Chapter 1: Intro

7.5K 111 30
                                    

Author's Note:

THIS IS NOT MY STORY.

THIS IS A FICTIONAL STORY.

THIS MAY BE A SHORT STORY.

YOU CAN SUGGEST OR SHARE STORIES SA COMMENT BOX OR SA INBOX KO. ESPECIALLY KUNG MAY HUGOT DIN.

OPEN FOR DEDICATION :)

HINDI ITO ISTORYA NA KAGAYA NG UMK OR SC OR MSSH OR TD.

PANG HUGOT AT PANG RELATE LANG TALAGA :)) MAARING MAY ISTORYA PERO KARAMIHAN LESSONS AT PAYO LANG :)

I JUST CONVERTED IT AS A STORY PARA DI BORING :)

PS: Sorry sa foul words :))
-----------

Walang forever..

Walang forevermore..

Walang till the end..

Walang lifetime..

Walang eternity..

Walang infinity..

At kung ano-ano pang synonyms ng forever na yan!

Alam nyo kung ano ang meron?

Merong mga manloloko at nagpapaloko..

Merong mga tanga at nagpapakatanga..

Merong mga umaasa at nagpapaasa..

Merong mga gago at nagpapagago..

Merong mga humuhugot at pinanghuhugutan..

Pero..

May ibang minamahal..

May ibang masaya..

May ibang inlove..

May ibang inspired...

Hindi ako myembro ng 'Iba' na yan na masasaya at blooming.. hindi rin ako naniniwala sa 'forever' na yan dahil walang forever.. pero certified member ako ng mga 'tanga, umaasa, iniwan, ginago, bitter, humuhugot'. Pakshet.

Ako si Basha... Hindi Basha na nasa One More Chance...

Ako si Basha De Guia... Basha na... Bashang basha sa ulan kapag iniwan.. bashang basha sa mga mata kapag umiyak.. bashag na bashag kapag nasaktan... Pota e di wow!

24 years old na masasabing marami na ring karanasan sa mga bagay na yan.

May trabaho na ako ngayon.. Pero wala pa ring matinong lovelife.

Tinagurian ako na 'WhoGoat Lord' ng mga taong nakapaligid sakin.

Ginagamit ang salitang 'WhoGoat' ng mga taong lulong sa twitter, facebook at kung ano-ano pang social networking sites na pinauuso ang mga ganitong salita.

'WhoGoat' o Hugot.. Magkatunog at iisa ang meaning.. Talagang dala lang ng ka-usuhan.

Karamihan ng mga huhumuhugot ngayon kagaya ko ay ang mga taong may pinagdadaanan sa lovelife, may napagdaanan at feeling may mga pinagdadaanan para lang makisama sa uso!

Karamihan din ng humuhugot ay tinaguriang mga 'bitter'.

Bakit ba nagiging bitter ang isang tao? Simple lang... Nagiging bitter ang isang tao dahil nasaktan sila. Dahil once may nagparamdam sa kanila na may 'forever' na may 'fairytale' na may 'happy ending'. Pero pinili pa ring iwan sa huli.. Tangina.. nasan na yung forever, fairytale at happy ending na yan?! Ano nganga?!

Maraming nakaka-relate sakin.

Maraming bitter sa pag-ibig ngayon kaya uso ang humugot..

Ganon ako..

WhoGoat Lord (Short Story) (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon