O2 .
「 📖🌴🛁🍯🌷🥢 。」
⸝⸝ Arrow's POV - MPTOY !¡ ੭ ˃̵ᴗ˂̵Hanggang ngayon nakatitig padin ako sa kanya at sa hindi inaasahan ay napalingon siya sa akin.
"Ghad, nakita niya kaya ako" bulong ko sa sarili ko.
"Sino kausap mo dyan Arrow?" sigaw ni papa sa baba.
"Wala pa, aakyat na po ako sa taas" sigaw ko pabalik at lumingon ulit kung saan nakaupo ang lalaki pero wala na siya.
Umakyat na ako at inayos lahat ng gamit ko sa kwarto ko at naligo na. Bumaba na ako at nakita ko na naghahanda na si papa sa lamesa para makapag hapunan na kami kaya tinulungan ko na siya.
"Sa ngayon, dito ka muna ha? I mean, dito kana titira" sabi ni papa.
"Akin na po talaga to? Wow" hindi ko makapaniwalang sabi.
"Oo iyo na to, alam ko namang marunong kana sa gawaing bahay kaya hindi na ako kukuha ng maid" pagpapaliwanag ni papa.
"Pano po yung stepmother ko?" pagtatanong ko sa kanya kaya napatigil siya sa pagkain at tumingin sakin.
"Hayaan mo na yun, dadalawin kita dito hangga't maari dahil wala kang kasama" pag iiba ng usapan ni papa.
"Opo pa, salamat dito sa napakalaking regalong to ah?" may ngiti kong sabi.
"Wala yun anak" at nagpatuloy na kami sa pagkain.
Dito muna sa bahay nagpalipas ng gabi si papa para daw may kasama ako sa bahay at sa unang gabi na titira ako dito.
--kinabukasan--
"Anak, aalis na si papa ah, ang pinto, laging isara at wag basta basta magpapapasok lalo na pag hindi mo kilala ok?" matinding bilin sa akin ni papa.
"Opo pa, pangako" ngiti kong sabi at humalik sa kanyang pisngi bago umalis ng bahay.
Ngayong mag isa na ako sa bahay, napag disisyunan ko na ayusin ang natitirang gamit ko sa kwarto bago mag pa araw sa labas.
"Sunday morning rain is falling~~" pagsabay ko sa kanta habang nagtitiklop ng damit.
Ilang oras din akong nagtiklop ng aking damit at napasilip ako sa bintana at nakita ko ang sunset sa labas kaya dali dali akong lumabas at dinala ang aking gitara.
"Ang dami namang bulaklak dito" bulong ko sa sarili ko habang nakangiti.
Umupo ako sa damuhan at saglit na tinitigan ang araw habang lumulubog ito.
"Mama miss na kita, sana lagi kang nandito" bulong ko sa sarili ko habang nakatitig sa langit.
"Napakaganda ng sunset oh, sana kasama kita" may bahid na lungkot na pagkasabi ko.
Para maibsan ang lungkot ko, kinuha ko ang gitara ko sa gilid at nagsimulang istrum ang gitara at nagsimulang kumanta.
"Then only for a minute
I want to change my mind
Cause this just don't feel right to me~~""I wanna raise your spirits
I want to see you smile but
Know that means I'll have to leave~~"Habang nag momoment ako, nakarinig ako ng tahol ng aso pero hindi ko yun pinansin. Bigla akong nagulat nang dilaan nang isang aso ang kamay ko at yung isa naman ay nakaupo habang nakalabas ang dila.
Natulak ko tuloy yung asong nadila sa kamay ko at natakot.
"Arf arf arf" habang tinuturo ang girata ko.
"Ha?" bigkas ko na parang tangang nakikipag usap sa dalwang aso na nasa harapan ko.
"Arf arf arf arf" tinuro ulit ang gitara ko ginalaw ang paa niya na parang nag iistrum ng gitara.
"Gusto nyo akong mag strum ng gitara?" tanong ko sila at tumango naman sila.
Mag strustrum na sana ako ng pigilan ulit ako ng isang aso.
"Awoooo" sigaw ng isang aso na para bang nakanta siya.
Napatawa ako nang magets ko ang nais nilang sabihin.
"Gusto nyo akong kumanta habang mag strustrum ng gitara?" ulit kong tanong at tumango sila habang nakalabas ang dila.
"Hahaha, sige" sabi ko sa kanila at pwinesto na ang aking gitara at muling kumanta.
"Lately, I've been, I've been thinking
I want you to be happier, I want you to be happier~~""Even though I might not like this
I think that you'll be happier, I want you to be happier~~" pagtapos ko nang kanta at muling minulat ang aking mga mata.Nakita ko kung pano silang nakaupo at tipong hingal na hingal habang labas ang mga dila. Natawa na lang ako sa naging reaksyon nila. Lumapit sila sa akin at tipong tinititigan ko kung bibigyan ko sila ng pahintulot lumapit.
"All right, all right, come here babies" at tinap ang mag kabilang side ng damuhan.
Nilaro laro nila ang gitara ko at nakita ko silang tuwang tuwa at tipong excited kaya napa ngiti ako habang tinititigan sila.
"Saffron, Lego, where are you!!" sigaw ng isang lalaki kaya napalingon ang dalwang aso sa tabi ko at napatigil din ako sa aking ginagawa.
Tumahol ang dalwang aso sa tabi ko at pumunta naman sa dereksyon namin ang isang lalaki kaya napakunot ako ng noo at naalalang familiar sa akin ang lalaking nasa harapan ko.
"There you are" seryosong banggit ng lalaki kaya medyo natakot ako.
Narinig ko naman ang dalwang aso na parang umiiyak kaya nag tago sila sa likod ko at napatitig ako dun sa lalake.
"Omg, siya yung--" sabi ko sa utak ko kaya medyo nahiya at the same time natakot dahil sa malamig na presensya niya.
Lumingon ako sa dalwang aso na nagtatago sa likod ko para makausap sila.
"It's time to go home na, andyan na sundo nyo" sabi ko sa kanila at nag pupuppy face pa sa akin na parang ayaw pang umuwi.
"Magagalit ang amo nyo. Sige na, magkikita pa tayo" pag chicheer up ko sa kanila para di sila malungkot.
Dinilaan ako ng dalwang aso sa pisnge kaya napatawa ako na para bang wala ang amo nila sa harap namin.
"Sige na, umuwi na kayo. Magagalit na ang amo nyo" pag tataboy ko sa kanila kaya umalis na sila at lumingon ulit ang dalwang aso sa akin at tumango.
Nag babye ulit ako sa kanila at akmang aalis na sila kasama ang amo nila nang lumingon siya sa akin at tinitigan ang aking mukha.
"Uh, thank you for taking care of my dogs" pag papasalamat niya.
"Your welcome" sabay ngiti sa dalwang aso at tuluyan na silang umalis.
Umuwi na din ako sa bahay at nag handa na ng aking kakainin para sa hapunan. Pag bukas ko ng ref ay walang karne kaya kinakailangan ko pang lumabas ng bahay at bumili ng karne sa pinakamalapit na supermarket.
Sunday Morning by Maroon 5
Happier by Bastille and Marshmello+ 01 ⸽ 💛﹚ UNENDING, ARROW!¡
﹀
YOU ARE READING
My Precious Time Of Yours
FantasyArrow is a loner kid that has been traumatized because of the past but Riojo change her life by realizing what love can do in her small little world