Chapter 40

458 13 1
                                    

ION'S POV

Habang nagsasalita ako sa mga mata niya lang ako nakatingin dahil gusto ko sa bawat sinasabi ko nakikita ko ang reaksyon niya at masaya ako dahil nakikita ko at nararamdaman kung masaya siya.

"Kanina umalis ako ng maaga sa bahay dahil pumunta ako sa bahay ni nanay rosario para hingin ang kamay ng nagiisang tutoy nila, ang sabi ni nanay nasayo ang sagot kaya ngayon nais kung malaman mo na mahal na mahal kita at sa itatanong ko sana'y umOO ka." Nakangiti kong sambit at nakikita kong naluluha na siya, kaya naman hindi ko na pinatagal at tinawag ko na sila kuya vhong na umakyat sa stage at isa isa silang humilera at may bit bit na nakasulat ang tanong na matagal ko ng gustong itanong sa nagiisang vice ganda.

WILL YOU MARRY ME?

Nang itaas nila yun ang lahat sa loob ay nagulat ang iba sa audience at tumitili na, pero mas importante ang sagot ng mahal ko. Muli akong lumuhod sa harao niya hawak ang singsing. "Jose marie viceral mahal na mahal kita sana pahintulutan mo ako makasama ka habang buhay at samahan akong mangako sa harap ng diyos, mahal ko will you marry me?" Masaya kung tanong sakanya, hindi agad siyang nakasagot ngunit alam kong masaya siya dahil nakikita ko yun sa mga mata niya.

"Oo mahal ko, Oo ang sagot, ikaw lang ang lalaking nais kong makasama habambuhay at nais mahalin habang ako ay nabubuhay mahal na mahal kita aking benigno." Masaya niyang sagot at hindi ko mapigilang umiyak sa saya gusto ko mang halikan ang kanyang labi ngunit hindi pwede dahil kami ay nasa tv at may mga bata sa audience kaya naman sa noo niya na lamang ako humalik, niyakap ko siya ng mahigpit.

"Thank you, mahal ko salamat din sa panginoon dahil sayo niya ako itinadhana." Masaya kong sambit at muling yumakap sakanya.

Nakita ko din ang mga tao sa paligid na masaya para sa'min lalo na ang mga kaibigan namin, lahat sila nagsilapitan at niyakap kami ng mahigpit nagpasalamat din ako sakanila dahil hindi naman to mangyayari kundi dahil sakanila.

VICE'S POV

Hindi ako makapaniwala sa nangyayari pero sobrang saya ko dahil ikakasal na ako at kay ion yun si ion na mahal na mahal ko nagpapasalamat ako sa panginoon dahil benigyan niya ako ng isang ion perez.

"I love you, babe! mahal na mahal kita handa na ako maging asawa mo kagaya mo mamahalin at aalagan kita sa abot ng makakaya ko." Masaya kong saad sakaniya at yumakap.

Masayang masaya ako dahil, marami ang tumanggap sa'min, masaya ako na masaya ang mga kaibigan namin para sa'min masaya ako na tanggap kami ng mga boss at masaya ako dahil tinanggap kami ng buong puso ng aming audience at mga fans.

Wala ng mas sasaya sa araw na to, nakita ko ding umakyat sa stage ang pamilya ko, pati na rin ang pamilya ni ion at masaya kaming binati. Grabe hindi ko inakalang mangyayari ito sa'kin isa na nga siguro ako sa pinakaswerte sa buong mundo dahil nakahanap ako ng taong mamahalin ako kung ano at sino ako.

THE END.

I Fell Inlove With Kuya EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon