"ZIAREN,"
Tawag niya. Dire-diretso akong pumasok sa bahay at pinuntahan si Auntie Chona sa kwarto.
"Nang?" Katok ko sa kwarto niya, naka ilang tawag pa ako.
Matagal bago niya buksan ang pinto at halatang kakagising niya lang.
"Auntie Cho, pasensya na po nagising ko kayo. Pakausap naman po sa taong nasa labas na umuwi na sya. Di ko po kasi maharap at baka po anong masabi ko."
Nanlaki ang mata niya sa kabila ng antok niyang itsura.
"Anong nangyari, ineng? Sino yun? Delikadong tao ba?"
Yes.
"Hindi po, si Luciel Ruego po yung nasa labas."
Nanlaki pa lalo ang mata niya.
"A-ano ang sasabihin ko?"
"Pauwiin nyo lang po. Sorry po manang late ko kayo ginising."
"Ay nako ikaw bata ka, o siya sige mag asikaso ka na dun sa itaas."
"Maraming salamat po."
Nang bumalik ako sa sala ay hindi ko na sya sinilip at mabilis na pumanhik sa itaas. Nahagilap ko lang sya saglit na nakapamulsang nakatayo sa pinto.
Agad akong naligo at nagbihis saka sinilip ang bintana.
Sa kanya kaya yung Rolls Royce? Nandoon pa iyon.
Bumalik ako sa higaan katabi si Lucille. Hawak-hawak ko ang libro at nagbabasa nang may kumatok.
Kinabahan ako. Hindi ko agad yun binuksan at nakiramdam muna.
"Hija, gising ka pa ba?"
Nang marinig ko si Auntie Chona ay saka lang ako tumayo at binuksan ang pinto.
"Hindi daw sya uuwi anak hangga't hindi mo siya kakausapin."
"Pakisabi po sa kanyang wala akong pake," sagot ko.
"Hija, ayokong mangialam pero concern lang ako, ano ba ang nangyari?"
"Wala ho, ayoko lang po siya kausapin. We don't need to." Ngumiti ako ng malaki para mabawasan ang alala niya.
"Oh sige pilitin ko nlang siyang umuwi."
"Thank you po, Nang." my awed face replied.
"Magpahinga ka na," ngiti niya.
"Matulog na rin ho kayo, pagtapos. Sabihin nyo nalang po na need nyo rin ng pahinga para makonsensya sya."
Sa pagod siguro ay nakatulog ako agad. Nang magising ay nagkaroon pako ng lakas agad na silipin ang bintana at makitang wala na doon yung sasakyan kagabi.
Sa kanya nga iyon.
Nang sinilip ko ang cellphone ay iilang mga messages ni Grey ang nasa inbox ko na naka unread. Inopen ko yun at nireplyan siya.
A response won't hurt.
"How's your date?"
"Hmm, it went well." Ngiti ko kay Irah.
We're currently having breakfast. Nasa harap ko sya at katabi ko ang anak na naka uniform na at ready pa skwelahan. Katabi niya naman sa kanan si Auntie Chona.
Ngumiwi siya sa sagot ko. "Is he more handsome than Luciel?"
Natameme ako at hindi agad nakasagot. Alangan namang sabihin kong oo? Edi sasabihin niya yun sa kapatid niya?
"Uhh hindi ko alam eh, I don't usually mind the looks."
"I wonder what he looks like," tila umangat ang mata niya na nag iimagine.
YOU ARE READING
The Million Dollar Woman
RomanceThe continuation of the story. Before you read this kindly read the first few chapters of the story with my pen name ArtemissDy with the same title also. This is my second account, the other account can no longer be access. But my first story is sti...