Chapter 15

58 1 0
                                    

Zette pov

Sinong best friend ang tinutukoy ni Rise?!

"Sino?" tanong ko

Nag iiwas sya ng tingin sakin at napakamot sa ulo nya,

Halos lahat ng kaibigan na lalaki ni Zaire ay kilala ko gawa ng sila ang mga saksi sa pagmamahalan namin noon....

"Si..." nag aalinlangan syang kung sasabihin ba nya o hindi sa akin kung sino ang tinutukoy nya g kaibigan ni Zaire na naka date nya

"Si??" na iinis na ako dahil ayaw pa nyang sabihin kung sinong kaibigan ni Zaire ang dine-date sya

"Si Rene Mostrales," sagot nya at napakagat sa ipang ibaba nyang labi

Rene Mostrales? Sino yun? Bakit wala naman akong nakilala noon na best friend ni Zaire na Rene Mostrales ang pangalan?

Tumango tango na lang ako at piagkatitigan sya,

"Can you help me?" tanong ko sa kanya

Naguguluhan syang nakatitig sakin at "Saan?" tanong nya

"Kay Zaire.... I think it's about time para malaman nya ang about ng yari samin ng mga anak nya five years ng nakakalipas," sagot ko at di sya inaalisan ng tingin

Tumango sya "Sige... Kelan ba?" tanong nya

"I don't know yet," sagot ko

Tumango lang sya at tumayo na... "Sleep na tayo Teishaze," sabi nya at lumabas na ng kwarto ko

Yep dalawa ang pangalan ko...

I use my name Zette Dawn Penagon as my business name,

But my real real name is Zette Teishaze Penagon ayoko kasi tinatawag akong Tei or Shaze ng di ko naman kaclose only my family and close friends lang ang pwedeng tumawag sakin nun,

Even Zaire doesn't know what's my real name...

Masisisi nyo ba ako? E lahat naman ata ng tao may kanya kanyang sekretong tinatago,

Nasa kanila na lang iyon kung paano nila ilalabas ang mga sikretong tinatago o iniingatan nila...

Sabi nga nila walang sikretong hindi nabubunyang...

Kaya habang maaga pa kelangan ko na ring sabihin kay Zaire ang ng yari sa kambal,

I hope he still accepts me after nitong sasabihin ko....

Kinuha ko ang phone ko na nasa side table ng kama ko at hinanap ang number ni Zaire,

To: Zaire

Pwede ba tayo magkita sa favorite restaurant natin bukas ng 12pm?

Message Sent

Tinabi ko na ang telepano ko at nahiga muli para bumalik sa tulog ko,

Kinabukasan

Humugot ako ng malalim na hininga bago ako pumasok sa sinabi kong restaurant kay Zaire,

"Zette," tawag sakin ni Zaire at tinaas pa nito ang kamay nya

Naglakad ako patungo sa kinuupuan nya at umupo sa katapat na upuan nya,

Umorder na rin kami ng kakainin naming dalawa at habang nag aantay...

Inhale. Exhale.

This is your chance to tell everything to him Zette!

"May s-sasabihin ako sayong importante," basag ko sa katahimikang bumabalot saming dalawa

"Ano yun?" tanong nya at tinitigan ako

Huminga akong pagkalalim lalim tska ako humugot ng lakas,

"About sa kambal natin," umpisa ko

Kumot ang noo nya, "What's about our kids?"

"Matagal na silang patay," sagot ko at yumuko

I don't want him to see me breaking kada na alala ko ang kambal ko,

Wala akong naririnig sa kanya di ko rin alam ang reaksyon nya...

Nagsimula ring magmilisbis ang luha ko sa mga pisngi ko pero pinipigilan kong humikbi,

"P-patay na ang mga anak natin Zaire," ulit ko baka sakali kasi na di nya ako narinig tska ako nag angat ng mukha to see his face

Nakatulala lang sya sakin habang tumutulo ang mga luha sa pisngi nya,

He's crying ... And he's breaking ...

"W-what d-did you just said?" tanong nya habang nakatitig sakin at patuloy ang pag agos ng luha sa mga mata nya

"O-our kids is already d-dead Zaire! Five years na silang patay! Kung sila ng rason mo kung bakit mo ko hinahabol pwes wala! Wala ka ng dapat habulin sakin Zaire cause my babies are already dead!" diin ko

I might sound rude in that part pero wala akong pake! Masakit para sakin na balik-balikan ang mga alaala ng mga anak ko 5 years ago,

Hindi sumasagot si Zaire ni isang salita wala akog narinig sakanya,

I was about to leave ng pigilan nya ako, "Stay," sabi nya

Kaya't umupo ako ulit sa upuan ko tska pinunasan ang mga luha na kanina pa nag uunahan bumagsak,

"H-hinahabol kita kasi mahal kita Zette... I still love you for fuck sake... I was ready to face my responsibilities to you and to our kids pero... Wala na ang kambal ko... Pumayag ako makipagkita sayo ngayon kasi gusto... Gusto kong magkaayos tayo," saad nya habang umiiyak

Bumilis ang tibok ng puso ko sa mga sinabi nya,

Tama si Rise hindi pa huli saming dalawa...

Na mahal pa rin nya ako gaya ng pagmamahal ko sa kanya,

Pinunasan nya ang mga luhang bumabagsak sa mga pisngi ko ng marahan at hinawakan ang mga kamay ko, "Can we start it all over again... Zette?" he asks

Mas lalo akong humagulgol sa sinabi nya at parang may sariling buhay ang ulo ko na kusang tumango at bibig kong sumagot ng...

"Y-yes Zaire,"

Ngayon lang ako nakakita ng lalaki na umiyak sa harapan ko at ang lalaking yun pa ay lalaking mahal ko....

Nanlaki mga mata nya at pinunasan ang mga luha nya pati sipon, "R-really Zette?!" di sya makapaniwala sa sagot ko kanina

Para syang bata sa sitwasyon na napagbigyan sa gusto nya,

"Oo nga Zaire pumapayag ako," natatawa at the same time na iiyak na sumagot

Umaliwalas ang mukha nya sa pagpayag kong bigyan ng pangalawang pagkakataon ang relasyon naming dalawa,

"But I have alot of conditions..." dagdag ko at di parin maalis ang mga ngiti sa mga labi nya

"A-ano yun?" utal nyang tanong

"You will see..." sagot ko at nginitian sya ng pagkalapadlapad

"O-ohhkay" sagot nya at hinawakan ang kamay ko tska hinalik halikan iyon

"I love you," sambit nya

"I love you too," ganti ko

Wala syang tigil sa kakahalik sa mga kamay ko kaya't pareho kaming natatawa sa ng yayari,

"I still can't believe na pinayagan mo ko sa second chance na hinihingi ko," sabi nya na hindi manlang mawala wala ang ngiti nya sa mga labi nya

Me too Zaire, me too...

Isang ngiti lang ang isinagot ko sakanya kasabay ang pagbagsak ng luha ko.. Luha ng kasiyahan

SecretsWhere stories live. Discover now