misery

860 44 15
                                    

(play mo yung song while reading. Enjoy!)




Mommy Tess POV*


Nabigla ako ng mabungaran ko ang sitwasyon ni Tanch ngayon. Halos walang tigil itong umiiyak sa sahig habang nakayakap sa anak nya. Ni minsan hindi ko sya nakitang nagka ganito sa mga naging karelasyon nya...at bilang magulang, sobrang sakit makitang nagkaka ganito ang anak.

Bandang Alas Sais kanina ng umaga habang nag kakape ako, may tumawag sa phone ko at nag expect akong si tanch ito dahil ito ang naka pangalan sa caller I.D, pero nagtaka akong imbis na si tanch ang magsalita, si davi ang naka usap ko.

Umiiyak itong nagsumbong sa akin na nag away daw ang mga magulang nya. Naririnig ko ang mga paghikbi ni tanch na para bang namatayan. Agad akong nag bihis upang puntahan ang kinaroroonan ng mag-ina. Sa ka mamadali ko, halos di ko na alam kung san ba nakalagay ang susi ng kotse. Muntik pa ko maligaw dito sa maynila. Paano ba kasi, bagong lipat lang kami dito ni kiana sa bahay na binili nila tanch para sa amin. Medyo malayo sa condo nila pero okay lang.

"Tanch anak, please tumayo ka na dyan, malamig ang sahig oh, magkakasakit ka nyan, paano nalang si davi kung pati ikaw mawawala rin?..." ani ko ng ayaw parin paawat sa pag iyak si tanch habang nakaluhod sa sahig.

"please anak.."

"my?...sabihin mo nga sakin, ano bang kulang sakin? Ginawa ko naman ang lahat diba? naging mabuting asawa naman ako sa kanya.
diba My? pinagsisihan ko naman yung pag cheat ko sa kanya dati. May kulang pa ba?" wala pa ring sawang pag iyak at pag pukpok ng kamao nito sa sariling dibdib.

"Ba't wala na sya my? Ba't sya sumuko? Ba't nya kami sinukuan my? Ba't nya ko sinukuan? Di ko maintindihan my, ayoko na...
Di ko na kaya, nasasaktan ako...
my ansakit sakit..."

"my, wala ng saysay ang buhay ko. Wala na my, wala na, wala na sya..."

Ikinuyom nito ang mga kamao at dahan dahang inilapat sa sariling dibdib na tila ba kamo'y sinasamsam ang sakit sa kaloob-looban ng puso.

Naawa sya sa kalagayan ng anak, mismong sya ay di alam ang gagawin. Napaka sakit para magulang ang makitang naghihinagpis sa sakit ang anak, na tila ba'y wala syang magawa upang pagaanin ang loob ng anak.

Sa kung ano'y bigla na lamang itong tumayo at dumiretsyo ng kusina, kaya naman agad nya ito pinaka sinundan.

"tanch! Anong gagawin mo?!"

"My!? Ano ka ba? Ngayon ang dating ni sarah galing sa flight nya"

nanginginig pa nitong dinampot ang loaf bread at nilagyan ng palaman. Humihikbi pa rin itong naka ngiti. Magang maga at Pulang pula ang mga mata nitong pinaka titigan sya.

"ano na my?! Halika na paghanda na natin si sarah ng snacks nya, tyak gutom yun" natataranta itong hinahanda ang mga gagamitin sa pagluluto, pa ikot-ikot sa kusina at hindi mapakali.

Nilapitan nya ang anak at niyakap.

"anak? Tama na please, wag mo nang lokohin ang sarili mo... Hindi na darating pa si sarah"

"My!? Ano ka ba! Darating si sarah ngayon! My! Bitawan mo ko! " pagpupumiglas nitong pag'iyak sa kanyang yakap. Paos na paos at hingal na hingal "my...bitawan mo ko. Mag hahanda akong pagkain nya my..." walang awat parin itong nagpupumiglas.

"anak tama na please..."

"my! May nag doorbell na, baka sya na yan my...bitawan mo ko! Davi anak!?" pag tawag nito sa anak na si davi. Agad itong pumasok ng kusinang umiiyak.

"mommy... Please stop it. she's gone. mamu's gone..."

ng masaksihan ni tanch ang sinabi ng anak, natauhan ito at natulalang pinagmasdan ang loob ng bahay. Kitang kita nya ang mga Sira-sirang kagamitan sa loob.
Dahil dito, napahandusay silang mag-ina dahil nawalan ito ng malay.

"anak! Jusko, anong gagawin ko?! Davi? Get my phone on the table please." hawak hawak parin nya si tanch na wala pa ring malay. kinakabahan sya kung anong mangyari sa anak.

"...sarah..."

Napatingin sya sa mukha ng anak, may mga luhang nagpapatakan mula sa mga nakapikit nitong mata. May kirot sa bawat pagbigkas ng pangalan ni sarah.

Sa sandaling iyon, ang tanging maririnig lamang sa loob ng tahanan ng pamilyang Garcia, ay ang mga paghikbi at pagsusumamo.... Ang pamilyang masaya noon, wala na ngayon.




Abangan....


"Hi love? Kanina ka pa jan?"

...hindi sya makapaniwalang na sa harap nya ang taong gustong gusto na nyang makita at mayakap...

"oh? Ba't parang naiiyak ka?"

Agad nya itong binigyan ng mahigpit na yakap.

"teka lang nasasakal ako love"

"san ka ba galing sarah? Ha? Damn it! Kala ko iniwan mo na ko"

Ang kaninang luhang pinipigilan nya ay kusa ng tumulo sa kanyang mga pisngi...

"ha? San ba ko nag punta? Nagluluto lang ako dito ah?"

"ewan ko sa yong bruha ka!" hindi nya mapigil ang nadaramang kay saya ng makita ng asawa.

"ha? Hindi ko talaga hmmmp-"

Pagkuwa'y di na nya ito hinyaan pang magsalita at binigyan ng mapusok na halik.

***
Sorry kung ngayon lang. May work ako eh, ba't ba? Hahaha sana na naman hinintay nyong pagbabalik ko. Salamat sa mga nag aantay! See ya'all!

SA'YONG MUNDOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon