P r o m i s e s 1

879 18 0
                                    


"I'll never leave. Promise"

………

"Sabi mo di ka aalis? Nag promise ka." Sinabi niya sakin habang may tumutulong luha sa mga mata niya.

"Oo, pero kailangan Zander. Sana maintindihan mo. Para sa pamilya ko. Babalik naman ako eh, babalikan kita. " Paninigurado ko sakanya.

Kailangan namin umalis dahil sa palugi naming kompanya sa ibang bansa kailangan matutukan ng mabuti ni daddy 'yon para hindi tuluyang bumagsak. Kaya heto kami ngayon ng kaibigan ko sa paborito naming lugar para makapag paalam ako sakanya.

"Naiintindihan ko naman pero bakit kailangan mo pang sumama? Diba pwedeng dito ka nalang?" Tanong niya na para bang ayaw niya akong umalis.

"Zand, 16 palang tayo. Diko pa kayang buhayin ang sarili ko dito ng wala ang pamilya ko." Mamimiss ko siya ng sobra, nasanay nako ng nandiyan siya palagi. Kung pwede lang na hindi ako umalis gagawin ko.

"Zam, Please. Stay." Naiiyak nako dahil nakikita ko siyang ganito. Ayokong nakikitang umiiyak ang taong mahal ko.

"Zander, If I could just stay, I will but..." Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil bigla niya nalang akong niyakap.

"Promise me, You'll be back." Naramdaman ko ang sunod sunod na pagpatak na luha niya sa damit ko. Zander, don't make it hard for me to leave.

"Yes, I promise. Now, you promise me that you'll take care of yourself while I'm away okay?" Hinarap ko siya sakin para punasan ang mga luha niya.

3 years na kaming mag kaibigan. Madami siya alam tungkol sakin. Pero ako? Konti lang ang alam ko tungkol sakanya. Ang alam ko lang kung saan siya nakatira, sino ang magulang niya, kung ano ang mga gusto at ayaw niya. Hindi ko alam kung anong talent niya, kung sino ang gusto niya, diko nga alam kung may kapatid ba siya e. Pero sa loob ng 3 taon na yon. Minahal ko siya. Di importante sakin kung diko pa siya kilala. Ang importante ay yung alam ko ang ugali niya. Di niya alam ang nararamdaman ko dahil natatakot ako na baka mawala lang lahat ng pinagsamahan namin ng dahil don. Ayoko siyang mawala, pero ako ang aalis. Nakakatawa lang.

"I promise. Zam, pag balik mo may importante akong sasabihin sayo ha?" Sabi niya habang nakatitig ng mabuti sa mga mata ko.

"Ha? Bakit hindi pa ngayon? Come on' say it." Utos ko sakanya.

"Don't be so excited, tsaka na pag balik mo." Nginitian niya ko ngunit kita ko parin ang lungkot sa mga mata niya.

"Okay, fine. Wag ka ng malungkot ha?" Nginitian ko siya .

"I can't help it." Ngumuso pa siya. Damn cute. Pinisil ko ang pisngi niya. "Aww!" Reklamo niya.

"You're so cute. Sorry!" Natatawa kong sinabi.

"I know." Mayabang niyang sinabi kaya napa irap ako at ngumiti.

"Pano? Uuwi nako. 8:30 ng gabi ang alis namin." Pag papaalam ko sakanya. Kahit ayoko pa talagang umalis.

"Mamaya na. Dito ka muna sa tabi ko." Inakbayan niya ako. "Zam, mamimis kita ng sobra. Basta tandaan mo pag kailangan moko just call my name and I'll be there!" Pag bibiro niya.

"Haha sure." Natawa kami parehas.

Mamimis ko 'to. 5 years akong mawawala kaya natatakot ako na baka pag balik ko dito ay bigla siyang mag bago. Baka hindi na siya yung Zander na kakilala ko. Sabi nga nila people change. Pero malakas parin ang tiwala ko na hindi ganon si Zand.

"Tara muna don, ililibre kita ng ice cream." Turo niya yung ice cream parlor na palagi naming binibilhan. Anong nakain nito at manlilibre ata? First time to ah? Haha

"Aba! Himala. Libre mo?" Nagtataka kong tanong kaya natawa siya.

"Last na 'to, ayaw mo pa ba?" Sabi niya. Sabay lahad ng kamay niya sa harap ko.

"Oy anong last? Pag balik ko, ililibre mo ulit ako jan no! Haha!" Kinuha ko ang kamay at nag lakad kami papuntang ice cream parlor.

Umorder siya ng chocolate para sakanya at cookies 'n cream naman para sakin. Yun ang lagi naming binibili pag nag pupunta kami dito. Habang kumakain ako ay napansin ko siya na titig na titig sakin.

"Oy anong tingin yan ha?" Nagulat siya sa tanong ko.

"Wala mamimis ko lang yan mukha mo, pataban nga!" Nilapit niya ang kamay niya sa mukha ko at hinawak niya para bang kinakabisado ito.

I smiled. I'll miss this guy. Really.

"Sige libre lang pag hawak pero next time may bayad na. Hahaha!" Pang aasar ko sakanya. Tinanggal na niya ang kamay niya at ngumisi.

"Ang ganda...mo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. First time lang niya kong sinabihan ng maganda dahil lagi niyang sinasabi sakin ay pangit ako kaya alam kong wala akong pag asa sakanya ..

"Joke?" Tanong ko sabay irap kaya natawa siya.

"No, i'm serious." Sumeryoso ang mukha niya.

"Psh. I hate you." Ngumiti ako.

"Sus! Mahal mo nga ako eh" Nagulat ako sa sinabi niya kaya Natawa siya.

"O-oy h-hindi ah!" Nakangiti parin siya. Habang ako eh pulang pula na.

"Yeah. Yeah. I'm just kidding." phew. Buti naman. Nginitian ko siya at tinitigan nalang.

It's 7 in the evening kaya napag desisyunan na naming umalis. Hinatid niya na ako hanggang sa gate ng bahay namin.

"Hey. Take good care okay?" Pag papaalala ko sakanya. May namumuong luha sa mga mata ko. Ang hirap niyang iwanan.

"I will. Ikaw din. Yung promise mo." Niyakap niya ko at hinalikan sa noo kaya nanikip ang dibdib ko sa kilig. You, Ramos! 

"Babalik ako, basta ba pag balik ko nandito ka parin eh!" Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya sa sinabi ko.

"Diko mapapromise." Natatawang niyang sinabi.

"Anong di mo mapapromise? Kung sakalin kaya kita? Hahahaha! Babye na." Niyakap ko sa huling pag kakataon. At doon tuluyang tumulo ang luha ko.

Pumasok ako sa loob ng bahay namin at tinignan kung umalis na siya. Nakita kong nag simula na siyang mag lakad palayo. You have no idea how much I want to stay. At doon nag simula ang pag agos ng mga luha ko.

"Hija, are you okay? What happen?" Nakita ako ni mommy na umiiyak kaya nag aalala siyang pumunta sakin.

"I'm okay, Mom pwede na po ba tayong umalis?" Diko na kasi kayang tumagal dito lalo na't alam kong nandito ang taong mahal ko.

"Yes hija, aalis na tayo. Kunin mo na yung mga kailangan mong dalin. Nireready na ng daddy mo yung sasakyan natin." Tumango ako at umakyat sa kwarto para ihanda ang mga gamit ko.

Makalipas ang 1 oras nakarating na kami sa airport. Saktong 8:30 ay ready na kami para umalis konting konti nalang mag kakahiwalay na kami ng tuluyan. Tingin ako ng tingin sa paligid at nag babaka sakaling lilitaw  siya sa madaming taong nakapaligid samin ngunit wala. Mabuti na siguro yon.

"Anak, let's go." Ng madinig ni mommy na tinawag na ang mga pasaherong papuntang canada.

Tumayo ako at nag lakad papuntang eroplano na sasakyan namin.

Goodbye Zander, Promise I'll be back. Soon.

A/n. Hiii! I sorry po kung pangit. :) iniba ko po yung story dahil nawalan po akong ng idea kung paano ipag papatuloy sorry sorry sorry talaga. Pero ngayon itatry ko na tlagang tapusin to. Hahahaha sana po may magbasa parin kahit papano. Labyu.

PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon