Chapter 47

359 24 9
                                    

1st Person's POV

CHILLS running down from all over my body as I walk slowly to a room from where he is right now.

Hawak sa braso ang naramdaman ko bago hinarap si Kenshin Ryosei na nakangiti sa akin.

"You really look so bothered. I'm starting to doubt if you're just scared of him or you just like him that much,"

Tumikhim ako at iniwas ang tingin. Mamatay ka kakaisip, hiwaga sa akin ngayon kung bakit ambilis humupa ng inis ko sa kanya samantalang halos mamurder ko siya kanina sa isip ko.

Nauuna sa amin si Tris na nagbukas ng pinto bago kami tuluyang makapasok.

"I swear if you throw up inside of this room I'm going to make your Luciel clean up your mess, because he's the entire reason of your actions." Natawa ako nang maimagine ko bigla ang sinabi niya, muntik ko pa siyang mapalo at itulak.

Napigil ko lang ang pagngiti nang tuluyan na akong makaharap.

Nakaupo siya sa pinakadulo at nasa gitna, nagmumukha tuloy na pagmamay-ari niya ang lahat ng nandito sa aura at sa pag-upo niya pa lang.

Naglalaro ang daliri niya sa ilalim ng baba habang nakatitig sa kabuuan ko. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko at halos napigilan ko ang hininga dahilan para umawang ang bibig ko para sa hangin at magmukhang constipated sa harap niya, ang mga daliri ko naman ay mahigpit na naglalaro sa tiyan ko. Halos hindi ko na marinig ang paligid at hindi na rin makagalaw dahil sa titig niya, ni hindi ko na rin maiwas ang tingin kahit na nakita ko si Lindsay sa kaliwa niya at sa kanan ay si Mr. Salvaleon.

Malamig siyang nakatitig, pero hindi ko mapagilang mag-isip ng kung ano-ano, gusto kong tumakbo sa kanya pero gusto ko ring lumabas at mag walk-out at the same time.

Nakagat ko ang labi dahil sa lakas ng bugso ng damdamin na nararamdaman ko. I can't..

"Have a seat," pinutol ni Ryosei ang titigan namin nang mag salita siya.

Saan naman ako uupo? Anim lang kaming tao sa loob at ang dalawang option ko lang ay umupo sa tabi ni Lindsay o sa tabi ng Mr. Salvaleon.

Napansin ko si Lindsay na nagpapalit palit ang tingin sa aming tatlo ni Luciel at Kenshin. Mukhang malalim ang iniisip at nahihinuha, napansin ko rin na balot na balot na siya ngayon at ito ang unang beses na baliktad kami. Maigsi ang suot ko habang ang kanya ay naka puffed long-sleeves, long beige dress siya at kulot na din ang buhok at may kulay na, hindi gaya dati na bagsak at kulay itim.

Nilakad ko ang papunta sa katabing upuan ni Lindsay nang magsalita si Kenshin.

"Where are you going?"

"Having a seat? Ang sabi mo ay umupo?"

Ngumisi siya mula sa kabilang dulo na kaharap ni Luciel at hinila ang upuan sa kaliwa niya.

"What I mean is have this seat,"

Natigilan ako at nilingon si Luciel na kay Ryosei nakatingin, hindi ko masabi kung ano ang iniisip niya dahil mukha lang siyang inaantok ngayon.

Magdamag akong halos nakatulala habang nakikinig lang sa kanila, paminsan minsan ay tinatanong ako ni Kenshin Ryosei at doon lang nagsasalita. Sinusubukan kong makihalubilo kahit na iwas na iwas ang paningin ko sa kaliwa ko at hindi maiwasang mapatingin sa malayo.

Naka krus ang braso ko at nasa harap ang tingin nang tawagin ako ni Mr. Ryosei.

"What do you think about Ms. Berbal's suggestions? Ziaren?" tawag niya sa akin.

Mabagal kong inikot ang ulo ko at binaling sa bandang kaliwa kung saan makikita ko sila. Kanina pa walang kibo si Luciel, ni hindi ko siya narinig na magbigay ng opinyon.

The Million Dollar WomanWhere stories live. Discover now