Chapter 39

420 14 0
                                    

VICE'S POV

Maagang umalis si ion dahil may dadaanan daw siya bago pumasok sa showtime, nagaayos na din ako binilhan nga pala ako ni ion ng dress sabi niya ito ang suotin ko infairness naman maganda white dress na hindi ganon kaikli at haba ung sakto lang, ewan ko ba hindi ko alam kung bat niya ako pinagd-dress dahil ba lagi akong naka-short? Joke anyway nakapagayos na din ako dahil anong oras na baka ma-late tayo.

Malapit na ako sa abs ng magtext si ion.

TEXT
I: San ka na babe?
V: Malapit na babe, kumpleto na ba ang lahat?
I: Yes, babe! Ikaw nalang inaantay ni direk.
V: Sige Malapit na ako.
I: Sige babe, ingat i love you see you!
V: See you, I love you too babe!

STUDIO:

Sumakto lang ang dating ko dahil magsisimula palang ang show, pagpasok ko sa dressing room ay nakita kong kumpleto na sila, inuna kung nilapitan si ion at bumeso ganon din kay direk at sa iba pa.

"Ang ganda mo sis, bagay sayo ung dress." nakangiting bati ni anne. "Nako matagal ko ng alam na maganda ako anne haha regalo to ni ion sabi niya suotin ko." masaya kong sagot.

"Kaya naman pala, iba talaga kapag may ion." natatawang sambit ni vhong "Alagang ion si cutiepie hahaha" natatawang sambit din ni jhong. "Cutiepie ka dyan." asar ko sakanya, at natawa naman ito.

"Buti nagustuhan mo, babe!" masayang saad ni ion. "Oo naman babe, basta galing sayo!" Sambit ko at niyakapa siya, niyakap niya din ako pabalik.

Maya maya ay nagsimula na ang show, at habang nasa stage kami sa unang segment napapansin ko na parang ang saya ng mga kaibigan ko at kapag nagtatanong ako sakanila ang sinasabi nila na masaya lang daw sila ngayong araw pero ang weird talaga parang may kakaiba. Sa mga sumunod na segment ay ganon pa din hanggang sa segment na kaparewho at kasama na si ion sa stage ay panay naman ang tukso nila, "Brad wag mo iiwan si ion." sambit ni vhong ang mga audience tuloy ay nagtitilian, "Sana'y kapag nalaman nila ang tungkol sa'min ay ganyan din sila kasaya para sa'min ni ion." Sambit ko sa'king isipan. "Hoy brad ano natulala ka dyan." Pag-gulat sa'kin ni vhong. "Ha? Balew oo naman bakit ko naman siya iiwan haha" nahihiyang tumatawa sambit at tinawanan naman ako nito.

Nagpatuloy na kami saming ginagawa si jackie na ang nagsasalita at nagulat naman ako sa tanong niya.

"Vice isa lang naman ang gusto kong itanong pakakasalan mo ko o pakakasalan kita?" natatawang sambit ni jackie.

"Ako nalang ang pakasalan mo vice, wag na si ate girl bansot." natatawang singit ni ion, natawa ako pero kinilig ako sa totoo lang, "Kung pwede bakit hindi pakakasalan kita mahal ko." sambit ko sa'king isipan.

"Hoy bakit nasa kasal kasal na kayo." pagiiba ko sa usapan. "Vice ang kj" biro ni vhong. "Nako jackie si ion ang gustong pakasalan kaya di masagot, panalo talaga ang manok ko." natatawang sambit naman ni jhong.

"Hoy kayong dalawa ang eepal niyo." naaasar ko saad sa dalawa. "Hindi ito ang tamang oras para sa usaping iyan jackie saka mo ko ayain ng kasal kapag tunay na lalaki na ako haha" pabiro kung saad. "At ikaw ion ligawan mo muna ako charot haha" natatawa kong saad. "bet mo naman si ion ikaw na manligaw vice." natatawang sambit ni vhong. "ah talaga ba vhong?" naaasar kong sagot.

Mabilis na natapos ang mga segment, at itong panghuli ay patapos na rin at nang matapos na bigla nalang namatay ang mga ilaw nagulat ang lahat ngunit bumalik din ito sa dati, pero sa pagbalik nagulat ako dahil ako nalang ang nasa stage at mas nagulat ako dahil may mga balloon sa paligid at may mga disenyong bulaklak nagugulahan ako sa nangyayari ganon din ang mga nasa harap ko ang mga co-host ko ay hindi ko rin mahanap maya maya lang ay may lumabas na lalaki sa'king likuran nakablack suit may hawak na bouquets of tulips, walang iba kundi si ion may hawak din siyang mic.

Hindi ko alam ang nangyayari pero ang makita siya ay sobrang saya ko at naluluha na rin ako ang mga tao ay alam kong naguguluhan pero bahala na ang mahalaga ngayon ay ako at si ion. Naglakad siya papunta sa'kin at inabot ang bulaklak at tinanggap ito.

"Siguro naguguluhan ka sa nangyayari pero sana pahintulutan mo akong magsalita." pagsimula niya at tumungo naman ako saka siya nagpatuloy magsalita. "Babe" Tawag niya sa'kin at nagtilian naman ang mga tao nakaramdam ako ng kaba dahil matapang niyang isinisiwalat na mahal niya ako. "Babe, alam kong naguguluhan ka, pero ngayon nais kong ipaalala sayo kung gaano kita kamahal ang daming nangyari, ang dami nating pinagdaanan at gusto ko pa kitang makasama sa mga susunod na pagsubok na ating haharapin, kaya nandito ako sa harap nilang lahat, sa harap ng mga boss, mga staff, at syempre ng mga kaibigan natin at sa harap ng audience gusto kong makita nila kung gaano kita kamahal gusto kong malaman nila na mahal kita at mahal mo ako." Naiiyak niyang sambit.

"Alam kong wala tayong dapat patunayan sakanila ngunit gusto kong makita ng lahat na deserve mong sumaya at deserve nating magmahalan, tutoy mahal na mahal kita alam kong mabilis pero sigurado na ako sayo at wala akong balak iwan ka, gustong gusto kong mahalin at alagaan ang isang tulad mo." Tuloy tuloy niyang sambit, hindi ko alam ang dapat kong maramdaman, pero sobrang masaya ang puso ko sa mga oras na to, hindi ko mapigilang hindi umiyak, "Mahal na mahal kita, aking benigno." Sambit ko saking sarili habang nakatitig lamang sa mga mata niya, patuloy pa rin siyang nagsasalita, hindi maikakailang alam ko na ang mangyayari at wala akong ibang maramdaman kundi saya dahil sa wakas ang lalaking matagal ko ng hinihintay ay dumating na at makakasama ko na habang buhay.

I Fell Inlove With Kuya EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon