"Hahahaha. Bakit kapit na kapit ka ha? Kala ko ba matapang ka. Tapang tapangan lang pala. Alis shooo bitaw"
pang-aasar ni carlo kay gracia. Wla pa sila sa gitna ng movie grabe na takot ni gracia nanginginig pa eh kaya sarap na sarap si carlong asarin ito.
"Uy. Patayin mo na kase . Ayoko na. D ako makakatulog nyan mmya. Tigil mo na yan" pag mamakaawa ni gracia
"Eh pano kung ayoko. Ay inaantok nako. Taas nako ah. Kaw na magpatay. Byeeee" akmang tatayo na si carlo ng hilahin sya ni gracia napaupo ulit si carlo at napatawa ng napakalakas.
"di nako nagbibiro carlo!! Tama na kase ano ba!!!" Galit na talaga si gracia. Di na nya tlga kasi kaya yung takot. Hanggang sa napaluha na sya ayaw kase syang pakinggan ni carlo.
"Hush! Tahan na nandito lng naman ako. Oa naman nito eh. Wag ka ng umiyak" sabay haplos sa ulo nya at sinandal ito sa dibdib nya. "Hush tama na ha. Tahan na"
Tumango tango nalang si gracia at pinahid yung mga luha nya. Pinatay na pala ni carlo yung movie. Nakahinga naman ng maluwag si gracia pero gumagana talaga ung imahinasyon nya na parang lahat ng napanuod nya eh totoo.
"Taas na ko ha. Tulog ka na din" sbe ni carlo kay gracia
"Carr--loooo. Ahhmmm anooo kase. Ahmm pwde ba dun muna ko sa kwarto mo. Ngayon lang promise sige na carlo pls. Kasalanan mo din naman kase to eh"
"Sige na. Baka umiyak ka pa dyan eh isa lang kama ko , dun ka sa lapag kung ayaw moko katabi!!"
Nakooo gumana na naman ung imahinasyon ni gracia na pag sa lapag sya natulog may makikita sya sa ilalim ng kama.
"Pwede bang tabi nalang tayo. Ok lang ba sayo? Ayoko sa lapag baka may makatabi pa ko dun eh. Sige na carlo maawa ka naman sken"
"Oo na sge na. Oa mo naman mag isip napaka matatakutin mo pala"
Nasa higaan na sila at kinumot ni gracia yung kumot ni carlo ng taklob na taklob talaga sya. Naramdaman naman nyang may yumakap sa kanya.
"Gracia wag ka ngang oa. Matulog kna bka d kapa makatulog sa kaiisip mo dyan eh! Sige na pikit na"
Hinalikan pa ni carlo si gracia sa noo at hinigit papalapit sa kanya at niyakap ng pagka higpit higpit at kinuha ni carlo yung kamay ni gracia na nakalagay lang sa gitna nila at niyakap nya sa kanya. Ramdam naman nyang higpit na higpit ng yakap ni gracia. Halatang takot padin.
------
*.*