Chapter 27

726 16 4
                                    


IKA-APAT NA ARAW

VICE'S POV

Lumayo muna ako sakanila dahil gusto kong mapagisa hinahayaan ko lang ang aking mga paa kung saan ako nito dadalhin, at hindi ko alam kung bakit napunta ako sa hotel. Siguro ito na yun ito na ang tamang oras para kausapin siya.

Ika-apat na araw namin ngayon dito sa boracay at ngayon ko din kakausapin si ion dahil sa araw araw na nakikita ko siya mas minamahal ko siya at ayoko ng mawala siya ulit kaya gagawin ko na ang dapat matagal ko ng ginawa tanggap ko na din kung ano ang pwedeng mangyari.

Nasa elavator palang ako ngunit kinakabahan na ako hindi ko alam kung bakit, pero di ako pwede magpatalo sa kaba na ito kailangan ko ng makausap si ion dahil hindi ko na kayang nagkakaganito kami.

Kumatok ako sa pinto ng room nila, pero parang walang tao aalis na sana ako ng magbukas ito bigla nagulat ako dahil mukhang kagagaling niya lang sa pagligo.

"Ahm Hi, can we talk?" Nakayuko kong sambit sakanya. "Tungkol saan?" Pabalik niyang tanong. "About us?" Sagot ko. "Hmm, okay pasok ka muna magbibihis lang ako." Sambit niya at agad ng tumalikod, hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa buong katawan niya ang sexy niya pa din, mas lalong lumaki ang muscles niya ngayon.

"Mahal pa rin kita, Ion." Mahina kong saad sakanya. "Alam kong mahirap paniwalaan dahil sa mga nasabi ko noon sayo but believe me, walang nagbago mahal na mahal pa rin kita napangunahan lang ako ng takot, takot akong masaktan ka takot akong mahusgahan ka takot ako sa mga masasabi ng mga tao." dagdag at naiiyak kong sambit sakanya. "Kaya mas okay nalang na wala ako vice? kaysa ang harapin mo ang kinatatakutan mo hinayaan nalang ako ang mawala? bakit ganon ba talaga kababaw ang tingin mo sa pagmamahal ko sayo na iiwan kita kapag na-bash ako? ikaw? tayo? vice sinabi ko sayo na handa kitang ipaglaban pero hindi mo ko pinakinggan."mahinahon ngunit may galit niyang sambit, tama siya hinayaan kong mawala siya kaysa makawala ako sa takot, at ang tanga ko a part na yun.

"I'm sorry ion . i'm sorry , tayo nalang ulit please ayoko ng mawala ka ulit ako nalang ulit babe." umiiyak kung saad sakanya. "Hindi ko na kayang umiyak gabi gabi please bumalik ka na." dagdag ko sakanya. "Tinaboy mo ko, binalewala mo ko vice lahat ng panguunawa at pagmamahal binigay ko pero hindi naging sapat para ipaglaban mo ko."

"kagaya mo gabi gabi din naman ako umiiyak kasi masakit hindi madaling bitawan ang taong totoong nagmamahal sayo pero mahirap, mahirap din pala na sa kahit anong gawin mo hindi niya nakikita, hindi niya nabibigyang halaga. gabi gabi tinatanong ko ang sarili ko kung anong mali sakin kasi lahat naman binigay ko vice." sambit ni ion habang nakatingin sa bintana ng kwarto

"Natatakot akong balikan ka vice, baka masaktan ako ulit, baka ipagtabuyan mo ako ulit baka masayang ulit lahat ng effort ko, baka maubos na ako ng tuluyan." sambit nito na medyo naiiyak na din.

"No, please promise hindi na ulit mangyayari yun." sambit ko sakanya, at lumapit ako kay ion para maabot ang mukha niya dahan dahan ko itong hinawakan at iniharap sakin. "Look at me babe, tell me j-just tell me kung hindi mo na ako mahal lalayo na ako, ayoko ng mas pahirapan ka." sambit ko sakanya habang nakatingin sa mga mata niya.

"Mahal pa rin kita vice, pero hindi ko maiwasang hndi masaktan sa tuwing nakikita kita." Malungkot niyang saad. "Please, last chance ion I can't afford to lose you again hindi ko kakayanin alam kong nagkamali akong hayaan ka at balewalain ka I'm sorry hayaan mo akong bumawi please.

I Fell Inlove With Kuya EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon