CHAPTER 38

2.9K 83 5
                                    

CHAPTER 38

JHIANNE POV

Hayst, it's monday na naman po. May pasok na naman.

Alam niyo ba na ang saya ko no'ng nagbonding kami nila Kuya James sa Amusement Park?

Sorry, paulit ulit ako.

Sabi nila na sa sunod weekend, eh Enchanted Kingdom naman ang pupuntahan namin.

Mas maganda raw kasi doon, mas marami daw kaming masasakyan. Dahil do'n ay naexcite ako. Hindi na 'ko makapaghintay na mag weekend.

"Ma!" Sigaw ko nang makababa ako galing sa kwarto ko. Wala naman na si Papa kaya pwede na 'kong sumigaw.

"Ano ba 'yon? Bakit ba nasigaw ka?" Asar na tanong ni Mama. Galing siyang kusina, eh. Natawa na lang ako tsaka siya nilapitan at niyakap.

"Good morning sa pinakamaganda kong Mama." Naglalambing na sabi ko sa kaniya kaya natawa siya.

"Good morning din sa pinaka cute kong dalaga." Napasimangot naman ako dahil cute daw ako. So hindi ako maganda, gano'n?

Charot lang, cute naman talaga ako, eh, 'di ba? 'Di ba? Tsaka maganda din ako, eh. Wala kang pake, tseh, char.

"Oh, bakit nakasimangot ka na?" Takang tanong ni mama.

"Wala hehe. Ano pa lang almusal, Ma?" Tanong ko at naglakad na kami papunta sa dining.

"Of course, your favorite." Nakangiting sabi ni Mama.

Pagtingin ko sa lamesa, eh may cornbeef with patatas 'yung nandoon. Napangiti naman ako. Wah, my favorite.

"Mapapadami ata 'yung
kain ko ngayon, ah." Sabi ko habang nakuha na ng kanin at ulam.

"Ikaw talaga. Sige na, aalis na ' ko. Mag-iingat ka papunta sa school mo, ah?" Sabi ni Mama at ginulo ang buhok ko.

"Yes po, kayo din po, ingat."

"Yes naman. Sige na, bye. Labyu."

"Labyu too."

"Labyu, my pretty mother." Dugtong ko at natawa kami.

May pupuntahan daw kasi siya ngayon kaya kailangan niya ng umalis.

Pag-alis ni Mama, eh kumain na 'ko. Nasa kalagitnaan na 'ko ng pagkain ko nang pumasok si Beshie.

"Beshie!" Rinig kong tawag sa 'kin ni Beshie. Ang lakas ng boses nitong babaeng 'to.

"Oh, bakit?" Tanong ko pagkatapos kong inumin 'yung tubig ko. Naupo naman siya sa tabi ko.

"Wala lang hehe. Ang tagal mo kasi eh. Penge ako, ah?" Sabi niya sabay kuha na ng plato at nagsandok na siya.

Natatawang napailing na lang ako. Ganiyan talaga kaming dalawa.

Hinintay ko naman siyang matapos dahil nauna akong matapos kumain at nang matapos na siyang kumain, eh umalis na kami sa bahay. Tulad ng dati nag bike kami papunta sa school.

Pagdating namin sa school, eh marami pang studyante ang nasa labas dahil hindi pa nag-uumpisa 'yung klase.

Naglalakad na kami ni Beshie sa corridor nang makasalubong namin sila Kuya James.

I'm The Real Sister Of The Smith BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon