento natin kib.
BINABASA MO ANG
I MET YOU IN RPW
RomanceKapag sinabing "RPW" ano ang unang pumapasok sa inyong isipan? Para sa akin ang pagiging isang Girl R'pier o mas kilala sa tawag na "GRP" ay masaya. Dahil marami akong naging kaibigan. Ngunit hindi ko akalain na masusuway ko ang kaisa-isang golden...