From: My Love...

1.7K 58 16
                                    




TANCH'S POV





"Loveeeeeee!? SARAHHHHH! PLEASE.... DON'T LEAVE ME............!"

















"mommy! Wake up! Please....! you're  dreamin'...please wake upppp..."

rinig kong tawag sa akin ni davi. dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at napagtantong umaga na pala.  Agad kong napansin ang mga luha sa pisngi ko at agad na pinunasan ito. Hanggang ngayon, hingal na hingal parin ako dahil sa pag-iyak...

"Mommy are you okay?! Are you hurt?! Why are you cryin'?" sabay sabay na tanong sakin ni davi. Bigla kong naalala ang masama kong panaginip kanina...Si Sarah? Asan sya?

Agad kong tiningnan sa tabi ko kung tulog lang ba sya...

pero tanging kami lang ni davi ang nandito sa kama.

Kinakabahan ako, totoo kayang panaginip lang ang lahat?. Medyo napahawak ako sa ulo ko ng biglang sumakit ito..at...nag si-sink in sa utak ko ang eksena sa panaginip ko. masyadong masakit sa puso ang lahat na parang di ko kakayanin...

"mommy? speak up please? I'm so worried na po" davi said ng makita nyang nakasabunot parin ako sa buhok ko. Ni Hindi ko rin sya masagot. Sobrang sakit talaga ng ulo ko.

"By the way mommy? Did you and mamu fight last night?"



Bigla akong napatingin sa anak ko..








"and.......where is she?"








Nalilito akong tinitigan lang ang anak ko.
Lumihis ang mata ko sa mga gamit na nakakalat sa kwarto...at may isang bagay na hinahanap ang mga mata ko, ang maleta. Nawawala ang malaking maleta sa kinalalagyan nito..








Hi-hindi kaya?








Oh my God.







Please....No.






lord wag naman po sana..





Bigla akong napabalikwas sa higaan at agad na nagsuot ng tsinelas.

Natigilan ako sandali sa pagkakatayo ko. hindi ko alam pero hindi ko mahakbang ang mga paa ko. Hindi ko alam ang madadatnan ko sa likod ng pinto.
pero  gusto kong malaman kung totoo nga ang lahat, kaya pa unti unting humakbang ang mga paa ko  papunta sa may pinto. Nanginginig ang kamay kong pinihit ang doorknob na tila ba'y nagdadalawang isip akong buksan ito. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at tumambad sa harap ko ang makalat at sira sirang mga gamit sa sala.

Nanlulumo ang puso't isip ko sa mga nakikita ko ngayon. Nanghihina ang mga tuhod ko. Agad akong napahawak sa frame ng pinto dahil dito.

Gusto kong maglumpasay! Gusto kong saktan ang sarili ko! gusto kong mamatay na lang! gustong gusto kong mawala na lang sa mga oras na ito ng hindi ko na maramdaman ang sakit...










Hindi ako makapaniwala...









Hi-hindi ito...hindi to maaari...








Kung gayon...hindi pala panaginip ang lahat?








Lord? Hindi ko maintindihan!











Andaming tanong sa utak ko. Naguguluhan ako.. Masyadong mabilis ang mga pangyayari.

Ang alam ko, panaginip lang ang lahat. Akala ko hindi totoong nangyari yun..na ang akala koy pagkagising ko, okay lang lahat...na anjan lang sya.












pero mukang mali ako.

napaupo ako sa sahig dahil hindi Ko na kaya ang sakit sa puso ko. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko..jusko ano nang gagawin ko..hindi ko na alam..ang mga luha koy nag-uunahan na rin sa pag-agos..

"mommy!" agad na pinuntuhan ako ni davi at pilit na pinapatayo, pero wala akong lakas. wala na 'kong lakas...paano na?

"mommyyyy.." umiiyak na rin si davi. naaawa man ako sa kanya, pero wala akong lakas na patahanin sya, kaya yinakap ko sya at parehas kaming nagdadalamhati ngayon..









Asan ka na ba ngayon sarah?






Tuluyan mo na ba kaming iniwan ng anak mo?








"davi anak? can you please get mommy's phone?" garalgal kong pakiusap sa kanya.

"okay mom." pagkuway tumayo ito at nagpunas ng mga luha. Naglakad ito papunta sa kama at kinuha ang phone ko.

Dahan dahan naman akong tumayo galing sa pagkakaupo. Halos mabinat na ko't nakahawak parin sa frame ng door...medyo nahihilo ako at masakit ang ulo. Ini abot sakin ni davi ang phone ko.

Hindi ko mawari ang kung anong mararamdaman ko ng ma open ko ang phone...

Dahil sa umagang iyon, habang maririnig sa labas ang mga huni ng ibon...
Na mararamdaman ang lamig ng ihip ng hangin...
Na matatanaw sa labas ang pausbong na kay gandang araw.....

ay sya namang pagkabasa ko ng isang mensaheng guguho sa mundo ko.











From: MyLove😘

"Malaya ka na."











******
Hi i'm backkkkkk gays🙂

Hahaha na budol ba kayo? Ako rin e hahaha

anyways, Sorry ngayon lang UD ko hihiz  medyo busy eh🙄

Bitin ngayon episode ko pero agad din naman tong masusundan..tiwala lang makakausad din tayo gays yow!
Haha😂

SA'YONG MUNDOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon