Nung PRE-ELEM pa lang ako.
Oo.
Pre-elem talaga.
Ayaw ko pa pumasok non.
Malamang, sino ba ang gustong pumasok ng panahon na yun kung lulong ka sa paglalaro?
Batang 90's kaya di pa uso ang mga iPhone, iPad, mga tablet na yan.
Napakasaya kaya maging batang 90's, di kagaya ng henerasyon ngayon, masaya din naman kaso hindi na kagaya ng dati.
Na kababata pa e, puro mga cellphone na ang hawak o di kaya naman e mga laptop at computers na.
Di gaya noon, napaka-simple ng buhay.
Pupunta ako sa kapitbahay namin, kasama ko si Nanay Rosario ko.
Isasama nya ako dun dahil makikipag-chismisan sya habang ako ay nakikipag-laro naman sa mga kababata ko.
Yung larong holen na lagi akong talo dahil sa liit ng daliri ko..
Minsan naman ay tagu-taguan.. na lagi naman akong nakikita.
Yung agawang base, na lagi akong natataya dahil ang bagal kong tumakbo.
Yung luto-lutuan na ako lagi ang taga kuha ng mga dahon-dahon na kunwari mga totoong putahe ang lulutuin.
Ang sarap alalahanin no?
Yung mga panahon na manika pa lang ang laruan, hindi tao! #WhoGoat
Yung panahon na wala akong pakialam kahit yung ponytail ko ay tagilid.
Yung panahon na wala akong pakialam kahit bungi ang ngipin ko kakaain ng kendi.
"Basha! Basha!" sabi ng kababata kong si Paolo.
"Oh bakit?"
P: "Papasok na ko!"
"Aba! Ako rin naman a!"
P: "Nakabili ka na ng notebooks? tska pencil at tsaka mga colors?"
"Aba oo naman! Binilhan ako ni Nanay nung isang araw. Bleh!"
Minsan ang sarap din kasing mang-asar ng mga kapwa mo bata!
Yung sobrang kababawan, pero yun yung masaya! HAHAHA.
P: "E ilan yung colors ng crayon mo?"
"Di pa nga ko marunong mag-bilang e! Teka kukunin ko"
Dali-dali at excited akong kinuha ang mga krayola sa bag ko na lahat ay bagong bili.
Yun lang naman ang kina-excite ko ng panahon na yon, yung ipagyabang at gamitin ang mga bagong biling kagamitan.
"Eto oh!"
Sabay tumawa si Paolo.
P: "HAHAHAHA! kokonti! Mas marami ang akin dyan." hinugot nya yung crayons mula sa tagiliran nya na nakasipit sa shorts.
Aba matindeee.
P: "Bleeeehh!!"
Yun lang, kinabog ako.
Di kayo na mayaman! Sunugin ko bahay nyo e!
Sa sobrang inis ko nun.
Pinuntahan ko si Nanay.
"Nayyy!! Gusto ko maraming colors yung crayons ko!"
N: "Anak, hindi naman kailangan pa sa school nyo yung maraming colors. Ni hindi mo pa nga alam ang tawag sa mga pangunahing kulay na yan e. Yun pa kayang marami. Kapag kailangan nyo na, saka kita ibibili"
BINABASA MO ANG
WhoGoat Lord (Short Story) (Tagalog)
Teen FictionHugutan lang pala e! Halika! Basahin mo to! :) Bka maka-relate ka!