chapter 10

51 4 0
                                    

.

Pasok nanaman sa school ...

Pero maaga kaming dinismiss ngayon dahil may school fair program...

Pero napansin ko din na parang iniiwasan na ako ni crizzy.. prublema non?? Pinapansin niya ako pero parang cold niya... hmmm.. mamaya tatanungin ko siya tutal manonood din naman din siya nung program. .

makauwi na nga nang makapag bihis na..

Nasa bahay nako.. tinanggal ko sapatos ko sa may pinto...

"Nay nandito nako!" Di sumasagot si nanay.. narinig ko namang bukas yung gripo sa banyo kaya alam kong nandoon siya...

Hinagis ko mga gamit ko sa sofa.. tuloy tuloy naman ako sa kusina para humanap nang maiinon sa fridge... kumuha ako ng orange juice at inilagay sa baso..

Umupo ako sa harapan ng mesa at ipinatong mga paa ko sa isa pang upuan... hayyy nakaka relax..

Narinig kong bumukas yung pinto ng c.r kaya alam kong lumabas na si nanay... uminom ako nang juice at sasalubungin si nanay...

(Bluuussshh)

Nasabog ko ang laman nang bibig ko nang makita ko kung sino lumabas sa pinto..

" What the hell loise!? Kaliligo ko lang!.." sabi niya sabay punas niya na parang diring diri pa sa nabasa niyang katawan..

"Kuya!? Anong ginagawa mo dito!?" Shock talaga ako di ko expect na nandito siya..

"Is that how you greet your one and only handsome brother?" Nakangisi siya at kilawit yung braso niya sa ulo ko...

"Sorry kuya nabigla lang ako..." tumawa lang siya at ginulo niya buhok ko... talaga tong si kuya oh ginagawa parin akong bata...

"Dalaga kana ahhh" pumunta siya sa sala kinuha ang remote ng tv habang nagpupunas ng buhok...

"Siyempre naman noh ganda ko noh?! Haha" kapal pero totoo naman kaya...

"May boyfriend kana?!" Biglang nanlaki mata ni kuya .. kaya medyo natakot ako...

"Wala ahh.. ikaw kuya ang gwapo mo ahh.. parang artista na dating mo haha" niliko ko usapan para di ako masabon.. sabay dutdot ko pa sa muscle niya...

"Tsssssk.. ako pa? " aba naniwala naman toh.. haha pero siryoso gwapo talaga kuya ko...

"Nasan pala si nanay?"

"Pumuntang palengke nabigla din sa pagdating ko kaya magluluto daw siya"

"Ahhh.."

"Sabi ni nanay may nang hahatid sayo ahh" naku naman si kuya ohh hayan nanaman...

"Kaibigan ko lang yun noh!"

Sabay kaming Napatingin sa pinto nang pumasok si nanay.. para naman akong batang sumalubong at hinalikan si nanay tsaka ko kinalkal mga pinamili niya...

Dinala namin ni nanay mga plastic bags sa mesa... sunod din si kuya sabay upo lang siya habang kami ni nanay nilalabas mga pinamili niya..

"Nay may sasabihin po ako" si kuya at nagbuntong hininga pa siya kami ni nanay nakatingin lang sa kanya...

"Sorry po di na po ako nag aaral last semester pa.. pero maghahanap po ako nang trabaho tutulungan ko nalang po kayo" nakayuko siya habang sinasabi ito..

"Anak anong.. Lee! Ano nanaman yang naisipan mo!?" Hay pinainit nanaman niya ulo ni nanay lagi naman ganyan si kuya noon pa.. umalis nalang ako dahil wala naman ako magagawa sa pag babangayan nila...

Pumasok nalang ako sa kwarto at humiga .. bigla akong napabalikwas at nahulog sa kama...

Muntik ko nang makalimutan yung program.. si kuya kase ehh.. bigla bigla ang uwi... pero ano kaya nangyari sa kanya.... well bihis muna ako dahil exited nako sa program...

Naligo muna ako at nagbihis na naka pants and medyo fitted na white blouse... simple lang ako ganung pormahan lang ako.. prubinsyana kase.. probinsiyanang maganda. Pero di naman ganun ka baryo yung lugar namin nasa uso din naman.. pero di ko kase bet yung mga damit na halos lumabas na yung boobs.. at yung mga skirt or short shorts na halos litaw na singit... haha

Nag didilim na nang makarating ako sa school... daming tao ahh.. parang mga ipis lang na nagtipon sa tinapong pagkain.. haha ..

Ginala gala ko mata ko para makita mga kaklase ko pero parang malabo dahil sa dami ng tao.. lumibot libot lang ako sa mga booth booth..

Muntikan na akong masubsob nang hatakin ako nung dalawang lalake..

"Sino kayo?! Saan niyo ako dadalin?!"

Natakot ako kasi di ko naman sila kilala isa pa ang lakas nila pumapalag ako pero wala lang to sa kanila.. nakikita kong papunta kami sa may horror house... ayyy syete!! Wag naman dito pls... takot ako sobra... sus! Mas natakot pa sa horror house kesa sa mga dumampot saken... errr! -___-

Hinagis lang nila ako sa loob.. tas patawa tawa pa sila! Mga sira ulo! oo as in hagis talaga.. kaya napa upo ako sa sahig.. wow kuya ahh makahagis wagas na wagas.. akma nakong tatayo nang sinara nila yung pinto...

"No! open this heyyy" sigaw ako ng sigaw habang hinahampas ang pinto... anong trip to mga kuya!!!

Wala akong nagawa... alam niyo na kailangan hanapin yung exit door at dapat lampasan mo yung mga pesteng nanakot dito... kinakabahan ako ehh takot talaga ako sa mga ganito eh..

" Kaya ko to!" Bulong ko sa sarili ko with matching cross pa ..

Nag umpisa na akong maglakad pero ang dilim talaga... patay sindi pa yung ilaw kaya mas dagdag takot effect... alam ko na! Yung ilaw sa phone ko.. haha akala niyo lang huh!.... kukunin ko na cp ko at I lalagay sa torch mode..

" WAAAAHHHHH" anak nang pusa ate!! Lumitaw galing sa kisame!! Akala ko si sadako!

Sigaw parin ako habang tumakbo...

Biglang may humatak sa bewang ko at pinagpapalo ko to habang sumisigaw ako...

"Calm down loise... its me reilly..." natatawa pa niyang sabi..

Natauhan naman ako at binatukan siya!

"Bat nandito ka?! Pakana mo to no?!" Atsaka ako nang cross nang arms..

"Haha di ko naman alam na MATATAKUTIN ka pala..." talagang Idiniin pa niya yung matatakutin huh.. lokong toh!

"At anong trip toh?!" Naiinis parin ako sa kanya..

"Lets go? Lets explore this horror house???.." at parang na eexcite pa siya.

" explore mo mukha mo! Hahanapin ko exit door!!!" Sabay siko ko sa tiyan niya.. pero bahagya lang..

"Haha ganun na rin yon"

naglakad na kami pero si reilly ay nasa likod ko .. takte!! Sinasabihan akong matatakutin eh siya pala itong takot!!

(Boooooh!!!)

"WAAAAHHHHH " sabay kaming napasigaw .. at pagkatapos non ay nagtawanan kami... hinawakan naman niya yung kamay ko kaya nabigla ako...

"Halika na uyyy" nag smile lang siya.. Gosh!! Ang gwapo lang niya.. ayy ang harot!! Hahaha

Nagpatuloy na kami at tuwing lumalabas yung mga multo kuno.. eh magugulat kami at tatawa nalang... medyo natatanaw kuna yung exit sign.. natuwa ako at sa wakas makakalabas nakmi dito...

(Booooohhhh)

Nabigla ako sa multong ito at nadapa siya sa harapan ko at nahawakan niya boobs ko... shit!! Nakahawak talaga siya.. mabilis namang sinapak ito ni reilly... hindi siya agad naka bangon kaya hinila nako ni reilly at tumakbo kami palabas..

.

.

******

Careless DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon