Facetime

753 23 9
                                    

"Huwag ka na sumimangot. Smile ka na, Babe!" Pangungumbinsi ni Jho kay Bea. Nakasmile lang siya habang kausap ito sa Facetime.

"Nakakainis ka kasi." Sagot nito bago inirapan ang nobya. Napasmile na lang si Jho.

"Sorry na... Bawi ako sa'yo pag-uwi ko promise. Tsaka tama na yang kaka eye roll mo sa akin, Beatriz. Mamaya maduling ka na niyan." Pang-asar pang sabi ni Jhoana.

"Next time kasi sabihin mo sa akin kung aalis ka lalo na't out of town pala yang lakad mo. Sobrang worried ako sa'yo tapos nandiyan ka pala sa Baguio." Dire-diretsong sabi ni Beatriz.

Nagtampo lang talaga siya na kay Jaja niya pa nalaman na pupunta si Jho sa Baguio para imeet yung mga potential clients niya. Akala niya kasi nasa condo lang si Jho at buong araw may meeting kaya hindi sumasagot sa mga text at tawag niya.

"I'm sorry babe. Hindi na talaga mauulit." Seryosong sabi ni Jho. Nakasimangot pa rin sa kanya si Beatriz kaya hindi niya alam mararamdaman niya.

Aminado naman si Jho na may fault siya kasi nakalimutan niyang magpaalam kay Beatriz na aalis siya for a week. Biglaan lang din kasi yung alis niya at tanging si Jaja lang ang napagsabihan niya kung saan siya pupunta.

"How can I make it up to you?" Masuyong tanong nito sa kanyang nobya.

"Kelan ka ba babalik?" Tanong ni Beatriz.

"I'll be home by Friday evening. Gusto mo bang dumiretso ako sa'yo?" Nakangiting sabi ni Jho pero tinaasan lang siya ng kilay ni Beatriz.

"Sorry talaga babe. Nakaligtaan ko lang. Ang dami ko lang talagang inaasikaso and alam mo naman na I'm working hard for us di ba?" Explain ulit ni Jho.

"Just be safe and behave ka diyan. Promise me!"

"Babe naman. Alam mo naman I only misbehave when we're together di ba?" Sabay kindat ni Jho sa kanyang nobya. Medyo nasilayan naman ni Jho ang ngiti ni Beatriz.

"Sige na. Matulog na tayo. May training pa ako bukas. Magpahinga ka na rin, alam kong napagod ka sa biyahe."

"Good night Babe! I'm really sorry for not telling you sooner. Bati na tayo?"

"Oo na! Matitiis ba kita?" Beatriz said in an annoyed tone.

"Sleep na tayo. Dream of me Beatriz because I'm sure that I'll be dreaming of you."

"Wow Jho ang corny mo." Tawang tawa si Beatriz ngayon sa banat ni Jho.

"Okay lang basta para sa'yo. Sige na, good night Babe! Pahinga ka na rin kasi maaga pa online training niyo tomorrow."

Ayaw pa ni Beatriz ibaba ang tawag. Tinititigan niya lang si Jho. Namiss niya talaga ang Babe niya since halos 2 weeks silang hindi nagkita sa dami ng work errands ni Jho.

"Good night Babe! I love you so much!" Sabi ni Jho.

"Babe? Can you just leave your facetime running kahit we're both sleeping na? I miss you..."

"Aw. Nanglalambing Babe ko. Of course Babe! Pero sleep na tayo ah? It's really late." Jho smiled.

"Yes.. I miss you and I love you! Go home na so I can hug and kiss you na!" Pagmamaktol ni Beatriz. Alam ni Jho na inaantok na si Beatriz kaya tinotopak at nagpapalambing na siya. Hay. Things never really change kahit almost 5 years na silang magkasintahan.

"Hug mo na yung banana pillow ko diyan. I love you Beatriz." Jho said and smiled. She's waiting for Bea's reply but nakatulog na agad ang kanyang Babe. She kept on saying I love you to Beatriz until she also fell asleep.

Hello. 😅

FRIDAYS (JhoBea)Where stories live. Discover now