O5 .
「 📖🌴🛁🍯🌷🥢 。」
⸝⸝ Caspain's POV - MPTOY !¡ ੭ ˃̵ᴗ˂̵Nag cellphone nalang ako habang natutulog siya. Ano kayang ginawa nito at napagod ng ganito, tanong ko sa aking sarili.
"Uhm......" bulong niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Gising kana?" sabay tingin niya sa aking mata. Nang ma-realize niya ang pwesto namin, napabangon siya at umiwas ng tingin.
"Uh, sorry, nakatulog ako"
"Eto pagkain, kainin mo. Alam kong gutom kana" sabay kuha ko ng pagkain sa gilid.
"Salamat" matipid na ngiti niyang sabi.
Kumain na din ako dahil kanina pa akong nagugutom. Mukhang nagutom siya at nag hahanap pa ng pagkain. Buti nalang bumili ako ng donut.
"Gutom kapa?"
"Oo eh..."
"Eto donut, alam kong magugutom kapa" lumiwanag ang mukha niya at nakangiting kuha nito sakin.
"Salamat hihi" sabay gulo ng aking buhok.
Pagkatapos naming mag kumain, nag practice na ulit kami since malaking oras ang nasayang namin.
"Saan nag simulang mag bago ang lahat~~"
Nag iistrum ako ng gitara habang nakatitig sa kanya.
"Kailan nung ako'y di na naging sapat~~"
Damang dama ang lungkot sa kaniyang boses.
"Ba't di mo sinabi na ayaw mo na~~"
At naluluhang mga mata.
"Ako ang nauna, pero hanap mo siya~~"
"At kung masaya ka sa piling niya~~"
Ramdam ko ang hirap ng dinanas niya.
"Hindi ko na pipilit pa~~"
Gusto ko siyang tulungan pero wala akong magawa.
"Ang tanging hiling ko lang sa kanya~~"
Ibalik ang dating ngiti sa kaniyang mga labi.
"Wag kang paluhain at alagaan ka niya~~"
At huwag paiyakin dahil lang sa mga tao na nasa pagilid niya.
"Hmm~~~"
Melodiyang ka'y sarap pakinggan.
"Pinapaubaya~~"
Galing sa isang babae na bumihag sa aking puso.
"Ko na sa kanya~~~"
YOU ARE READING
My Precious Time Of Yours
FantasyArrow is a loner kid that has been traumatized because of the past but Riojo change her life by realizing what love can do in her small little world