P r o m i s e s 2

319 16 0
                                    

Two weeks na ang nakalipas pero hindi parin ako nakakapag libot dito sa canada puro sa bahay lang ako. Nag aantay ako sa chat ni Zander pero wala parin. Hays..

"Zam? Anak? Breakfast ka muna." Kumatok si mommy bago pumasok sa kwarto ko, mayroon kaming bahay dito dahil sa mga lolo at lola ko na pumanaw kaya naipasa nila ito kay daddy.

"Sige po, busog ako eh." Sabay hawak sa tiyan ko pero ang totoo ay wala lang talaga akong gana na kumain.

"But-"

"Mom, don't worry. I'm okay. Ayoko lang po talagang kumain." Pinutol ko ang sasabihin niya dahil for sure yung dati parin 'yon na but zam, i'm worriedm about you baby. Tsk. Wala bang bago?

"Okay, if you say so." Lumabas na siya ng kwarto at ako naman ay nag check ng Facebook account ko.

Zander Ramos •active now

Hey Zam! How are you? I miss you already! I'm sorry ngayong lang ako nakapag chat busy kasi may pinuntahan family namin. :)

Omygosh. Finally!

Zam Ruis Fuentes •active now

Hey Zand! Omg. I miss you too! Sobra. Okay lang ako dito. Hope you're okay too. :)

Grabe yung kilig na nararamdaman ko. Hindi tama pero hindi rin naman mali e. Diba? Ah! Ewan.

Zander Ramos •active now

Okay din ako dito. Gusto kitang sundan jan para makita kita for the last time. Hahaha!

Last time? I don't understand.

Zam Ruis Fuentes •active now

Anong for the last time? Loko! San ka naman pupunta at may last time ka pang nalalaman?

Five minutes na pero di parin siya nag rereply. Tsk. Busy ba siya?

Zander Ramos •active now

Sorry may ginawa lang. :) Malayo e. Di mo alam kung saan. Hahaha basta. Yung promise mo.

"Promise me, You'll be back."

"Yes, I promise. Now, you promise me that you'll take care of yourself while I'm away okay?"

Napangiti ako.

Zam Ruis Fuentes •active now

Of course. Basta hintayin moko.

Medyo kinilig ako dahil naiimagine ko palang yung mga ngiti niya na halos mawala yung mata dahil sa may pag ka singkit siya. Darn!

Zander Ramos •active now

Hihintayin kita, hanggat' kaya ko pa.

Nalungkot ako sa sinabi niya dahil parang iba yung meaning pag dating sakin.

Zam Ruis Fuentes •active now

Just promise me.

Oras na ma sent yung message ko ay bigla naman siyang nag off line. Arg! Kaasar naman. Tsk.

Nag hintay ako ng 5 , 10 , 15 minutes pero wala parin. Ano na kaya nangyari don? Nako naman eh!

Naligo ako at nag bihis para makapamasyal sa labas. Nag libot ako sa paligid. Simple lang yung mga bahay dito pero may buhay dahil sa mga bulaklak sa paligid. Kumuha ako ng litrato ng mga bulaklak para maipakita ko sakanya sa susunod na makapag usap kami.

"Miss? Are you lost?" Bungad sakin ng magandang babae sa harap ko. Siguro kasing edad ko lang din siya.

"Ha? Uhmm, no. I live here." Sabay ngiti ko sakanya. Lumawak naman ang ngiti niya.

"Omygee! We're neighbors! Where is your house?" Patalon talon pa siya sa harap ko.

"Ah, doon la- No! I mean there." Sabay turo sa bahay namin sa di kalayuan.

"Wait, filipino ka?" Tanong niya habang nag nining ning ang mga mata niya.

"Oo. Ikaw din?" Nag tataka kong tanong.

"Omygee uleeet! Oo filipino din ako! Grabe kanina pa tayo english ng english dito parehas din naman pala tayong filipino! Hahahaha!" Natawa ko sa reaksyon niya. Nakakatuwa na mayron din palang filipino citizens dito.

"Haha yeah." Yun lang ang nasabi ko dahil bukod sa nakakahiya ay hindi rin ako marunong makipag socialize. Iisa lang talaga ang naging  kaibigan ko sa pilipinas.

"By the way, I'm Angel." Nilahad niya ang kamay niya sa harap ko upang makipag kamay.

"Uhmm.. Zamie Ruis. But you can call me Zam." Inabot ko ang kamay niya at nakipag kamay. We both smiled at each other.

"I prefer for Zamie, hihihi!" Tawa niya na parang kinikilig. Weird siya ng konti. Konti lang naman.

"Okay. He-he" I smiled.

"So? Friends?" Tanong niya ng nakangiti. Totoo ba to? Bukod kay Zander may gusto pang makipag kaibigan sakin? Ang saya pala kapag ganon.

Napangiti ako.

"Friends."

A/n- ayaaan. 2 chapters palang po yung binago ko. Sorry po talaga sa biglang pag iba ko. Sana magustuhan niyo po thanks. :)

PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon