Chapter 22

54 2 4
                                    

Zaire pov

Kumakain kami ni Zette ng hapunan at panay naman ang titig ng Lola nya sa akin at ako naman hindi mapakali favorite pa naman namin ni Zette itong bulalo pero hindi ko ma enjoy gawa ng naiilang ako sa Lola nya na panay ang sulyap tingin...

"Nandyan na ba si Zette at Zaire?" rinig kong tanong ng boses na matandang lalaki

"Oo hon, narito na ang dalawa at naghahapunan na sila," sagot ng kanyang asawa

"Mabuti at ilalabas ko na ang shot gun ko para sa lalaking nagpa iyak sa apo ko limang taon na nakakaraan," rinig kong sabi ni Lolo na ikinatawa naman ni Zette at Lola sumenyas pa nga sila ng lagot sign

Napalunok naman ako at kita ko sa gilid ng mata ko na may paparating na matandang lalaki kaya't na patingin ako sa gawi nya at pucha nanlaki ang mga mata ko dahil may dala nga itong shot gun tska ang nginisihan at kumindat pa ito bago ito tumabi sa akin,

"Handa ka na ba?" tanong nito sa akin sa mataas na mababa ang tono ng boses habang nakataas ang isang kilay nito

"P-pakasalan ko po si Zette," tanging na sagot ko habang di maipinta ang pagmumukhang meron ako

Nagtawanan naman ang mag asawa at si Zette naman ay natahimik na namumula ang mukha,

Ooh I made someone blushed really hard huh?

"Hon naman baka makita ng mga bata iyang hawak-hawak mo," sabi ni Lola nang makalapit ito at kinuha ang shot gun na dala ni Lolo at tska iyon itinago

Mga bata?

"Bilisan nyo mag hapunan at may ipapakita kami ng Lola nyo sa inyong dalawa," sambit ni Lolo at kinindatan nya kami ni Zette

Binilisan nga namin ang pagkain namin at sumunod sa dalawang matanda,

Umakyat sila sa hagdan, gayun din kami ni Zette...

Binuksan ni Lolo ang unang pinto na makikita mo dito sa pangalawang palapag at... "Wowo shinwo po vishitowrs natwen?" rinig kong tanong ng batang lalaki na nasa likod ng pinto

Bahagyang binuksan ni Lolo ang pintuan at bumungad sa amin ni Zette ang dalawang bata na magkamukhang magkamukha,

Hindi napigilan ni Zette na yakapin ang dalawa gayun din ang mga mata napaupo na lang ako sa sahig habang tinititigan sila Zette at dalawang bata bigla din nag uunahan maluha ang mga mata ko,

Zette pov

"Ladasha... Abcde babies," sambit ko sa na ngangarag kong boses habang yakap-yakap sila

"Mommy?" si Ladasha na nakatitig sa akin at yakap ko silang dalawa

"Yes baby," sagot ko at humiwalay sa yakap nila

"Hi mommy," si Abcde naman at hinalikan ang pisngi ko

"Hello baby," sambit ko at tumulo na naman ang mga luha ko sa mga mata ko

"Daddy?" si Ladasha na nakatulala kay Zaire na umiiyak din at naka upo na sa sahig

Tanging tango lang ang nasagot ni Zaire kay Ladasha... lumapit naman ìto sa kanya at yinakap sya at hinalikan sa ilong gayun din ang ginawa ni Abcde,

"I'm so sorry babies," sambit ni Zaire habang yakap nya yung dalawa naming anak

"Sowwy fow what daddy?" tanong ng dalawa sakanya

"Daddy is saying sorry for being a coward babies," sagot ni Zaire sa kanila

Kalaunan na rito kami sa sala at ang kambal naman namin ni Zaire ay naka upo sa mga hita niya na nakatabi sa akin,

"Pasensya ka na Zette at ngayon lang namin kinuha ang mga bata sa poder ng Mama at Papa mo," sabi ni Lola at hinawakan ang kamay ko

Nginitian ko sila ni Lolo, "Ayos lang po La alam nyo naman sila Mommy gagawin ang lahat sumunod lang ako sa kagustuhan nila pumayag naman ako sa kagustuhan nilang itaguyud ko yung company na binigay nila sa akin pero kung ipipilit pa din nilang ikasal ako kay Steve..." yumuko ako pinipigil na naman ang pagbagsak ng luha ko "H-handa po ako ulit mag tiis ng another 5 years or more na hindi ko makikita sila Ladasha at Abcde," patuloy ko at suminghot ng sipon

"Kaya nga apo ginawan talaga namin ng paraan yang kambal mo na makuha kasi sobra na ang Mommy sa pagpapahirap sayo ayaw na namin dagdagan pa ng isa pang taon ang pag hihirap mo sa kamay ng Mommy mo," sambit ni Lola and she gave me smile.. smile full of assurance

"Zaire... alam mo ba kung bakit galit na galit sa iyo ang Mommy ni Zette?" baling ni Lolo kay Zaire na panay ang halik sa kambal namin

Zaire pov

"Zaire... Alam mo ba kung bakit galit na galit sa iyo ang Mommy ni Zette?"

Natigilan ako sa paghalik sa kambal ko ng tanungin ako ng Lolo ni Zette... Nagkatinginan kaming dalawa

"H-hindi po," pag amin ko

Which is true hindi ko rin alam kung bakit ganun na lang ang galit sa akin ng Mommy ni Zette para gawin nya kay Zette at sa mga apo nya ang pagpapahirap na binigay nya sa babaeng mahal ko,

Humalukipkip muna si Lolo, "Nagkagusto kasi ang Mommy ni Zette noon sa ama mo.... puro sya bigay ng kung ano-ano noon kay Rafael pero ang Mommy mo ang tanging nasa mata ng ama mo...Chynnie is really beautiful young lady naging matalik na magkaibigan noon si Chynnie at Larisa noon... Hindi ko rin naman masisisi sa ama mo kung hindi nya nagustuhan si Larisa noon nakilala namin si Chynnie nung High School pa sila dinala sya rito ni Larisa para ipakilala sa amin pero noon pa man may tinatago nang galit si Larisa kay Chynnie," kwento ni Lolo

Ni minsan walang nabanggit na Larisa si Mommy sa amin,

Kasi noon pa man sila Tita Dixie at Tita Marielle lang ang nakakasama namin kaya't hindi namin kilala sino si Larisa...

"Masiyahin kasi na bata si Chynnie noon alam mo bang kahit kinalimutan na siya ni Larisa ay patuloy pa din nya kami dinadalaw ng Lolo mo at pag nasa bahay namin sya sobrang gaan kasama ng Mommy mo," patuloy ni Lola

Napangiti ako kasi until now ganun pa din si Mommy kahit sobrang dami na nyang pinagdaanan ay hindi nag bago si Mommy,

"Nung nakaraang gabi nandito ang Mommy mo," sabi ni Lolo na ikinatigil ng pag ngiti ko at napatingin sakanya na punong-puno ng kuryosidad at pagka gulat pero naka ngiti lang sila ni Lola

"P-po?" sambit ko na baka nagkakamali lang ako ng rinig

"Sabi ko narito ang Mommy mo nung nakaraang gabi nung gagaling lang namin ng Greece," ulit ni Lolo

"P-paanong..." ako na hindi makapaniwala

"Sya din mismo nag asikaso sa amin ng mga bata para hindi malaman ni Larisa... matagal na panahon na ang nakakalipas pero hindi pa rin nya kami nakakalimutan ang batang iyon talaga," saad ni Lolo na umiiling pa na may ngiti sa labi

Gaano na kaya katagal na alam ni Mommy ang tungkol sa kambal namin ni Zette? Paano nya nalaman ang tungkol dito?

"Kung kaylan kami tumanda ng Lolo nyo dun naman kami inabusado ni Larisa... at pati ngayon dinamay nya si Zette at mga bata... Hindi ko na alam kung paano pang kinakaya ni Jason na pakisamahan ang demonyita naming anak," malungkot na saad ni Lola at nagpakawala ito ng malalim na paghinga

"P-pwede po ba makigamit saglit ng banyo?" tanong ko na nahihiya

"Oo naman nasa ilalim ng hagdan ang banyo," nakangiting sagot ni Lola

Tumango ako at pinaupo sa tabi ni Zette ang kambal at nag punta ako sa cr,

SecretsWhere stories live. Discover now