CHAPTER 64

2.9K 79 2
                                    

CHAPTER 64

JHIANNE POV

Apat na araw na nang makalabas ako ng hospital pero si Beshie after 1 week pa siya makalalabas ng hospital.

So tulad ng sinabi ko sa kanila nang nasa hospital pa 'ko ay kakausapin ko sila, sila Kuya kaya nandito ako ngayon sa restaurant kung saan ko rin kinausap sila Beshie.

Pero siyempre, hindi ko rin sinabi sa kanila na ako 'yung kikitain nila dito, noh para fair.

Lakas ng topak ko.

Pero sa pagkakataon na 'to ay ako ang nauna sa kanilang dumating. Hinihintay ko na lang sila.

Sinabi kong sabay-sabay silang pumunta dito, wala dapat mal-late.

Nakatalikod ako sa pintuan kung saan sila papasok. Naka cross legs lang ako habang hinihintay sila. Bale pagpasok na pagpasok nila ay likod ko ang bubungad sa kanila.

Pinapaikot ko lang 'yung tinidor na hawak ko sa daliri ko habang hinihintay sila. Tiningnan ko 'yung suot kong relo at nagbilang ng makita ko ang oras. Siyempre, pinapaikot ko pa rin 'yung tinidor na hawak ko sa daliri ko.

"5."

"4."

"3."

"2."

"1."

Pagtapos ng bilang ko ay siya ring pagbukas ng pinto kaya napangiti ako. Nakangiting hinarap ko sila at gulat agad ang nakita ko sa mga mukha nila. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko para maharap sila.

"Yown, sakto." Sabi ko habang nakangiti.

Umayos ako nang upo, na mukha nila ang makikita ko, hindi 'yung katulad kanina at binitawan muna 'yung tinidor na kanina ko pa pinapaikot sa daliri ko.

"Have a sit." Sabi ko at nang matauhan sila ay nagsiupuan na nga sila. Kasama na ako do'n, siyempre.

Nakikita ko pa rin sa kanila ang gulat at excitement. Halo halong emosyon. Pinakuha ko na muna 'yung inorder kong food bago ako nagsalita.

"So kumusta?" Tanong ko sa kanila na para bang tropa ko lang sila.

Kumpleto sila. Nandito sila Kuya, sila Mommy at Daddy pati na rin si Mama na Mama ni Kate Lyn, basta complete.

"We're fine, how about you?" Kalmadong tanong ni Kuya James.

Sumubo muna ako ng kinakain namin bago sinandal ang likod ko sa upuan. Pinagcross ko pa ang mga kamay ko sa ibaba ng dibdib ko.

"Hmm, I'm fine." Simpleng sabi ko lang pero siyempre, hindi ko sinabi 'yung nabaril ako sa balikat. Alam nila Kuya 'yon, siyempre nando'n sila sa hospital, eh at sa lugar kung saan ako nabaril. May benda pa ako sa balikat pero nakatago sa suot kong damit kaya hindi makita nila Mama.

Okay naman na 'yon, daplis lang naman, eh. Akala ko nga bumaon din pati bala, buti na lang hindi pero siyempre, masakit pa rin. Try ko sa inyo tas tanungin ko kayo kung masakit.

Gusto niyo?

"Nagbago ka na." Singit ni Mama. Hindi naman siya patanong.

"Not really." Sagot ko rin, hindi naman na siya nagsalita pa kaya nagsimula na kaming kumain nang tahimik. Ang awkward, promise.

"Anak, we're sorry about what happened–" Agad kong tinaas ang kamay ko kaya napatigil si Mom sa gusto niyang sabihin.

"Its okay, Mom. Let's forget about it. Napatawad ko na kayo kahit hindi pa kayo nahingi ng tawad sa 'kin." Nakangiting sabi ko. Nanlaki naman ang mata ni Mom, mukhang hindi niya inaasahan ang sinabi ko.

I'm The Real Sister Of The Smith BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon