Isang buwan na ang nakalilipas ngunit presko parin ang mga ala-ala ng pangyayaring nakagimbal sa aming barkada at nakasira sa reputasyon ng aking bestfriend.
Hindi ko sukat akalain na mangyayari iyon sa kanya. Napakasakit, ang sakit sakit...
Hapon na yon at katatapos lang ng last subject,mabilis pa sa kidlat kung magsiuwian ang mga classmate namin going god knows where doing god knows what.
Marami kaming magkakaibigan mainly Nanats na bakla, Kaye na payat, Karla na mataba, Nicole na shunga, Angel na parang IP, Vanne na gwapo, Pamela na budlat, at syempre ako na chubby.
Walang makapagsasabi sa amin kung ano ang gagawin kasi nga walang basagan ng trip ang pangalan ng grupo namin.
Pauwi na kami at dahil nga walang basagan ng trip
nagtakbuhan kami sa school grounds.Hinahabol ko ang pinakabestfriend kong si Pamela abat may lahi palang kabayo at ang bilis tumakbo akala ko tarsier lang to crossbreed pala ng dalawa.
Takbo lang siya ng takbo habang tumatawa na parang tinakasan ng bait hindi ko akalain na yon na pala ang pinakamalaking trahedya ng buhay niya.Habang tumatakbo siya hindi niya nakita ang malaking butas sa gitna ng school (tanga).Marami pang tao non at isa dun ang crush niyang si Mark, ang Principal at marami pang iba.
Akala ko makikita niya yung malaking butas sa kalaki-laki ba naman ng mata nun, pero akala lang pala lahat kasi nahulog siya.Okay lang sana kung butas lang yun eh hindi pangkaraniwang butas eh..
Tanga lang talaga ang mahuhulog dun akalain mo ba naman may malaking tarp na may nakasulat na MANHOLE: WATCH WHERE YOUR GOING CAUSE ITS SO KADIRI.TINATAEHAN, INIIHIAN, DINUDUPLAAN, SINUSUKAHAN, TINATAPUNAN NG BASURA: NABUBULOK O DI-NABUBUBLOK...
Wala kaming ibang ginawa kundi tumawa, kahit gusto ko mang tulungan ang gaga hindi ko na ginawa ANG BAHO KAYA !!!
Social Suicide ata yun.
Kaya nga ang sakit eh ang sakit, sakit
NAPAKASAKET SA TIYAN..TANGA LANG TALAGA INSTA...
THE END !