Chapter 2

4 0 0
                                    

"Malalagot tayo nito, Ate eh!" Reklamo ni Yoki habang pinagsisibad ang kanyang skateboard.

"Sinabi ko bang sumama ka?" Sarkastiko kong tanong sa kanya.

Palabas na ako ng bahay nang makita niya ko, nasa garden siya at nagpipinta ng halamang Bougainvilla ni Mama.

"Bawal na tayo doon, Ate. Sa pagkakarinig ko syurbol na talaga na kukunin ng buyer ang White House." Imporma ni Yoki. Akala naman niya na hindi ko pa alam.

Sa ganda at napakaayos pa ng White House ay madaming nagkakainteres pati nga ang mga media pero marami rin ang umaatras dahil sa napakamahal ng benta. Ang nagdesisyon sa presyo ng White House ay ang mga kapatid ni Papa. Hindi masyado nakikisali si Papa sa kanila dahil ang importante sa kanya ay mapagaling ang lola.

"Dami mong alam, totoy!" Sita ni Ahtine kay Yoki. Sinamaan naman siya ng tingin ng huli.

"Kaya sumama rin ako dahil kayo lang dalawa." Sabi niya sa aming dalawa at napahinto siya sa pag-sskate.

Napahinto na rin ako sa pag-sskate at napabreak naman si Ahtine sa kanyang bisekleta.

"Mangilabot ka nga dyan sa pinagsasabi mo, Yoki." Sita ko kay Yoki at napatingin kay Ahtine.

"Kadiri naman. Phew!" Aba! Ang kapal ng mukha ng unggoy na 'to.

Tinapakan ko ang dulo ng aking skateboard at pinulot iyon. Gayundin ang ginawa ni Yoki.

May kumalabit sa aking kaliwang balikat at nakita kong kamay 'yon ni Yoki dahil may mantsa pang pintura.

"Ate, tingnan mo." Sabi niya sa akin at nasa harap ang kanyang paningin.

Gulat na gulat ako sa aking nakita. Paano? Bakit naging ganito?

"Kailan pa 'to?" Tanong ni Ahtine. Nabitawan niya ang kanyang Bike dahil sa pagkagulat. Dali-dali din niyang pinulot at inayos ang stand nito.

"Tanga naman. Akala mo namang masasagot ka namin." Sarkastikong sagot ni Yoki kay Ahtine.

Hindi ko na sila pinansin dahil ang atensiyon ko ay nasa bahay na nasa harapan namin. Simula kasi ng mamatay ang lolo at nagkanya-kanya na ng pamilya sila Papa at ang kanyang mga kapatid ay hindi na ito naalagaan pa. Ang lola ay nasa amin nakatira nung hindi pa siya naoospital.

Nakabukas ang lahat ng bintana at nakasindi ang mga ilaw sa loob. Ang maalikabok na labas ng bahay ay malinis na ngayon. Wala na rin ang matataas na damo na nakakalat sa malaking bakuran at ang apat na punong mangga ay nakatayo pa rin ngunit ang mga tuyong dahon nito ay malinis na nakaimbak sa labas at umuusok na. Tumitingkad ang lumang puting pintura sa dingding. Kitang-kita ang Spanish Ancestral House na minana pa ni lola Mia sa kanyang lola.

Na-miss ko ang bahay and I feel like Home. Again.

"Binili at binayaran na ba talaga?" Narinig kong tanong ni Ahtine.

"Ate..."

"Ate..."

"Layn? Anong problema?"

"Bakit?" Tanong ko sa apat na matang nakatingin sa akin.

"Bakit ka umiiyak, ate?" Tanong ni Yoki na may pag-aalala sa kanyang mga mata.

"Ha? Hindi ko rin alam." Pinahid ko ang aking luha gamit ang aking dalawang palad.

"Oh panyo, ang dugyot mo." Sabi ni Ahtine at inabot sa akin ang kanyang dalang panyo. Tinanggap ko iyon at pinahid ang basa sa aking mukha.

"Iha at mga hijo. Bakit andyan lang kayo?" Gulat kaming napatingin sa aming gilid na may matandang lalaking nakatayo doon at may bitbit na mga sariwang prutas na nasa transparent plastic bag.

Tumawa ang matanda na parang nakakamangha ang aming pagkagulat dahil sa kanyang biglaang pagsalita. Hindi naman kami takot pero sino ba naman ito, diba?

"Ako si lolo Celso. Bagong lipat lang kami ng apo ko dito kaso ay ako lang muna ang ang nandito dahil may inaasikaso pa ang apo ko." Ngumiti ito ng napakatamis sa amin pagkatapos ng kanyang pagpapakilala at pagpapaliwanag. Tinuro niya ang White House.

Siya ba ang sinasabi ni kuya Millan na ang bagong buyer ng bahay?

"Ako po si Ahtine, siya naman si Valine at ang kanyang kapatid na si Yoki." Pakilala ni Ahtine sa amin at sa kanyang sarili. Ngumiti lang si lolo.

"Napakarami nitong prutas. Samahan niyo kong kainin ito." Anyaya sa amin ni lolo Celso. Alanganin kaming nagtitinginang tatlo pero...

"Sige po, lolo Celso. Wala pong problema. Sigurado po akong masarap ang mga prutas na dala niyo." Masigla kong sagot kay lolo Celso.

Pinuntahan ko si lolo Celso para tulungan sa pagbitbit ng mga plastic bags at tiningnan ang mga gulat na gulat na sila Ahtine at Yoki. Kahit ako ay nagulat din sa aking ginawang pagsagot sa paanyaya ni lolo Celso. Gustong-gustong ko nang pumasok sa loob ng bahay.

Kahit na isang linggo lang akong hindi nakakabisita dito sa bahay ay miss na miss ko na talaga ito.

Pumasok na kami sa loob at sumalubong sa amin ang napakagara at napakalaking hagdanan. May anim na kwarto sa pangalawang palapag ng bahay habang sa baba ay may dalawang kwarto, kusina, malaking salas at ang library room, ang paborito kong silid.

Sinundan ko si lolo Celso sa kusina at inilapag din ang dala kong plastic bag. Sinamahan ko sila Ahtine at Yoki sa malaking mesa sa kusina.

Dikit na dikit sa akin si Yoki. Noon pa man ay ayaw na niya dito. Sabi pa noon ay "I hate old things. I hate history." Samantalang si Ahtine ay cool lang sa aking tabi. Napapagitnaan nila ako.

Sinimulan na ni lolo Celso ang paghihiwa ng hinugasang prutas. Palihim kong nilibot ang aking paningin at nakita ko ang paborito kong silid. Miss ko na ang silid na 'yon at sisiguraduhin kong makapapasok ako ulit doon kahit na may bagong nakatira na.

"Kumusta na pala ang lola Mia niyo?" Gulat at nagtataka kaming napatingin sa matanda.

"Mahilig ba kayong magkape, mga bata? Lagi na lang kayong nagugulat." Tumatawang sabi ni lolo Celso sa amin. Napangiwi naman kami.

"Kilala niyo po ang lola?" Tanong ni Yoki.

"Nitong nakaraan lang. Kailangang makilala ko ang may-ari talaga nitong bahay." sagot ni lolo Celso at ngumiti ng pagkatamis lalo na sa akin. Ang kanyang mga mata ay parang nangugusap.

"Kainin niyo na mga apo at huwag kayong mahiya." Inilapag ni lolo Celso sa mesa ang mga hiniwang prutas na nakalagay sa malaking bowl. May apat ding tinidor at tig-iisa namin 'yung kinuha.

"Salamat po, lolo!" Sabay naming sabi.

"Gusto niyo bang mamasyal pagkatapos niyong kumain?" Tanong ng matanda sa amin at sabay upo sa aming harapan.

"Okay na okay lang kami, lolo." Si Yoki agad ang sumagot. Napaghahalataan na ayaw niya talaga at noon pa man ay umiiyak pa kung pumasok dito. Mabuti na lang ay nakaadjust na siya.

Masasarap ang mga prutas na ibinigay ni lolo Celso. May pakwan, saging, mansanas at bayabas. Chill lang nang kumakain si Ahtine ng isang pirasong hiniwang saging.

"Ganun ba. Alam niyo welcome na welcome pa rin kayo dito kahit anong oras ay pwede kayong pumunta dito." Sabi ni lolo.
"Masaya akong makita ang bahay na ganito kabuhay ulit." Dagdag ni lolo Celso sa kanyang sinabi. Inilibot pa ni lolo Celso ang kanyang paningin sa kabuuan ng bahay.

"Ano pong ibig niyong sabihin?" Tanong ni Ahtine. Aba'y nagtanong pa.

"Wala naman, hijo. Sa unang tapak ko kasi dito ay ang lungkot at may kahungkagan. Siyempre, hinahanap na ang lola niyo." Sagot ni lolo Celso na may malaking ngiti sa kanyang mga labi.

Siguro nga ay hinahanap na ng bahay ang pag-aalaga ni lola.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 25, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fight for MeWhere stories live. Discover now