Somebody that I used to know

801 46 9
                                    


     Inayos ko ang suot ko at huminga ng malalim bago pumasok sa bahay ni Tanch. Na miss ko dito.

Alam kong malapit ng mag alas dies kaya nagdala na lang ako ng chocolate para kay tanch at toys pasalubong alay para sa anak ko.

Dala ko rin ang dalawang bouquet of roses para kay mommy tess and tanch. Nanginginig man ang tuhod ko sa kaba, pero dahil gusto ko nang mabuo ang pamilya ko handa akong lumuhod sa kanila at humingi pang bigyan ng isang pagkakataon para maayos ang lahat. Papatunayan kong nagbago na ako at di ko na sila iiwan. Ako ang karapat-dapat kay Tanchellie kaya naman gagawoin ko ang lahat para lang mapatawad nya ko.

Wala silang ka malay-malay na pupunta ako ngayon dito kaya tiyak magugulat ang mga iyon.

Andito nako sa tapat ng pinto nila kaya naman parang sasabog ang puso ko sa kaba. Sa wakas makakapiling ko na rin sila. Pero...


Kinakabahan talaga ako. Mahaba-habang suyuan to!




------------------





Tanch Pov



"PUT***NA!" gulat na gulat syang napamura ng may kumatok sa may labas.

"Bilisan mo kaya dyan, ikaw nalang ang hinihinatay sa mesa" ani ng ina nyang halatang gutom na nga.

"Mauna na kayo my, sunod na lang ako"

"Ano ka ba Che Ann, para saan pa yung pghihintay namin ng kaytagal sayo kung mauuna rin kaming kakain? Aber?"

Sa isip isip nya, natatawa sya dahil naghihinatay pala ang mga ito sa kanya habang syang nagmumuni muni pa sa loob ng banyo.


"Edi magtiis kayo my..." Asar nya sa ina.


Nagagawa nya ng ngumiti ngayon dahil sa Pag-asang baka bumalik na nga si sarah.


"Dali na Tanchellie, nakakahiya sa bisita natin" nagulat sya at napataas pa ang kilay ng marinig ang sinabi ng ina.


"Sino yun my?" Hindi nya alam pero bat ang lakas ng tibok ng puso nya.








KUMAKABOG AT GUSTONG KUMAWALA SA DIBDIB NYA.









"Syempre kilala mo, kilalang kilala mo."








Dahan-dahang lumaki ang mga mata nya sa sinabi ng ina. Hindi sya makapaniwala. Tila ba'y nagdiriwang ang kanyang mga pulso na baka nga ito na ang kanyang hinihintay.





Ikaw na ba yan mahal?










"My pakisabi magbibihis lang ako sandali, sandali lang talaga to myyyy!" Di nya mapigilan ang sariling hindi kiligin. Tuwang tuwa ang puso nya sa mga sandaling ito.



"Bilisan mo nahhh" pagkasabi nito'y narinig na nya na lumabas na ito ng kwarto.


Dali dali naman syang lumabas ng banyo ng nakatuwalya pa at basang basa.




Aysh! Ano bang dapat kung suotin?!  





Natataranta syang nagsusukat ng mga damit habang nagpaikot-ikot sa harap ng salamin.
At Sa sobrang saya nya ngayon, ang mga ngiti nya'y umabot na sa likod ng ulo nya.






Ito kaya? Ay pangit!




Oh ito? Yaks para naman akong madre nyan!






SA'YONG MUNDOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon