"Hindi ko inaasahang mapapaaga yata ang dating mo ngayon. Halos kakatapos lang ng trabaho ng mga preso ah." sambit ni Alexander habang nakaupo sa kanyang swivel chair."Oo nga eh, pero pumunta talaga ako baka sabihin mong hindi ako tumutupad sa oras. It's better to be early than late." Nakangiting sambit ni Lex habang sa isip isip nito ay makailang beses niya ng pinatay si Alexander na kulang na lang ay imagine-in niya na binalita itong patay matapos makailang pagtatagain ng hindi pa nakikilang suspek which is siya.
Agad namang nabasag ang magandang iniisip ni Lex ng magsalita muli si Alexander.
"Oo nga naman, hindi ko alam na malaki pala ang paghahalaga mo sa kaibigan mo." Sambit ni Alexander ng nakangiti. Ilang ulit niya ng pinag-aralan ang magiging salitang gagamitin niya para dito. Tsaka isa rin siyang actor noong kolehiyo siya ng kuhanin siya ng drama club nila.
"Oo eh, dahil kapag kaibigan na kaibigan ko eh kaibigan ko na rin tsaka mahalaga ka na rin sa akin eh!" Nakangiting sambit ni Lex habang ang iniisip nito ay kabaliktaran sa kanyang sinabi. Sasabihin niya pa sanang "neknek mo, mukha kang bisugong demonyo ka shoo!" pero hindi niya sinabi ito.
"Ouch parang sinabi mo yatang kaibigan mo lang ako dahil kaibigan ko na ang mga kaibigan mo." Sambit ni Alexander habang kakikitaan ng lungkot ang kanyang mga ekspresyon sa mukha.
"Ah eh hindi naman sa ganon canser este Xander. Alam mo namang kaibigan na kita eh tsaka ako naman taalga ang pakay mo diba na maging ka-kaibigan diba?" Sambit ni Lex ng patanong.
"Oo naman, tsaka gusto ko ring maging kaibigan ang kaibigan mo dahil palakaibigan naman akong tao kahit na sa mga preso." Nakangiting sambit ni Alexander habang nakangiti.
"Huli ka balbon, ako pa inuto mo. Utuin mo lelang mo. Sarap mong tirisin, ang sabihin mo takot yung lahat ng mga tao dito lalo na yung mga preso!" Sambit ni Lex sa kaniyang isipan.
"Uhmm, yun ba? Hindi ko alam na mabuti pala ang kalooban mo. Payakap nga Xander." Sambit ni Lex habang nakangiti.
"Ah eh oo naman. Tsaka libre yakap noh!" Sambit ni Alexander habang pinepeke ang ngiti nito.
Agad naman siyang tumayo sa kaniyang swivel chair at niyakap rin siya agad ni Lex na kanina pa nakatayo.
Sinuksok naman ni Lex ang kanyang ilong sa leeg ni Alexander/Xander. Dito ay makailang singhot pa si Lex halatamg mas grabe yung singhot nito kaysa kanina.
"Hahaha, maadik sa perfume na gamit ko. Halatang hindi mo natikmang gumamit nito. Dito palang sa ginagawa mo ay talo ka na hahaha!" Sambit ni Alexander sa kanyang isipan. Nabasa niya rin ito sa impormasyong ibinigay sa kanya ng private investigator. Pinaimbestigahan niya lahat-lahat ng impormasyong kinahihiligan o kinahuhumalingan ng isang Lex Hade Guevarra.
Ngunit hindi nakatiis si Alexander dahil sobrang nakikiliti na siya.
"Ah eh hahahaha... Hu ha hehehe... nakikiliti na ko Hade eh!" Sambit ni Alexander habang tinatanggal niya ang kanilang matagal na yakapan.
"Hade? Pangalan ko ba yun?" Sambit ni Lex habang tinuturo nito ang kanyang sarili.
"Oo naman, kinuha ko yun sa pangalan mo na Haden, mahaba kasi kaya Hade na lang. Ayoko ng Lex dahil marami ng tumatawag sa'yo nun eh hehe..." Sambit ni Alexander habang nagkakamot ng kanyang batok.
"Oh sige. Walang kaso sakin. Pasensya na ha, yung perfume mo kasi eh kaparehas sa lolo ko kaya parang namiss ko siya dahil diyan." Sambit ni Lex habang nagdadahilan.
"Ah walang kaso yun noh. Tsaka okay lang sakin yun. Mahal na mahal ko rin lolo ko eh, I feel you!" Nakangiting sambit ni Alexander. Sa totoo lang ay gusto niyang tumawa ng malakas at sabihin kay Hade na "Lokohin mo sarili mo eh paborito mo tong perfume na 'to eh tsaka latest edition to ng perfume." Ito ang gustong sabihin niya kay lex ng pasigaw ngunit ayaw niyang sirain ang kanyang magandang plano.
BINABASA MO ANG
THE BILLIONAIRE'S TOY: Lex Haden Guevarra (BL)
RomanceGuilty Guilty Guilty Guilty Guilty... Paulit-ulit na umalingawngaw ng boses habang papalakas ito ng papalakas. "Ahhhhh!" Sigaw ni Lex Guevarra habang napabangon ito ng mabilis. Dito niya napansin na nakasuot siya ng kulay kahel na damit maging ang...