1st Person's POV
WE'RE heading back towards the mansion when he suddenly asked.
"What's up with you and Mr. Salvaleon?" He seems serious, his gaze locked in front.
"He was my boss before my recent job. I was his secretary,"
"He seems fond of you," nilingon niya ako.
Wala sa sarili akong napalunok. "Bakit? May.. sinabi ba siya?" Kinakabahan kong tanong.
Matagal niya akong tiningnan bago iniwas ang tingin.
"Did he do something to you before you resigned?"
Hindi ko siya kinibo hanggang sa makauwi kami.
Pareho rin kaming natigilan nang tumambad sa harap namin ang mukhang bagong dating na si Lindsay, wearing a luxurious outfit. Red silk body con dress and hair with bun. She seems simple yet elegant. Ang galing niya talaga sa fashion.
Lumiwanag ang itsura niya nang makita si Luciel at nilapitan ito para mag beso.
"I didn't know you'd come,"
"Surprised?" Sinipat niya ako at bumati.
"Ms. Corvado, how are you?"
"Doing well, you?"
Hindi ko alam kung bakit parang tila nakakaramdam ako ng awkwardness kahit na parang normal lang naman sa kanya ang aura ng paligid.
Hindi ko naman alam kung anong score ng dalawa, ang sabi'y 'best of friend' pero nag m-make out. And I just kissed her 'friend'! Well, I mean he kissed me but whatever.
"Well, I'm now relieved ngayong nandito na kayo, dumating kasi kami at ang sabi lang ng mga katulong ay gumala nga kayong dalawa. I was shocked of course, I never thought Luciel Matthias would do such thing," ako lang ba? Nahihimigan ko yata ang sarkastikong tono niya. Nakangiti siya sa lalaki pero parang may gusto siyang sabihin.
So, I excused myself from them. Tinuon ko nalang ang pansin kay Zoren, hindi na ako mang iistorbo, para ngang gusto ko nalang din magpahinga.
Natigilan lang ako sa paglapit nang tuluyan kong makilala ang taong kausap niya dahil lumingon din ito sa akin.
Kaya imbes na kausapin si Zoren ay dire-diretso ang lakad ko at binati lang sila saka mabilis na umakyat at magkulong sa kwarto.
Bumaba lang ako nang maghapunan, tahimik ako dahil ang madalas na nag-uusap ay sila sila lang din na tungkol sa business nila. Hindi rin naman ako napapansin ni Luciel kaya tahimik lang ako.
Ang dahilan lang kaya hindi ako mapakali ay ang tatay niya, ramdam ko ang panunuri niya sakin, kaya nang kausapin niya ako ay halos mabulol ako sa pagsagot.
"Ziaren," tawag niya sakin.
"How old are you?""Mag t-twenty three po,"
"So you're 22," seryoso niyang sabi.
"O-opo."
"Where were you raised?" Tanong niya bago nagpatuloy sa pagkain.
"Pangasinan po," matagal uli bago siya sumagot. Napaplunok nalang ako at hindi na matuloy ang pagkain. They don't mind us tho, patuloy pa rin silang may sariling mundo.
"My daughter seems to like you so much, I heard you were in the same apartment?"
"Yes,"
"I wonder why," hindi ko nakuha ang ibig niyang sabihin don. May nahihinuha ako but it's not worth it.
YOU ARE READING
The Million Dollar Woman
RomanceThe continuation of the story. Before you read this kindly read the first few chapters of the story with my pen name ArtemissDy with the same title also. This is my second account, the other account can no longer be access. But my first story is sti...