Chapter 1

5 0 0
                                    

Kahit na may nakasalampak na earpod sa aking mga tenga ay naririnig ko pa rin ang mga huni ng mga ibon.

Tumutugtog ang kantang "Ikaw Lang" ni Kiyo sa aking earpod.

Natagpuan kita uh...
Natagpuan kita uh...

Wala naman akong hinahanap pero parang may kailangan akong matagpuan. Noong una kong narinig ang kantang 'to ay naging isa na sa mga paborito ko.

Gusto ko ako lang gusto, gusto ko ako lang gusto oh oh oooohhh
Gusto ko ako lang gusto, gusto ko ako lang gusto ooh oooohhh

"Aye!" Sinasabayan ko ang kanta. It sounds like selfish on this line but I really like it. Nagpatuloy ako sa aking paglalakad habang ang aking mga mata ay nakatanaw sa bughaw na kalangitan.

"Tang*na!" Bulalas ko ng may tumamang matigas na bagay sa aking noo. Dali-dali kong tinanggal ang earpod at kitang-kita ko ang nakakalokong ngiti ng aking panget na kapatid.

"Ano na naman ang nakita mo sa kalangitan, Ate? 'Wag mong sabihin na UFO this time." Sarkastikong sabi ng aking kapatid.

"Eh, kung ibato ko kaya tong skateboard sa'yo? Kita mo't wala ka ng ulo bukas dahil kinuha na ng alien." Galit kong sabi sa kanya at inaaktong ihampas ang skateboard sa kanya.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa bahay. Iiling-iling akong napatingin sa aking kapatid na tumakbong pumasok ng gate at sigurado akong magsusumbong na naman 'yun. Tsk!

"Ilang beses ko nang sinabi sa'yo, Layn na tigilan mo na ang paglalaro ng skateboard!"
Ayan na nga! Pagkapasok ko pa lang ng bahay ay tumatalak na ang maganda kong Mama.

"Kababae mong tao, 'yan ang inaatupag mo!" Sunod na talak ni Mama. Kita ko naman ang kapatid na nasa likod ni Mama na bumebelat sa akin.

"Mahal, hayaan mo na si Valine sa ganyang bagay basta ba'y hindi naman niya pinapabayaan ang kanyang pag-aaral." Pagpapakalma ni Papa kay Mama. Syempre may paakbay at payakap 'yan. Idolo ko talaga si Papa sa paglalambing.

Kumindat na lang ako kay Papa bilang pasasalamat sa ginawang pagtatanggol sa akin. Na naman.
Palagi na lang kasi akong senesermonan ni Mama sa aking paglalaro ng skateboard dahil nga babae ako, nakakasama kasi sa kalusugan lalo nang makita niya ako noon na napasalampak ang aking puwetan sa kalsada.

Pumasok na ako sa aking kwarto at kumuha ng tuwalya at roba upang maligo na. Walang banyo sa aking kwarto, nasa tabi pa ng kusina namin kaya't lumabas na ako.

Nakita ko si kuya na pababa ng hagdan. Nasa ikalawang palapag ang kanilang kwarto ni kuya at bunso.

"Kuya Millan!" Nakangising tawag ko sa kanya.
Panganay si kuya Millan, ako ang sumunod sa kanya at bunso naman si Yoki, yung panget kong kapatid.

"Layn!" Lumapit sa akin si kuya at ginulo ang pawisan kong buhok.

"Pinagalitan ka na naman ni Mama. Abot sa taas ang boses, eh." Tawang sabi ni kuya.

"Tumambay lang ako nila Ahtine. Gamit ko na naman kasi ang skateboard papunta sa kanila." Pagpapaliwanag ko kay kuya.

Napakakomportable talaga kay kuya magpaliwanag. 'Yung kuyang-kuya talaga ang datingan, 'yung hindi ka huhusgahan kahit na ano pa ang idadahilan mo kaya sa kanya talaga ako lumalapit.

"Walang masama sa ginagawa mo, Layn basta ay mag-iingat ka lang pero baka masobrahan ang Mama sa pagtatalak at maabot pa sa sunod na subdivision ang kanyang boses." Sabi ni kuya at tawang-tawa naman siya.

Sa katunayan ay ang Mama ay maysakit sa puso. Iniiwasan at ipinagbabawal sa kanya ang sobrang pagod at stress.

"Teka kya, bihis na bihis ka ngayon ah. May date kayo ni Iris?" Tanong ko sa kanya. Nakasuot siya ng puting polo na nakatupi hanggang siko ang manggas at nakaitim na maong.

"Wala. May trabaho ang ate Iris mo ngayon." Sagot ni kuya. Girlfriend niya si Iris, hindi ako komportable sa pagtawag sa kanya ng "Ate" dahil isang taon lang naman ang agwat namin. Isa itong freelance model at may online shoppe na itinayo sa may palengke.

"Ganun po ba? Pero bakit japorms ka ngayon? Wala ka namang trabaho ngayon dahil linggo." Usisa ko ulit. Alanganin namang ngumiti sa akin ang kuya.

"Kuya, ano? Huwag kong sabihing niloloko mo si Iris?" Inip kong tanong sa kanya. Kahit na may pagka-suplada si Iris na 'yun pero tinanggap ko pa rin siya dahil mahal ni kuya. Pero... di ko akalain na magloloko si kuya sa kanya.

"Kung anuman yang iniisip ko, Layn 'wag mo nang ituloy." Sabi ni kuya na akala mo na man talaga ay mind reader.

Ay! Nakalimutan ko nga pala na Doctor si kuya. Doctor ng mga utak.

"Eh! Saan ka nga pupunta?" Lumunok ng laway si kuya. Akala ba'y ang hirap ng aking tanong.

"Alam mo namang nasa hospital si lola, Layn. Nangangailangan tayo ng malaking pera para sa kanyang operasyon..." Tumigil muna si kuya sa kanyang sasabihin. Parang ingat na ingat sa bawat salita.

Kaya ba nakaputi ngayon si kuya?
Kaya ba pinauwi ako ng maaga ni Yoki? Nagtext kasi siya kanina.

"Kung ano man iyang nasa isip mo. Huwag mo nang ituloy." Sabi ni kuya gamit ang kanyang dakilang linyahan. Napatampal ako saking noo. Nakakaumay 'to si kuya, eh.

"Ano ba kasi, kuya?" Naiinis kong tanong sa kanya.

"May buyer na sa White House at magkikita kami ngayon para maisaayos ang mga papeles." Sagot ni kuya Millan sa akin.

Napalunok ako sa aking narinig. "Talaga bang itutuloy nila ang pagbebenta sa White House?" Lungkot kong tanong kay kuya.

"Pa..." Tawag ni kuya sa malumanay na boses.
Ramdam ko ang mga presensiya sa aking likod at nakita ko ang mga mata ni kuya Millan na lampas na sa aking taas.

"Layn..." Tawag ni Mama sa akin.

"Maliligo lang po ako." Sabi ko na lang ngunit hindi ko nilingon ang nasa aking likod.

Hindi ko alam kung anong dapat gawin. Nakakalungkot.

"Mag-iingat ka, kuya Millan." Hindi na ako tumingin kay kuya at dumiretso na sa banyo.

Fight for MeWhere stories live. Discover now