Chapter 3: Pre-Elem Part 2

2.1K 85 17
                                    

Si Kiko..

Ang puppy love ko <3

Yung feeling na akala mo sa sobrang hirap ng pinagdadaanan mo, wala ka ng dahilan para ngumiti, yun pala na-late lang ang taong magpapangiti at magpapasaya sayo :'>

Ke bata-bata ko pa lang e may crush na ako <3

Aba, di naman yun masama ah. Natural yun!

Ngumiti sya sakin. Syempre namula ako HAHAHA!

Biglang wala ng pake e kahit nawala si Nanay sa likod! HAHAHA!

"Hello!"

K: "Hi!"

"Ano name mo?" kahit may pangalan naman na nakasulat sa notebook nya, pero syempre di pa ko marunong magbasa non, marunong lumandi, pwede pa. HAHAHA.

K: "Kiko. Ikaw?"

"Basha."

K: "Ah. Okay."

Ah-okay zoned ako -.-

Badtrip!

Salita ng salita si teacher sa harapan. Pero di ko maiwasang lumingon sa katabi ko <3

Napaka-bait nya. Kahit hi at kiko pa lang ang salitang nabanggit nya sakin. Alam kong eto na ang forever ko! HAHAHAH! Charaught! Joke lang!

Syempre bilang pre-elem pa lang..

Saglit lang kami sa school. Half day lang.

Nag-bigay ng assignment si teacher ng name tag.

Nang makauwi, nagpaggawa ako sa nanay ko!

"Nay... Gusto ko yung may design"

N: "Jusko naman Bea! Okay na yan!"

"Nay naman e! Gusto ko akin ang pinakamaganda!"

N: "Dami mong kaartehan na bata ka. Ang importante naman jan e mabasa ang pangalan mo!"

"E kasiii..."

N: "Ano?!"

"Hala.. Shy ako nanay e" sabay tawa.

N: "Ikaw na bata ka, papaluin kita e!"

"Di wag Nay! Andamot mo po!"

N: "Hinahanap ka nga pala nina Paolo kanina"

"Bakit daw po?"

N: "Naglalaro sila sa labas kanina pa"

"Po?! Bakit di naman ako agad tinawag?!"

N: "Aba nauna labasan nila kesa sayo e. Sige na maglaro ka na at ako'y maglalaba pa"

Agad akong tumakbo sa labas..

"Hoy! Kadaya nyo! Bakit di nyo ako tinawag agad sa bahay"

Kita kong tagaktak na ang pawis nila sa kakalaro ng piko.

P: "Wala ka pa daw sa bahay nyo e, kaya kami na lang ang naglaro"

"Sali ako."

M: "Ala pagod na nga kami. Tsaka ang dami na naming bahay dito sa piko. Panalo na ako e"

"Pwede pa yan! Sige na!"

M: "Pagod na nga kami e!"

Sasabunutan ko tong kababata kong to! Napakadamot!

"Osige. E di maglaro na lang tayo ng iba?"

M: "Patentero na lang!"

Shunga din tong kababata kong to e! Ayaw ng piko dahil pagod na, pero patentero kaya pa?! E mas nakakapagod yun e!

WhoGoat Lord (Short Story) (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon