Natigalgal ako nang makaalis siya. I even pulled my hair out of embarrassment. Kaya pala iwas na iwas siyang tumingin sa katawan ko. Ang akala ko naman ay sadyang napako lamang ang tingin niya sa aking mukha dahil maganda ako!
Masyado akong excited mag-make up kanina kaya hindi na ako nakapagsuot ng bra bago bumaba. Hindi naman kasi talaga ako nagsusuot no'n kung hindi naman ako lalabas ng kwarto.
Humarap ako sa salamin at tinignan ang aking sarili. I'm wearing oversized shirt and a cycling. Malaki ang damit ko pero bakat pa rin talaga!
Hindi rin pala talaga maganda ang mayroong hinaharap.
Kita ko sa salamin ang pamumula ng aking pisngi.
"Ah!" I groaned. "Nakakahiya ka, Ziny!" sigaw ko sa aking sarili.
Ang gwapo pa naman ng lalaki kanina. At, talagang napakataas pa ng confidence ko para magbiro, at napakayabang ko pa sa aking sarili!
Kinuha ko na lamang ang aking phone para maibalita kay Isha ang nangyari.
Nakakahiya ako ngayong araw at ang aga-aga pa talaga umiral ng katangahan ko.
"Ano? Gwapo?" bungad niya.
"Yeah," I nodded as if she will see me.
"Binastos ka ba, huh?!"
"Hindi," umiling ako, bahagyang natatawa dahil para siyang nanay na nag-aalala sa anak.
"Ayos lang naman ako. He did not touch me. He did not do sensual things to me. Sadyang nahihiya lang talaga ako. Hanggang ngayon, kahit pa wala na siya rito!"
Narinig ko ang paghinga niya sa kabilang linya, as if she was relieved. "Buti naman," she said. "Hindi mo naman na siguro makikita pa ulit ang lalaking iyon."
"Ano ka ba, Isha?" I laughed. "Gusto ko pa nga siyang makita pero huwag muna ngayon dahil hindi pa ako maka-get over sa nangyari."
"And, why do you want to see him?" she teased.
I giggled. "Crush ko na yata, beh."
Narinig ko ang malakas na tawa niya. "Order ka ulit para makita mo siya, pero sana naman ay mag-ingat ka. 'Wag mo naman hayaang makita niya ang private parts mo, baka naman sa susunod ay makalimutan mong mag-panty." She laughed.
"Wala nga rin akong panty kanina," pag-amin ko.
Ano ba kasi ang magagawa ko, eh nakalimutan ko nga! Hindi naman kasi talaga ako nagsusuot ng underwear, lalo na't kaming dalawa lang ni Zyme sa bahay, umalis pa yata siya nang maaga ngayon.
"What?" gulat na tanong niya bago natawang muli. "Mag-ingat ka nga. Baka mamaya sa susunod ay iba na ang mag-deliver."
Tumawa ako. "Mag-iingat na nga, sabi ko nga." I sighed.
"Sige na, ibababa ko na."
Tumango ako na para bang makikita niya ako. Nang matapos ang call ay muli akong natawa sa aking sarili. Mababaliw na yata ako dahil sa pangyayaring iyon!
Kumunot ang noo ko nang maalala ang sinabi ng lalaki. Nabanggit niya bang magagalit ang boyfriend ko? Sino naman ang boyfriend ko? Duh! I'm single and ready to flirt!
Kinalma ko ang aking sarili at saka binuksan ang paper bag para ma-check ko kung goods ba ang mga damit. Ngunit bago iyon ay tinignan ko muna ulit ang model na nakita namin ni Cas, iyong gwapo.
"Talaga bang gwapo lahat ang kinukuha nila sa shop na 'to?" parang tangang tanong ko habang busy pa rin sa pag-scroll. "Grabe, ah," I chuckled. "Pati ang delivery boy ay lintik din sa kagwapuhan. Wala man lang sa kalingkingan ng ex kong manloloko."

BINABASA MO ANG
Unleash the Justice (Vitality Series #2) |
RomanceVS#2 (No portrayers intended) Ziny was known for being the daughter of the Mayor in their province. A woman who's always being predicted and controlled by her parents. This woman has no freedom at all. She's not like what others expecting; not geniu...