CHAPTER 26

3.5K 104 11
                                    

CHAPTER 26

JHIANNE POV

"Sissy." Napalingon ako nang tawagin ako ni Kate Lyn.

Ano na naman kayang kailangan nito sa 'kin?

"Bakit?" Tanong ko.

"I need your help." Sabi niya at umupo sa tabi ko. Nandito kami sa kubo. 'Yung iba ayun, nagswiswimming.

"Bakit mo naman kailangan ng tulong ko?" Takang tanong ko.

"Ahm, nevermind na nga lang pala, Sissy hehe. Babye, alis na 'ko." Sabi niya at umalis na nga. Napailing na lang ako sa ginawa niya.

Problema no'n?

Pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa ko na naputol dahil kay Kate Lyn, pero naalala ko bigla 'yung kahapon. No'ng pumunta kami sa isla.

Napakaganda doon. Napakasarap pa ng hangin. Napakaganda ng isla talaga.

Pero hindi mawala sa isip ko ang mga narinig ko habang nasa isla kami kahapon.

Pagbaba namin sa yacht ay nagmamadaling nagtatatakbo ako. Ang ganda dito.

Hindi ko alintana ang namamaga kong paa nang tumakbo ako. Hindi ko naramdaman ang pagkirot ng paa ko dahil sa ginawa kong pagtakbo.

Masyado nga kasi akong nagandahan sa isla para maramdaman pa 'yon. Mamaya siguro.

"Hey, be careful! Hindi pa magaling 'yung paa mo!" Nag-aalalang sigaw ni Axel sa 'kin, pero hindi ko siya pinansin. Hindi na rin kasi ako naka saklay kaya nagawa ko ng tumakbo.

Natatawa lang naman sa 'kin 'yung mga kaibigan ko pati na rin sila Kuya James. Para kasing first time ko lang nakalabas ng bahay.

Habang iginagala kami dito sa isla ay hindi ko talaga maiwasan na lingunin bawat madaanan namin, napakaganda kasi talaga.

Kapag may pera na 'ko, babalik ako ulit dito.

Natigil lang kami sa pag-iikot dito sa isla nang kailangang bumalik ni Mang Nestor sa yacht dahil may biglaan daw na nangyare kaya ayun, babalikan na lang daw niya kami dito.

Sana all binabalikan, chos.

Nang makaalis na sila ay nagpasya akong mag-ikot mag-isa dito sa isla, hindi naman ako lalayo, eh.

Nandiyan lang naman sila, eh. Hindi naman siguro sila aalis diyan. Bago pa man ako makalayo sa lugar kung saan sila nagpapahinga, eh nagdesisyon na 'kong bumalik.

Pero hindi pa man ako tuluyang nakakaalis sa lugar na pinagpasyalan ko ay may narinig akong nag-uusap.

Dahil nacurious ako, hinanap ko 'yun at ng makita ko ay nagtago ako sa hindi nila ako makikita.

Dalawang lalaki silang nag-uusap, nacurious ako bigla sa kanila. Sino sila?

Ang sabi kasi sa 'min ni Mang Nestor ay kami kami lang ang nandito kaya nagtataka ako kung bakit nandito 'yang dalawang 'yan.

Hindi naman namin sila kasama ng nagpunta kami dito kaya imposibleng trabahador sila sa isla na 'to.

Aalis na sana ako pero natigil 'yon nang marinig ko ang sinabi nilang apelyido na Smith.

I'm The Real Sister Of The Smith BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon