Rosè POV
"Hi" nakangiti niyang sabi sakin.
"Hello" sabi ko sakanya ng nahihiya. Napansin ko naman si Irene Unnie na palipat lipat yung tingin samin. Maya maya ay bumalik na rin si Lisa at pinatong niya yung ulo niya sa balikat nito. Napansin ko naman si Suzy na nakatingin lang sa dalawang nasa harap namin habang si Jisoo at IU walang pake sa dalawa. Busy lang sila mag usap.
"Anong ginagawa niyo pala dito?" tanong ko sakanya at napansin ko nama na napataas siya ng kilay. Shit wrong move ba?
"Ah, si Jieun kasi nagyaya mag coffee. Sakto nandito pala kayo kaya ayun nakiupo na lang din kami." sagot niya sakin at parang nataranta naman ako kasi parang nalungkot siya sa sinabi ko.
"M-mabuti naman dito kayo napunta..... Na-na miss pa naman kita....." sabi ko sakanya at late na nag narealize ko yung huli kong sinabi dahil gulat na napatingin sakin si Lisa, Irene, Jisoo pati si IU.
Nakita ko naman yung tingin ni Jisoo sakin na nangaasar habang si Lisa at Irene ay gulat pa rin sa sinabi ko. Pagkatingin ko sa tabi ko ay nakayuko lang siya at di nagsasalita.
"Namiss rin kita...." rinig kong sabi niya dahilan para bumuka yung bibig ni Lisa at ngumiti si Jisoo at IU sa gilid.
"Ayyyy Jisoo, namiss kita. Namiss mo ba ko? Nako buti na lang talaga at nagkita tayo dito sa coffee shop. Tagal na rin kasi natin di nagkikita" sabi ni IU samin dahilan para mapatawa si Irene sa harapan.
"NAMISS nga rin kita kaya nga kita tinawag diba?" sabi naman ni Jisoo habang nakatingin sakin. Nakoo! Very wrong yung pagkakasabi ko nangaasar na naman sila :(
Napansin ko naman na natawa siya sa ginawa nung dalawa at lalo akong nagulat nung pinatong niya yung ulo niya sa balikat ko. Napansin ko naman si Lisa na naka smirk sa harapan ko habang si Irene na nakangiti lang habang nilalaro yung daliri ni Lisa. Wow sana all...
"Ang sakit ng ulo ko" mahinang sabi niya sapat lang para marinig ko. Alalang tumingin naman ako sakanya at nakita ko na nakapikit lang siya.
"Halaaa bakit? Hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi? Sorry na" sabi ko sakanya at narinig ko naman na tumawa si Lisa sa harapan ko dahilan para samaan ko siya ng tingin.
"Kasi kanina ka pang umaga nasa isip ko, nilagyan mo siguro ng gayuma yung kape ko kagabi no?" natatawa niyang sabi habang nakapikit siya.
"H-Hoyyyy! Anong gayuma ka diyan! Wala no!" inis na sabi ko sakanya at naramdaman ko naman na tumawa siya.
"Grabe Jieun ang sakit" rinig kong sabi ni Jisoo kaya napatingin naman kami nila Lisa sakanya. Tumingin naman sakanya si IU.
"Ang dami kasing langgam dito, kinagat ako" sabi niya at tumawa naman si Lisa at si Irene na nasa harapan namin. Maging si IU ay tumatawa rin, habang etong katabi ko ay nakapikit pa rin at nakapatong yung ulo sakin. Ugghhhh!!
"Soo!!!" inis na tawag ko sakanya at lumingon naman siya sakin. "Oh bakit na naman Chaeng? Ang highblood mo today ah? Meron ka ba?" tanong nito sakin at inirapan ko naman siya.
Nakita ko naman na nagtawanan na naman silang apat. Habang etong katabi ko inaasar na kami, wala pa rin siyang pake. Hays ka stress!
"Hello, ano po ulit additional order niyo?" tanong samin ng waiter at inalis na ni Suzy yung pagkakapatong ng ulo niya sa balikat ko at muling tumingin sakin.