Prologo

11 0 0
                                    

"Sandali!" Sigaw ko sa kanya nang tumalikod at naglakad palayo mula aa akin.

Siya'y huminto ngunit hindi lumingon.

"Magkikita pa rin naman tayo, hindi ba?" Tanong ko kahit na walang kasiguradohang makakuha ng sagot mula sa kanya.

"Mahal na mahal kita, Florencio!" Sabi ko ulit. Nanatiling nakatalikod at hindi man lang sumagot sa akin.

"Florencio..." Tawag ko ulit. Sumisikip ang aking dibdib nang nanatili pa rin siyang tahimik.

"Pakiusap, magsalita ka naman." Pakiusap ko sa kanya.

"Tasya..." Napahagulgol ako ng iyak nang sa wakas ay nilingon na niya ko. Bakas sa kanyang mga mapupungay na mata ang mga luhang kumawala.

"Mahal kita, Tasya. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko sa habang buhay." Ang sarap. Ang sarap sa pakiramdam ng muli kong marinig ang mga salitang binigkas niya.

"Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana. Oo, magkikita at magtatagpo tayong muli. Sa panahon na iyon ay sisiguraduhin kong wala ng hahadlang at papabor na sa atin ang tadhana, giliw ko." Pangako niya. Napakalaking pangako.

Sa kanyang pagbitaw ng pangako ay kasunod rin ang isang malakas na putok na umalingawngaw sa buong kapaligiran.

"Magkikita tayong muli. Patawad."

Fight for MeWhere stories live. Discover now