Chapter Eight

93 7 0
                                    

Di na muna ako ngayon mag tatatalak. Kasi start na ng Intense Happenings dito sa Bring The Past Back!!

Follow me on Twitter: @itsmedanaateves

On Instagram: akosidanaa26

----------------------------------------------

Someone's Point Of View

Nakita ko yung mabilis na pagpapatakbo ng sasakyan ni Kath palabas ng AU Kaya sinimulan ko itong habulin kaso

May nabunggo ako na mga studyante

Pag taas ko ng tingin.. Nagulat ako ng makilala ko kung sinu sino yung nga studyanteng yun

"Tita Stella?!!"sabay sabay nilang sabi at niyakap ako

Nakakatuwa naman talaga tong mga batang to.. Kahit tatlong taon na yung nagdaan ay nakilala pa rin nila ako

Daniel's Point Of View

Nagulat kami kaya niyakap namin sya ng mahigpit

"Tita kamusta na ho kayo??"Julia

"Ayos naman ako Julia, kayo??"

"Ahh guys kung sa Pizza Parlor nalang kaya natin ipagpatuloy yung kamustahan?? "Neil

Lahat naman kami sumang ayon agad

"Daniel, hijo.. Kamusta ka na?"Tita

"Ayos naman ho ako Tita"sagot ko

Nung makaupo na kami dito sa isa sa mga tables dito sa labas ng shop eh

"Tita Kamusta na ho ulit kayo?"tanong nung 3 girls

"Ayos naman ako mga anak, Inaamin kong nalulungkot pa rin ako sa pagkawalay sakin ni Kathryn"

"Kami nga rin Tita eh.. Ang sakit sakit ho kasi andyan lang sya sa malapit kaso para hong ang layo layo pa rin nya"Julia

'Eh Nga pala Tita, sino ho yung hinahabol nyo kanina?"Yen

"Si Kathryn"

"Si Kathryn ho??" Kaming 7

"Oo mga anak, Simula ng iuwi sya ni Amy rito sa Pilipinas eh lagi ko na syang sinusubaybayan. Bawat galaw nya tinitignan ko. Lagi akong nagtatago sakanya kasi baka makita ako ni Amy"

"Bakit ho?"Neil

"Ayaw nya akong palapitin kay Kathryn.. Naalala ko yung sinabi nya sakin bago nya isinama si Kathryn sa ibang bansa upang ipagamot. Sabi nya 'Wag na wag kang lalapit sakanya. Mas lalo ka lang makakasama sa kalagayan nya' So yun nga yung ginawa ko alang alang kay Kathryn"

"Tita, Guys patawarin nyo ko if I hide this from you.. Pero kagaya ni Tita eh kinausap rin ako ni Tita Amy at pinasunog yung lahat ng slambooks, albums at kung anu ano pa"Julia

"Pero how come? Bat may hawak kang isang photo album noon??"Kiray

"Tinago ko yun sa ilalim ng kama ni Mama. Kaya di nya yun nakita"Julia

Nakikinig lang ako sakanila.. Habang nag iisip.. Bat gagawin naman yun ng Tita Amy na yun? Sino ba sya? Anong kinalaman nya kay Kath??

"Nakakalungkot nga eh.. Di na nya tayo naaalala.. Ng dahil kay Amy"

"Tita Stella, sino ho yung binabanggit nyong Amy?"di ko na mapigilang itanong

"Si Amy, Amethyst Bernardo . Sya yung tunay na ina ni Kathryn"

"Gusto ni Amy na maging perfect si Kathryn. Nakakapagtaka. Pero alam nyo ba na nakakalapit ako minsan kay Kathryn? Bumalik kasi si Amy pansamantala sa ibang bansa.. Kaso di nya ako kilala at natatakot rin ako na baka makita ako ng mga nakakakilala kay Amy at sabihin sakanya na lumalapit ako kay Kathryn.. Kaya sobrang ingat ko sa tuwing gusto kong lumapit kay Kathryn. Ayos na kasi sakin na hanggang tingin lang ako sakanya kaysa naman sa hindi ko na sya talaga makikita pa" napansin kong may isang butil ng luha na tumakas mula sa mga mata nya at agad naman itong pinunasan ni Tita

"San ho ba si Kathryn pupunta kanina?" Diego

"Di ko nga rin alam eh.. Nakaupo kasi ako dun sa waiting area nang makita ko yung kotse nya na palabas.. Nararamdaman ko kasing may mangyayari"

"Mangyayari ho?" Ulit ni Ej

"Oo. Kaso ang bilis ng pag papatakbo nya ng sasakyan nya eh"

"San ho ba sa tingin nyo sya pupunta??"Julia

"Wala akong maisip na maaari nyang puntahan sa ngayon"

"Tara, hanapin natin si Kathryn!"Neil

"SIGE TARA!!" Julia

"Sandali lang mga anak. Di natin sigurado kung nasan sya ngayon. Ang laki laki nitong Maynila Saang lupalop natin sya hahanapin??"

Tama si Tita.. Di namin alam kung nasan sya ngayon at kung anong nangyari sakanya.

Asan nga ba si Kath?? Nako!! San ba nagsusuot tong makulit na Pusang ito


Pamu's Point Of View

I smell something.. at hindi ko nagugustuhan yung naaamoy ko.. Tumakbo na rin ako palabas ng library dala yung bag ko at mga libro..

Luminga linga ako kaso walang Kath dito.. Tumakbo ako papunta sa rooftop. Kaso wala sya.. Wala rin sya sa Music Room, sa Gym, sa room nila, sa canteen

"Nakita nyo ba si Kathryn?"tanong ko sa mga babaeng nakakasalubong ko

LECHE KA KATHRYN DAVIS!! PINAPAKABA MO AKO!!!

Sinubukan ko syang tawagan kaso ring lang yung ng ring.. After 15 try eh sinagot na rin nya

"HELLO?! KATHRYN?! ASAN KA BANG BABAE KA?!"

*Toot toot*

Ano yun Binabaan ako?? Leche!! Nakaka LECHE Talaga!! Makita ko lang tong babaeng to at sasampalin ko sya ng 100 times sasabunutan ng 100 hours!! LECHE!!. Nakaka ilang LECHE na ba ako?! Haay!!!

Nag ikot ikot pa rin ako habang tinatry syang tawagan

Napansin kong wala na yung kotse nya dito sa Parking Lot

Tumakbo ako palabas at luminga linga.. Bumalik ako dun sa may gate at lumapit kay Manong Guard

"Manong, nakita nyo ho ba si Kathryn? Kathryn Davis?"

"Ah opo Maam Kanina pa ho sya umalis"

"Ahh sige po Salamat ulit!!"

Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa coffee shop ni Kathryn

Asan ka na ba Kathryn?!

--------------------------------------

Lagot!! Nasaan ka Kathryn?!

Sa tingin nyo guys?! Asan sya ngayon???

Maiksi lang po to. Kasi yung next chapter ay bawing bawi .. PRAMIS!!!

Dont forget to Follow me on

TWITTER: @itsmedanaateves

INSTAGRAM: akosidanaa26

Add nyo rin ako sa Facebook: Dana Kim Teves

And last na to!! Like nyo yung Official page nitong BTPB sa facebook .. Andun sa description yung link

Thankiee!!

*DanaPatootiee*

Bring The Past Back (KathNiel) --  ON GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon