Best Thing I Never Had

8 2 0
                                    

"Tama na, Celestina. Bumalik ka na."

Hinihingal na bumalikwas sa pagbangon si Celly dahil sa panaginip na iyon. Kilala niya ang boses ng lalaki ngunit 'di niya malaman anong nais nitong iparating at kung bakit Celestina ang tawag nito sa kaniya.

"Celly, anak? Are you awake? We'll be late for church!"

"Yes, Mom! I'm getting ready na."

Nagmadali siya sa pagbangon at nagtungo sa kaniyang banyo upang maligo. Nang makalabas, pumili kaagad siya ng dress na isusuot sa araw na iyon. Pinili niya ang sleeveless red dress na lampas tuhod. Simple lang ito kung tignan sa harapan ngunit may hugis pusong see through ito sa kaniyang likuran. Mas naha-highlight din ang maputi at makinis niyang balat.

Tumungo siya sa side table niya upang kunin doon ang earings niya nang mahagip ng kaniyang paningin ang alarm clock.

"This is your fault kasi. Why didn't you rang and woke me up, ha? Kapag may klase, you're so good in doing your job. Tapos now that it's Sunday, ganiyan ka. I'll buy a new one na! Hmp," paglilitanya niya sa kaniyang alarm clock na tila nasira dahil hindi nag-ingay. She made a mental note na bibili siya ng bago kapag nagawi sa mall.

"Mom? Where are you?"

"Celly, andito ako sa kwarto!"

Pinuntahan niya ang silid ng kaniyang mga magulang. Nakita niyang nakaharap sa salamin ang kaniyang ina at naglilipstick.

"Mommy, I don't have a lotion na. I'm sorry hindi ko nanotice, ubos na pala."

"Wala na akong lotion dito, Celly. 'Wag ka nalang muna mag lotion. Bibili nalang tayo mamaya."

"You know I can't go out without applying one," ani niya at saka ngumuso. Hindi talaga siya sanay na hindi nag-aapply ng lotion kapag lumalabas ng bahay. Tingin niya mangingitim siya kung ganoon.

"Go ask your sister then. Wala na talaga dito, baby."

"It would be himala if she has one."

Ilag sa kaniya ang kapatid. Hindi niya matukoy ang dahilan pero tingin niya, dahil ito sa turing ng tatay nila sa kaniya. Paborito kasi siya nito dahil laging kasali sa top 5 ng klase. Samantalang ang kapatid niya ay mas mahilig sa volleyball at hindi ganoong pinagtutuunan ng pansin ang pag-aaral. Ayos na basta pasado.

Kumatok siya sa pinto ng kapatid at marahang tinawag ang pangalan nito.

"Claire?"

Bumukas ang pinto at ang nakabusangot na mukha nito ang bumungad sa kaniya. Nakaayos na ito.

"Ano? Titingin ka lang ba sa'kin?"

"Uh... no. Uhm, I just want to ask, do you have a lotion? I emptied mine na kasi and you know—"

"Diyan ka lang," sabi nito at bumalik sa loob ng kwarto niya.

Celly held her lips out of mannerism. Iniisip niya kung ano ang kaniyang pwedeng gawin upang mas mapalapit sa kapatid niya.

It turns out, may lotion pala si Claire. Nakaalis na sila ng bahay sakay ng isang tricycle. May kotse naman talaga sila kaya lang walang magmamaneho. Wala kasi ang tatay nila dahil nasa trabaho. Seaman ito at madalas talagang wala.

"Celly, congratulations. Gagraduate ka na ngayong taon, 'no?"

"Yes po, Tita. Thank you po. I'm excited na nga po mag college eh." Ngumiwi ito sa hindi niya malamang dahilan at umalis. Ever since she came back, nag-iba talaga ang pakikitungo sa kaniya ng iilan. Something in her changed daw, ika nila.

Bumalik nalang siya sa kaniyang upuan at tinabihang muli ang kaniyang ina. Katatapos lang ng simba nila ngunit hindi pa umuuwi sapagkat magkakaroon pa ng meeting. Pipili na kasi muli ng opisyales ngayon.

Best Thing I Never Had (one-shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon