I

21 4 3
                                    

O1 .
    「 📖🌴🛁🍯🌷🥢 。」
         ⸝⸝ Arrow's POV - MPTOY !¡ ੭ ˃̵ᴗ˂̵

I'am living right now with my stepmom and I don't like her attitude. Hindi ko nga alam kung bakit nagustuhan ni papa to eh. Simula kasi nung mamatay si mama ay nag asawa siya agad at yun yung stepmom kong feeling reyna.

"Nasan nanaman ba yung batang yun, hindi na nag imis ng bahay" galit na sabi ng stepmom ko at alam ko na ako ang pinapatamaan niya kaya lumabas na agad ako ng kwarto para kausapin siya.

"Mag imis ka diyan, lagi ka nalang nakakulong. Akala mo naman prinsesa at laging nakaupo tss" galit niyang sabi habang pinaparinggan ako.

Inirapan ko nalang siya at nag linis na ng bahay. May maid naman sa bahay pero gusto niya lagi akong pahirapan kaya ako lagi ang inuutusan niya. Wala namang pakeelam si papa kaya bale wala rin sa kanya ang ginagawa sa akin ng stepmom ko.

May mga oras na gusto ko mag pakamatay kaso naisip ko si mama kaya andito ako ngayon, namumuhay mag isa at mag isang tinutupad ang pangarap namin ni mama. Habang naglilinis ako, nabasag nung isang maid yung vase ng stepmom ko na galing london.

"Arrgghhhh, sino nakabasag nito?" galit niyang tanong sa amin habang nakatungo kaming lahat sa harapan niya.

"Alam nyo bang mamahalin to?" nausok na ang kanyang mga tenga at ilong dahil sa galit habang masamang nakatitig sa amin.

"Ako p--" magsasalita na sana yung maid na nakabasag nung vase nang sabunutan ako ng stepmom ko.

"Ikaw siguro no? Ikaw babae ka, hindi ka nag-iingat!!" sigaw niya sa tenga ko kaya patakip ako ng tenga sabay hila ulit sa aking buhok papunta dun sa nabasa na vase.

"Wala akong pake kung hindi ikaw ang may kasalanan niyan kasi nang gigigil na ako sayong bata ka!!" sigaw niya ulit sa tenga ko at tinulak niya ako sa sahig kung saan nandun yung vase na nabasag kanina.

"Ma'am Arrow!!" sigaw nung maid na akmang tutulungan ako pero hinawakan siya ng stepmom ko kaya wala siyang magawa.

"Subukan mong tulungan yang babaeng yan, tanggal kana sa trabaho mo!!" sabi ng stepmom ko sa kanya. Tinignan ako nung maid na para bang humihingi siya ng tawad sa akin at ipinahiwatig ko sa kanya na ok lang ako.

Ngumiti nalang ako sa kabila ng sakit na aking nararamdaman habang tinitignan ko ang aking mga sugat sa braso at paa. Nakita ko kung paano tumulo ang aking dugo na nagkalat sa sahig. Ngumiti ako sa aking naisip na ganito ang magiging buhay ko at hindi na muling magbabago.

Saktong dating ni papa at nakita ko ang gulat sa kanyang mga mukha. Lumapit agad ito sa akin at tinulungan niya akong tumayo pero tinabig ko ang kamay niya.

"What the hell did you do to Arrow?" tanong ni papa sa stepmom ko na animo'y naguguluhan sa nangyari.

"Siya naman ang may kasalanan eh, nabasag yung mamahalin kong vase ng dahil sa KANYA" sabi niya na nakatingin ng masama sa akin at binigyang diin ang salitang "kanya".

"Ina ka ba talaga? Ganyan mo tratuhin ang anak mo?"

Hindi ko nakitang ganto pala magalit si papa. Napakaseryoso niya at animo'y mapapaupo ka dahil sa talim na titig niya.

"Hon---" hindi na naituloy ng stepmom ko ang sasabihin niya nang magsalita ulit si papa.

"Wag mong ibunton yang galit mo sa ANAK ko dahil hindi SIYA ang may KASALANAN kung bakit NAMATAY yang ANAK MO!!" sigaw ni papa sa kanya habang dinuduro siya na nagpatahimik sa stepmom ko.

Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata nung sabihin niya yun kaya nakaramdaam ako ng awa sa kanya.

"Anak, tara na sa kwarto mo at linisin natin yang sugat mo" pagpuputol ni papa sa katahimikan kaya umakyat na kami sa taas dala dala ang first aid kit.

Habang nililinisan ni papa ang sugat ko, napagdesisyunan niyang lumipat ako ng aking tinitirhan.

"Anak, lilipat ka na ng bahay huh?" sabi niya habang ginagamot ang aking paa.

Hindi naman ako umimik kasi ang alam ko ay wala siyang pakeelam sa akin.

"Patawarin mo si papa ah? Di kita mapagtanggol" wala sa oras niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya.

"Hindi pa ok ang buhay ni papa eh, ililipat muna kita ng bahay o kaya sa apartment para hindi kana masaktan ng stepmom mo" pagpapaliwanag niya habang inaayos ang gamit na ginamit sa pang linis ng mga sugat ko.

"May pera sa card mo, nag lagay ako dun kahit papaano. Naka organize din yun para sa mga tuition at pang gastos mo sa araw araw" sabi niya at tumingin sa akin kaya napatingin din ako kay papa at tinitigan siya.

Ngumiti siya ng may lungkot sa kanyang mga labi at pinahid ang luha kong natulo sa aking mga pisngi.

"Sorry anak huh? Mag impake kana, aalis na tayo mamaya" umiiyak na din niyang sabi kaya napayakap ako sa kanya at humagulhol ng iyak sa kanyang mga braso.

Ilang minuto na ganun ang pwesto namin ni papa hanggang sa kumalma kami parehas. Hindi naman ako againts sa desisyon niya kaya pumayag na rin ako. Nag impake na ako at dinala lahat ng mga kailangan ko at bumaba na.

"Papa, ready na ako" sabi ko sa kanya habang tinititigan niya ang buwan.

"Namimiss mo na siguro siya?" sabi niya at napatingin sa akin kaya napatingin din ako kay papa ng naguguluhan look.

"Tara na, baka gabihin tayo" may halakhak niyang sabi habang buhat buhat ang aking mga maleta na nilagay sa likod ng aming sasakyan. Pumasok na ako sa loob at sumunod nadin si papa at umalis na kami ng hindi alam ng stepmom ko.

"Papa, saan ako titira?" tanong ko kay papa habang tinatanaw ang madilim na daan sa labas.

"Basta, matutuwa ka" yun nalang ang sinabi niya at hindi na ako nagtanong pa.

Nakatulog na din ako dahil malayo layo pa daw ang byahe namin. Maya maya, nagising nalang ako dahil sa pagtahol ng mga aso sa labas.

"Anak andito na tayo" bulong niya sa akin at lumabas na para kuhanin ang aking mga maleta.

Lumabas na din ako ng kotse at namalayan ko na nasa isang subdivision kami kaya naging kampante ang loob ko. Sinundan ko nalang si papa hanggang sa makarating kami sa apartment ko. Pagpasok namin ay napa-wow nalang ako sa ganda.

"Wow ang laki" may pag hanga kong sabi sabay libot sa buong lugar.

"Pero papa, hindi ba mahal to?" tanong ko bigla kasi nakonsensya ako na may kamahalan ang apartment na ito.

"Anak, alam mo namang madami tayong ipon" sabay ngiti habang nag hahanda si papa ng hapunan.

"Mag-ayos ka na ng gamit mo sa kwarto mo at kumain na tayo. Malapit na itong maluto" sabi niya habang naghihiwa ng sibuyas kaya nagsimula narin akong kuhanin ang aking maleta.

Habang pataas ako, hindi sinasadyang mapatingin ako sa bintana sa may hagdanan nang makita ko ang isang lalaki na nakaupo sa bench at nakatitig sa buwan hawak hawak ang dalawang aso na nakaupo katulad rin niya. Hindi ko namalayan na kinuhanan ko ito ng litrato at napangiti nalang ako sa aking sarili dahil sa aking kakaibang nararamdaman.

+ 01 ⸽ 💛 ﹚ UNENDING, ARROW!¡

My Precious Time Of YoursWhere stories live. Discover now