Zette pov
Hindi ko alam kung ano man ang tumatakbo sa isip ni Zaire ng malaman nyang may ugnayan si Tita Krishna at kila Lola at Lolo at ito pa mismo ang tumulong sakanila na makalabas ng Greece,
I never met his mom or anyone in his family bukod kila Kuya Race, Neels, Kylo and the other member of his Organization...
Pati ako na papaisip kung ano bang ugnayan ni Lola at Lolo kay Tita Krishna,
"Kung nagtataka ka kung ano ang ugnayan namin sa Mommy ni Zaire well she's the most smartest queen of death sentence at sya rin ang nag invest sayo sa company natin nung nag sisimula ka pa lang..." naka ngiting saad ni Lolo "Bilib ako sa kanya Zette dahil sa kanya nagkaroon kami ng matutuluyan rito sa Pilipinas ng hindi nalalaman ng Mommy mo tanging ako, si Lola at ang Daddy mo ang nakaka alam ng lugar na ito at ang tinutuluyan namin sa Batangas dahil si Chynnie o Krishna ang nag mamay ari ng mga to... malaki na utang na loob namin ng Daddy mo sa kanya," tuloy ni Lolo at bumuga ng hininga
"Kahit ialay ko ata ang buhay ko, buhay ng Daddy mo at ng Lola mo ay kulang pa sa pag bayad sa Mommy ni Zaire at alam mo bang kami rin ang umalalay kay Chynnie nung nag uumpisa pa sya sa Organization na hinahawakan nya. Matalik na kaibigan ko kasi ang ama nun na si Andrew at Arthur! Naalala mo hon yung nagsama sila ng babae sa bahay na pinaupa natin sakanila?" baling ni Lolo kay Lola natawa naman si Lola at pinalo ng marahan ang kamay ni Lolo na nakapatong sa hita nya
"Syempre naman si Hilda at Lively," sagot ni Lola
Malalim nga ata talaga ang ugnayan nila... I cant imagine how Zaire's mom though,
Pero kompyansa ako na sobrang bait nya.... hays ang swerte naman ng mga anak ko sa Lola nila...
Puro kwento lang ng kwento si Lolo at Lola about kay Tita Krishna na kinatutuwa ko kasi kahit paano nakikilala ko ang Mommy ng lalaking pinaka mamahal ko,
"Apo kung iniisip mo pa din magpakasal kay Steve wag mo na ituloy pwede ko naman kausapin si Chynnie patungkol sa secret marriage nyo ni Zaire," sambit ni Lola na naka ngiti
"Wag na po Lola mas gusto ko rin na si Zaire mismo mag bitbit sa amin nila Ladasha kay Tita Krishna e," sagot ko at kinurot ko ng marahan ang pisngi ni Ladasha na nasa kandungan ko habang si Abcde naman nakatitig lang sa banyo at inaantay ang daddy nya lumabas
"Mommy can I go to Daddy?" tanong ni Abcde habang nakaturo sa pinto ng cr ng condo nila
Tumango lang ako at dali-dali naman sya naglakad pa punta don sa banyo at kinakalampag ang pintuan, "Daddy! Are you okay there?" tanong ni Abcde habang walang humpay sa pagkalampag
Ang tagal na kasi ni Zaire sa banyo magkakalahating oras na at hindi pa din lumalabas ng banyo,
"D-daddy is okay baby! Don't worry I'll be there in a minute," sagot ni Zaire sa anak namin na tila natataranta
Ano kaya ginagawa nya sa banyo ng ganito katagal?
Nagkibit balikan na lang ako at binalik ang atensyon sa nagkkwento kong Lolo at Lola tungkol kay Tita Krishna,
Zaire pov
Napatalon ako ng marinig ko ang sunod-sunod na pagkalampag ni Abcde sa pintuan ng banyo at pinipilit na akong lumabas,
Hindi ko na inabala ang kino-compose ko na text para kay Mommy at basta ko na lang sinaksak ang phone ko sa bulsa nihindi ko alam kung nag send ba yun o hindi...
Inayos ko na muna ang sarili ko bago ako tuluyang lumabas ng banyo at bumungad naman agad sa akin si Abcde na may pagtataka at pag aalala sa mukha at mga mata nito kaya binigyan ko sya ng pilit na ngiti at kinarga,
Pero nakatitig pa rin sya sa akin na tila pinag aaralan ang expression ng mukha ko kung okay lang ba ako o hindi... Ganun pa rin ang titig ni Abcde hanggang sa makabalik kami sa tabi ni Zette na mukhang nasisiyahan sa kwento ni Lolo at Lola patungkol kay Mommy kung gaano ito kabuti at talino nung bata pa sya at hanggang ngayon... Hindi ko napansin na napapangiti ako sa kwento nila tungkol sa Mommy ko dahil talagang swerte kung ituring sya...
"Are we going to wive with mommy and daddy?" tanong ni Abcde sa Lola't Lolo nya
"Nope. Mag iistay pa rin kayo rito kasi for sure hindi titigil si Larisa sa paghahanap sa inyo," sagot ng Lola ni Zette
"But... We want our mommy and daddy to wive with us," naka ngusong sabi ni Abcde
"No is a no, Abcde Mamou is scared to your Mamala you know what she can do right?" pag kukunbinsi ni Lola kay Abcde
Tumango lang ito at ngumuso habang naka hawak sa kamay ng kakambal nyang si Ladasha na naka puppy eyes na,
"Pwease po dito na lang po sila Mommy and Daddy po," na iiyak na paki usap ni Abcde sa Grandparents nya
"Apo hindi lang pwede kasi nakita nyo na kung paano magalit ang Mamala nyo hindi ba? Naalala nyo nung nabasag nyo ang favorite vase ni Mamala ay pinaluhod kayo sa asin sa tirik na tirik na araw?" paliwanag ni Lola Gracia
"A-ano?! Pinaluhod nya ang kambal ko sa asin sa tirik na tirik na araw?! K-kelan yan nangyari?!" gulat at galit na tanong ni Zette
Kahit ako biglang namuo ang galit sa dibdib ko ng marinig ko ang ginawa ng Mommy ni Zette sa kambal namin...
Ang bata pa masyado nila Abcde para makaranas ganong punishment ng dahil lang sa vase pinaluhod na nya ang kambal ko napaka walang puso naman ng Mommy ni Zette,
"Pasensya na apo kung ngayon ko lang masasabi sa inyo pero totoo pinaluhod ni Larisa ang kambal sa asin dahil na basag nila ang paboritong vase ng Mommy mo... Pati kami ay dinamay nya sa mamagitan na pagkulong sa kwarto ng isang buong araw at walang kain," paliwanag ng Lola ni Zette